" Ehem! ehem!", mula sa nakabukas na pinto ay naroon si Tyron Alegre. " Oh my, Sir! go...good morning po. Pasok po kayo", si Joy na halos hindi alam ang gagawin sa pagkataranta pagkakita sa isa niyang boss. Halos lumuwa din ang mata ni Arabella pagkakita sa binata ora mismo. " Hi! what are you doing here?", hindi niya napigilang tanong habang papalapit siya sa kinatatayuan nito. Tinanggal ni Tyron ang suit nito but still deadly handsome. Pinangunutan siya ng binata ngunit lumapit pa rin siya dito. " Did you just say that your friend's dad is going home today?", makahulugan nitong pahayag. " Yes! at malapit na silang matapos magligpit.", patay nalisya niyang pahayag. " Well then, I am offering them a lift", turan ni Tyron at halos synchronized ang ulo ng lahat na tumingin dito. "

