"Mars, busy ka ba?", si Joy sa dalaga isang araw. Naoobserve niyang kanina pa ito hindi mapakali sa kinauupuan na tila ba may hindi masabi sabi sa kanya. " Save ko nalang ito mars, bakit?", sagot niya kahit hindi tumingin sa kaibigan. " Ah...can we have a date? i mean dinner?", atubiling pahayag ni Joy. Napahinto siya sa ginagawa at hinarap niya ang kaibigan. Tinignan niya ito ngunit kagat kagat ni Joy ang isang daliri. " Of course!", saad niyang natatawa. Alam niyang may importante itong sasabihin ngunit hindi niya masabi sabi. " Thank you mars.", Masayang pahayag ni Joy ng walang pag aalinlangang pumayag siya dito. Nginitian niya ang kaibigan at napailing niyang ipinagpatuloy ang ginagawa. Paglabas nila kinahapunan ay kay Joy na siya sumakay. Sinabihan na lamang si Tyron sa plano n

