" Anong nangyari mare? nakabalik ang mga walanghiya sa trabaho?", halos hindi makapaniwala na tanong ni Joy kay Arabella. Kalat na kalat sa buong A&B ang balitang iyon, yung iba naintriga, napataas kilay din ang ilan ngunit meron ding naiinis. " It's a long story mare, hayaan na natin sila. Ang importante nagsisi sila sa kanilang pagkqkamali.", sagot ng dalaga na tila bale walang umupo sa kanyang swivail chair. " Pero mortal sin sa company rule yun", giit ni Joy. " Everybody is entitled for the second chance naman. I'm sure hindi na nila uulitin ang ganon", saad niya dito. Sobrang naiinis si Joy sa mga taong gumawa ng issue sa kaibigan ngunit ano pa nga ba ang kanyang magagawa kung sadyang mabait at mapagpakumbaba ito? " Okey! sana lang hindi na sila uulit na gagawa ng hindi maganda",

