Labas naman tayo mamaya, wala naman tayong pasok bukas" si Joy na lumapit pa sa kanyang upuan. Magtatlong buwan na siya sa kompanya at matagal na nitong inaatungal na magnight out naman sila.
" Hindi ako pwede" gaya ng dati ay yun ang palagi niyang sinasabi kapag nag aaya ang mga ito.
" Naman! tatanda kang gurang sige ka, wala ka man lang kahit konting social life, ano ba yan...mabuburo yang ganda mo ano ka ba", reklamo nito at tinawanan niya ito.
" Ikaw talaga, may pupuntahan ako...importante"
" Hahaha importante, your face! bibili ka lang naman ng jolibee, pupunta sa plaza at magpakain sa mga batang lansangan, hello mother Theresa ikaw ba yan?" saad nito na halatang inis at mas lalo siyang natawa.
" Listen guys, birthday pala ng CEO ng A&A Corp ngayon, kailangan natin maging visible doon for sure maraming pupuntang mga investors doon" biglang announce ng kanilang head at halos naexcite ang lahat maliban sa kanya. Ilang buwan na rin pala ang nakakaraan ng mag- iba ng CEO ang A&A, naroon pa siya noon at iyon din ang last na nakita niya ang bagong CEO...and birthday pala niya ngayon. Natawa siya sa sarili, asawa niya kuno pero wala sa isip niya ang birthday nito. Sigurado malaking party na naman ang magaganap sa villa ng mga Alegre, and of course she is not welcome as always lalo at sa importanteng araw nito.
" Joy and Arabella, you will attend the party" pagdedeligate ng head nila ngunit busy ang isip ng dalaga sa pag aalala.
" Girl, narinig mo si boss? woow very exciting ito" nakangiting tabig ni Joy sa kanyang tagiliran. Nangingislap pa ng mga mata na halatang excited.
" Ikaw nalang kaya" mahinang sabi niya.
" Di mo ba narinig ang sabi ni boss? Joy and Ara..Joy and Ara"
" May problema ba Ms. Simon?"
"Ha? wala po boss..'
" Good! alam niyo na ang gagawin ninyo" saad nito at dinismiss din agad ang attention ng lahat.
" Ayiiih! dami na namang gwapo doon, sana mahanap ko na si Mr. right ko...gwapo at ubod ng yaman" mahinang saad ng kaibigan na akala mo kinikiliti ito sa sobrang excited.
" be careful what you are wishing...baka makahanap ka ng uboooood ng suplado"
" Duuuh! with this charm? walang suplasuplado dito noh?" pabirong saad nito at napahalakhak sila ng mahina.
" See you there! Isusumbong kita kay boss kung hindi ka pupunta" pabirong pagbabanta ni Joy kinahapunan.
" Baka malate ako o di kaya ay saglit lang ako, alam mo na"
" Haist! basta pupunta ka" si Joy at nagkatawanan pa sila ng maghiwalay sila sa baba ng A&B building.
Gaya ng dati ay dumaan siya jolibee at pagkatapos ay pumunta na siya sa plaza. Ibinigay lang niya sa mga bata ang pagkain at agad din siyang umalis pauwi sa bahay. Mag isa lang siya sa bahay gaya ng dati, simula kasi noong unang pumunta sila ni Tyron dito at umalis ay hindi na ito nagagawi doon. Hindi niya alam kung saan umuuwi ito, paminsan minsan naman daw nasa villa pero wala na siyang pakialam dito. She had enough, hindi naman siya nito ginugulo, tahimik naman ang kanyang buhay lalo ngayon at libang na libang siya sa kanyang trabaho. Ni hindi na nga ito sumasagi sa kanyang isip, what for? Pero mukhang makakasalubong na naman ang kanilang landas at naitaon pa na birthday nito, ano't ano pa man mukhang masisira na naman ang gabi nito kung makikita siya nito. Nakapangalumbaba si Arabella habang nag-iisip nang tumunog ang kanyang cellphone. Si Mrs. Alegre iyon, informing sa big party na gaganapin sa villa.
" Youor invited" sabi ng Ginang sa kabilang linya.
" Baka masira lang ang gabi ng anak niyo tita"
" Kahit saglit lang iha, matagal ka ng hindi nakakapunta dito"
" Busy lang po sa trabaho"
" Kaya nga, see you iha" saad nito sabay paalam ni hindi na siya binigyan ng pagkakataon pang makatanggi.
Nagsimula na ang party nang dumating si Arabella sa villa ng mga Alegre. Punong puno na ang bulwagan at nagsasalita na rin ang emcee ng siya pumasok siya sa gate. Sinadya niya talagang iyon para kahit paano ay wala nang makakapansin sa kanyang prisensiya. Saglit lang naman siya doon, magbigay galang lamang sa mga matatandang Alegre at magpakita sa kaibigan para wala naman itong masabi sa kanya. Anyway, alam naman niyang kayang kaya ni Joy makipagsosyalan sa mga investors na nandoon. Ang galing ging kaya nito.
" What keep you so late? Oh my..your so gorgeous! " nanlalaki ang matang bulalas ni Ginang Alegre nang makaharap niya ito.
