Pagkatapos iend ang button ng Watts app ay nilinga niya ang paligid. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa kama at sumilip sa may pintuan. Napansin niyang nakailaw pa ang study room kung kayat dumirecho siya sa kitchen at nagtimpla ng kape. Dala dala ang tinimplang kape ay pumasok siya sa study room na kinaroroonan ng binata. Mukhang sumasakit ang ulo ni Tyron sa binabasang dokumento dahil nakahilig ang ulo nito sa kanyang upuan habang hawak hawak ang noo. Maingat niyang ipinatong sa isang tabi ang tinimplang kape at pumunta sa likod nito. Nagulat pa iyon ng hawakan niya ang ulo nito ngunit agad ding umayos upang hayaan siyang imassage ang kanyang ulo. After some strokes sa noo at ulo ng binata ay sa batok naman hanggang sa balikat nito. Nang maramdamang relax na ang balikat ng binata ay

