" Stop!", sigaw ni Arabella, hindi siya naawa kay Michael ngunit nag-aalala siya kay Tyron. Sa galit na nakarehistro sa mukha ng binata ay baka mapatay niya ito. Kinuha niya ang kamay ni Tyron at buong lakas na hinila niya ito palayo kay Michael. " Everybody, go back to work! Walang masususpend, walang materterminate!" halos pasigaw niyang turan sa kanyang paligid. Agad namang nagsinatayuan ang lahat sa kanyang sinabi at sabay sabay na nagpasalamat sa kanya. " Get that face of A&B, I don't want it!", turan niya kay Nicole. " Pero ma'am....", nalilitong protesta ni Madam Gertrude. Hindi niya alam kung anong paniniwalaan niya, sobra siyang nagulat na ang binigyan ng issue ay asawa ng pangalawang big boss. " Put this into the record, I don't want any of these employees to get terminated.

