III

562 Words
Nagising ako sa isang silid na mukhang pang maharlika. Sandali, nasaan ba ako?  Tumayo ako at nagpunta sa balkonahe ng silid. Magandang tanawin, masaganang pamumuhay ng mga mamamayan, at mga dragon na — Dragon? Ang mga dragon ay tanging sa kabisera lamang ng kaharian matatagpuan! Bakit may mga dragon dito? Imposible namang nasa...kabisera...ako? Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang bumukas ang pintuan ng silid. "Mabuti naman at ikaw ay gising na." Pagbati sa akin ng reyna...reyna? Nasa palasyo ako? "Tama ang iyong iniisip, Cordelia, tama ba?" "Gano'n nga, mahal na reyna." "Halika't mag-almusal, handa na ang umagahan." "Maraming salamat po, ngunit kung inyong mamarapatin, may itatanong lamang po ako." "Sige, sasagutin ko ang kahit anong katanungan na mayroon ka. Bago iyon, kumain muna tayo." Ang huli niyang sinambit bago lumabas ng aking silid. Inayusan ako ng mga dalaga na alam kong ka-edad ko lamang. Binihisan nila ako ng asul na baro na umaabot sa aking talampakan, nilagyan din nila ako ng kulay rosas na lipistik. Ginabayan din nila ako patungo sa silid-kainan ng palasyo. Hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha, sapagkat noong una kong nakita ang reyna ay pinangarap ko lamang ang makatungtong dito. At ngayon? Naririto na ako! Tama nga ang sinabi ni ina... "Cordelia." "Mahal na hara." "Makinig kang mabuti sa aking ikukuwento." Sabi niya nang nakangiti, batid ko na mahalaga ito kung kaya't tumango na lamang ako bilang tugon. "Noong bagong gawa pa lamang ang mundo, may apat na tribo ang namumukod-tangi..." "Iyon ay ang Aether, Nevaria, Axton, at Lir." Pagtuloy ko. "Tama, ang mga tribong ito ay ganid sa kapangyarihan at kayamanan, at ito ay nag-udyok ng digmaan. Nadadamay pati ang nga inosente, hindi alam ng lahat kung bakit tila pinahihintulutan ito ni bathala, ngunit upang mabuhay, nakikipaglaban sila kahit hindi nila naisin..." Alam ko ang kuwento na ito... "Lumipas ang maraming taon at patuloy pa rin ang pakikidigma ng mga tribo, hanggang sa isang araw, sabay-sabay na ipinanganak ang apat na babaeng sanggol. Sa kanilang pagkabuhay, hindi maipaliwanag na katahimikan ang bumalot sa buong emperyo. Tila ba'y pino-protektahan ng mga tribong ito ang mga sanggol na isinilang. Kinalaunan, lumaki at naging magigiting na mga pinuno ang mga babaeng ito. Nang sila'y magkaharap-harap, napagkasunduan na ang matagal na digmaan ay ihihinto na sa wakas. Ang mga pinunong ito ay nagdala ng katahimikan at kaginhawaan sa buong emperyo." "Tama, ngunit hindi lang iyon ang nangyari. Ang apat na pinuno ay naging magkakaibigan. At dahil sa pagkakaibigan na ito, natuwa ang bathala. Binigyan sila ng kakayahan upang kontrolin ang apat na elemento, iyon ay ang elemento ng tubig, hangin, lupa, at apoy. Nang dahil dito, tinawag silang mga tagapangalaga." Bakit hindi ko alam ang parteng ito? "Nagtataka ka ba kung bakit may ganitong karugtong ang kuwento, Cordelia?" "Huwag niyo sanang mamasamain, mahal na hara. Ngunit, hindi po lingid sa aking kaalaman na may mga namumukod-tanging nilalang ang may kayang kumontrol ng mga elemento. Ang hindi ko batid ay kung saan sila nagmula, sapagkat hindi naman ito nakasaad sa librong aking binasa." "Dahil hindi lahat ay nasa libro, Cordelia." Paano siya nakakasiguro? At paano niya ito nalaman? "O siya, bukas ko na lamang sasabihin ang iba pa dahil may mga bagay pa akong dapat asikasuhin." Pagpapaalam niya at saka umalis ng silid-kainan.  Sino ba talaga ang hara? Bakit alam niya ang kuwento? Ano bang hindi namin nalalaman sa mga tagapangalaga? Iyon ang mga tanong na bumabagabag sa aking isipan buong maghapon. At buong maghapong din iyon na hindi ko nakausap ang hara kung kaya'y natulog na lamang ako sa aking silid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD