NOTE: From this point onward, it will be more of Cordelia's Point of View.
P.S. Be careful, trigger warning.
***
Anim na taon na ang nakalilipas nang bumisita rito ang Hara Aqua. Hindi ko malilimutan ang pagtatagpo naming iyon. Sino bang makalilimot sa isang magandang alaala, hindi ba? Subalit, iyon na ang huling beses na nakita namin sa bayan ang hara.
Maraming nagtataka dahil taon-taon daw itong ginagawa noon, kaya naguguluhan sila kung bakit hindi na pumupunta ang reyna.
Hindi bali na, balang araw ay makikita ko muli siya. Sisiguraduhin kong makakatungtong ako sa palasyo.
"Cordelia! Kakain na!"
"Opo, ina!"
Ako si Cordelia, isang ordinaryong mamamayan ng kahariang Lir. Lumaki ako sa bayan ng Como, hanggang ngayon ay naririto pa rin kami. Sabi kasi ni ina ay mas mainam daw na tahimik sa bayan kaysa puro g**o. Kaya heto, hindi na kami lumipat. Hindi naman mali si ina, sapagkat naging tahimik nga ang aming pamumuhay sa bayang ito.
Ngunit ang katahimikang iyon ay hindi na nagtagal pa...
Isang araw, habang naglalakad ako sa pamilihan, nagkaroon ng kaguluhan.
"Ang tindahan ni Aling Soledad inatake!"
Ang tahimik naming bayan ay ginambala ng mga rebelde na galing sa ibang bayan. Tahimik lang silang umaatake kaya walang nakakaalam kung sino sila. Wala silang pinapalampas, bata man o matanda, mabait man o palaaway. Lahat inaatake at pinapatay nila.
Paano ko nasabi? Dahil si Aling Soledad ay ang pinakamabait dito sa aming bayan. Hindi naman kalakihan ang bayan ng Como kaya kilala namin ang isa't - isa. Si Aling Soledad din ay tinuring ko ng pangalawa kong ina dahil sa kaniya ako ibinibilin dati ni ina.
"Saan daw siya inatake?"
"May buhay pa ba siya?"
"Ano ba namang klaseng tanong yan, Ada? Lahat naman ng inaatake nila hindi na naaaabutang humihinga."
"Doon daw siya sa bahay nila inatake, malapit sa may ilog. Kabilang kanto ng kila Aqua."
"Cordelia! Nariyan ka pala!"
"Oho, aling Ada. Totoo po ba ang aking narinig, sa bahay nila inatake ang aking nanang Soledad?"
"Oo iha, kaya magmadali ka na't umuwi. Baka mapano pa ang iyong ina."
"Salamat po!"
Nagmadali akong umuwi sa amin. Ang araw na ito ay hinding - hindi ko malilimutan.
Halos maubusan ako ng hininga upang makarating lang sa amin. At sa aking pagdating, wasak na mga kagamitan ang aking naabutan.
"Ina!"
Pagtawag ko sa kaniya na kataka-takang hindi niya sinagot.
"Ina! Narito na po ako!"
"Dali! May tao!"
Mga tinig? Sila ba ang mga rebelde?
"Sinong andiyan?"
"Sabi ko sa'yo umalis na tayo! Pinaglaruan mo pa kasi ang babaeng iyan!"
"Saglit na lang! Inaangkin ko pa lamang siya. Napakasarap niya!"
Babae? Dalawa lamang kami ni inang nakatira rito, kaya...Hindi!
Tumakbo ako patungo sa pinanggagalingan ng mga tinig at ang aking naabutan ay isang kalapastanganan!
Ang aking ina ay nakahilata at pinalilibutan ng sariling dugo, may isang lalaking nakapasok ang kaniyang p*********i sa hubo't h***d na katawan ni ina! Ang dalawa naman ay tila pinaglalaruan ang hinaharap ni ina.
"Layuan niyo ang aking ina!"
"Huwag kang mag-alala binibini, isusunod ka nalang namin sa iyong ina."
"Ngunit, bago iyon..."
Nagkatinginan ang tatlong lalaki at nag-ngisian. Hindi maganda ang aking kutob sa kanilang pagtitinginan. Lumingon muli ako sa ina ko...na mukhang wala nang buhay.
Saktong paglingon ko sa mga lalaki ay nilapitan nila ako.
"Tiyak na masasarapan ka sa amin."
"Makakarating ka ng langit."
"Tulad ng iyong ina!"
"Anong ginawa niyo sa aking ina?!"
Iyon na ang aking huling nakita bago magdilim ang aking paningin.