" Thank you tita" kimi niyang pahayag. Kahit paano pinaghandaan din niya ang gabing ito, bago pa nga siya umuwi kanina ay dumaan muna siya sa botique para sa kanyang suot na gown. Of course ang favorite color, plain white long gown na hapit sa katawan na may mahabang sleeve napili niyang isinuot. Sabi nga nga may ari ng botique kanina, para daw siyang fairy godmother or di kaya ay angel na bumaba sa lupa. Simple lang naman ang kanyang damit ngunit talaga namang bumagay sa kanya.
" How are you doing? your work? hindi kaba nahihirapan? " si Mrs. Alegre na animo taon na hindi silq nagkita.
"I'm doing good po, nag eenjoy ako sa work ko."
"Good! Good! halika puntahan natin si Tyron"
" Naku tita, huwag na po... ayokong masira ang gabi niya ng dahil saakin...tsaka saglit lang po ako tita, magpapakita lang po ako sa kaibigan ko...andito siya ngayon" matigas niyang pagtanggi at naintindihan naman siya nito.
Oh, ok...basta feel at home, ok? Andito lang ako" pahayag ng matanda ng magpaalam siya dito para hanapin si Joy. Inilibot niya ang mata sa bulwagan, napakaraming tao at makikita mo talaga na lahat ng bisita ay nasa alta sociedad.Mula sa pananamit, sa mga alahas, sa galaw, pananalita ay hindi maikakailang nasa iisang sirkulo ang mga ito. Pinagala niya ang kanyang mata, hindi pa kasi nahahagilap ang anino ng kaibigan. Bulls eye!
Mula sa malayo ay nakatingin si Tyron sa kanyang kinatatayuan. Bigla siyang kinabahan, at mula sa pagtatama ng kanilang mata ay agad agad niyang binawi ito. Naramdaman niya agad agad ang prisensiya nito, sa pagkakakunot ng noo nito mukhang nagbabanta na naman ng hindi maganda. Agad siyang umalis sa kinatatayuan at lumapit sa makapal ang tao para makawala siya sa paningin nito, nakatitiyak siyang nadedemonyo na naman ang utak nito at baka kung ano na naman ang naiisip nitong gawin sa kanya. Binilisan niya ang paghahanap sa kaibigan, at nakahinga siya ng maluwang ng matanawan ito na may kausap na isang grupo at nakatawa. Mahihiya pa sana siyang lapitan ito ngunit kailangan na niyang magpakita at nang makalayas na siya ng mabilisan. Linapitan niya ito at pasimpleng kinurot niya ito sa tagiliran.
"Oh s**t! you're
sooo stunning!" bulalas ni Joy ng makita.
" I swear, para kang angel ngayon, saan mo nakuha yang gown mo? cash o utang?, pabirong saad nito at di niya napigilang tumawa.
"Five gives" sabi niya at naghagalpakan sila ng tawa. Hindi naman sila masyadong naririnig sapagkat malakas din ang sounds sa party.
" Halika kuha tayo ng pagkain, nagugutom na ako sa kakachika sa mga prospect natin" saad nito sabay hila sa kanya patungo sa buffet table. Kanina pa nagsimula ang kainan ng dumating siya sa villa.
" Ganda ka girl, daming nakatingin saiyo" siko ni Joy sa kanya.
" Huh! baka ikaw ang tinitignan...mas maganda ka kaya" mahinang sagot niya dito habang kumukuha ng makakain. Sa katunayan, gusto na nga rin niyang bilisan ang pagkuha ng pagkain dahil naaasiwa na din siya sa mga taong nakatingin sa kanya. Konting dish lang ang kinuha niya, wala siyang ganang kumain ngayon kahit madaming masasarap na pagkain. Pabalik na sila sa mesa nina Joy kanina ng di sinasadyang mabangga niya ang nasa likuran niya at di sinasadyang matapunan ng pagkain.
" Oh, sorry! sorry!" agad na paghingi niya ng paumahin at wala sa sariling pinagpag pa ang damit ng nabangga niya.
" Stupid! don't touch me!" galit na saad nito lalo sa ginawa niyang pagpagpag sa damit nito.
" I'm so sorry miss!"
" San kaba kasi nakatingin, bulag kaba? !" galit pa ring saad nito.
" Look what you have done to my dress!"
" Hindi ko sinasadya, sorry" patuloy pa rin ang paghingi niya ng pasensiya ng biglang siya nitong sinabuyan ng malamig na tubig sa mukha.
" Yan ang bagay saiyo, idiot!" saad nitong galit na galit. Nabigla si Arabella sa ginawa nito, gusto niyang gumalaw at tumakbo ngunit parang tuod na napako sa kanyang pagkakatayo. Napapikit siya nga maramdaman ang tubig sa kanyang mata, kung pwede lang pagdilat niya nakauwi na ang lahat ng First time niyang maranasan ito at sa napakarami pang tao. Gusto niyang umiyak sa kahihiyan...ngunit bago pa man siya mapaluha ay namalayan nalang niyang may humila sa kanya at kulang nalang makanda dapa siya sa tulin ng paglakad nito. Nagpatianod siya habang hilahila siya ng kung sino, gusto pa nga niyang magpasalamat dito dahil sa di niya talaga alam kung paano makaalis mula sa pagkaestatwa niya kanina.