Paalis pa lamang ako sa punong- bulwagan nang makarinig kami ng sigaw ng kawal.
"Bagsak na ang hilaga ng palasyo!"
Hindi puwede! Ang hilaga ang kinalalagyan ng mga silid!
"Ano ba?! Bitaw!" Sigaw ni Bridget kaya agad akong napatingin sa kanila.
Ang tagasilbi at kawal na nakahawak sa kaniya ay parang walang narinig. Patuloy lang sila sa paglalalad. May mali rito, hindi kaya...
"Ignem gladio vocavi te!" Pagkasigaw niya no'n ay may lumitaw na espada na gawa sa apoy at lumiliyan. Agad niyang sinaksak ang mga nakahawak sa kaniya.
Matagumpay niya silad ginilitan ng buhay kaya mabilos siyang lumapit sa kaniyang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
"Lumapit ka rito!" Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang aking ginawa.
"Haec sphaera ignis et ego creo, et defendat nos fata infelicis!"
Narito kami sa loob ng harang na gawa sa apoy. Walang nakakalapit sa amon kahit sinong kalaban.
Nakapagtataka lang, bakit bumagsak ng gano'n na lamang ang hilaga ng palasyo?
"Et hoc faciam ignis, et custodiat corda cuius est nobiscum!"
"Et hoc faciam ignis, et custodiat corda cuius est nobiscum!"
"Et hoc faciam ignis, et custodiat corda cuius est nobiscum!"
Nagbigkas siya ng salamangkang iyon ngunit wala namang nangyari. Balak ko na sanang magtanong ngunit naunahan niya na ako magsalita.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang pinili ng simbolo ng tubig, pero alam kong may dahilan."
"Ako? Pinili ng simbolo ng tubig?"
"Oo. Hayaan mo na lamang ang aking tiya Aqua ang magpaliwanag."
Ngayon ay mas naguguluhan ako. Kung tutuusin ay hindi ko rin alam kung paano ko napaghilom ang mga sugat ng kaniyang ina. Ni hindi ko rin alam ang salitang binibigkas ko kanina, maging ang tinig na iyon! Hindi ko nakikilala.
Ilang minuto rin kaming naging tahimik hanggang sa basagin ko ang katahimikan.
"Kailan mo natutunan gamitin ang elemento ng iyong ina?"
"Pinapatawa mo yata ako, dukha. Hindi mo na kailangang alamin iyon. Huwag mo na akong kakausapin mulo dahil hindi ako nakikipag-usap sa mga mas mahina sa akin." Diretsong saad niya sa akin.
Ha! Nakakapang-insulto! Maaaring mahina pa ako ngayon, pero darating ang araw na magiging malakas ako. Mas malakas sa kahit na sino.
At anong karapatan niyang tawagin akong dukha? Wala!
Hinintay kong humupa ang akong pagkainis bago mulong nagsalita.
"Palabasin mo ako." Matigas kong sabi.
Hindi siya nagsalita, wala rin siyang ginawa. Aba, talagang sinusubukan ako ng prinsesang ito.
"Wala akong pakialam sa mangyayari sa akin, palabasin mo ako."
Narinig ko na lamang ang kaniyang malalim na paghinga bago magbigkas ng salamangka.
"Hindi kita responsibilidad, tandaan mo 'yan. Heres aquae erit de sphaera" Pagkabigkas niya ng mga salitang iyon ay bumukas ang harang at puwersahan akong naitulak palabas.
Isa pa, sino ba ang nagsabing responsibilidad mo ako? Tsk. Mapagmataas masiyado. Tumakbo na lamang ako ng taliwas sa direksiyon ng hilaga, pero saan ako tutungo?
"Tulungan mo ang tagapangalaga ng Tubig, Cordelia."
Ang tinig na iyon nanaman! Paano ko matutulungan ang hara kung ang alam ko lang ay lumaban nang pisikalan?! Wala akong kapangyarihan!
"Magtiwala ka lamang sa iyong sarili. A sphaera aquae ego creo, protegere te ab omni herede ferrum mortiferum." Iyon ang huling sinabi ng tinig bago nawala sa aking isipan. Napapikit ako saglit dahil sa liwanag at sa pagmulat ng aking mata ay napalilibutan na ako ng harang na gawa sa tubig.
Ngayon, Cordelia. Ano ba ang dapat mong gawin? Ano ang kaya mong gawin? Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang maramdaman kong may aatake sa aking likuran. Bago pa ako masipa ay nasalag ko ito gamit ang aking kamay. Inikot ko ito at puwersahang ibinagsak sa marmol na sahig. Simula pa noon, lagi akong sinasanay ni ama kung paano makipaglaban.
Magaling makipaglaban si ama dahil nakita ko na siya noong isang beses. Akmang may susugod sa amin na mga kalaban dahil sa hindi ko malamang dahilan. Sa kasamaang palad, noong araw din na iyon nawala sa amin si ama. Apat na taong gulang ako noon.
Simula nang siya ay masawi, itinuloy ko ang pagsasanay kahit ako lamang.
Akmang susuntukin na ako ng nasa kanan ko nang makailag ako, sinamantala ko iyon para sipain siya sa batok. Nasundan naman ito ng isa pang dapat susuntok sa aking kaliwa na aking nasalag. Inikot ko ang kaniyang braso at nang siya ay nakayuko na, sinamantala ko ang pagkakataon upang sipain siya sa likod.
Ang mga ito ay naging sunod-sunod at hindi ko namalayag hindi ko naramdaman ang kilos ng nasa likuran ko kaya ako ay kanyang nasipa sa likod. Kung tumagos ang kaniyang katawan, ano ang silbi nitong harang? Mag-isip ka Cordelia!
Sinasalag ko lamang nang sinasalag ang kanilang mga atake habang nag-oobserba. Ano ba ang silbi nitong harang?
Lahat naman ng kanilang atake ay tumatagos, maliban na lamang doon sa mga may hawak na patalim...Tama!
Ang mga pisikal na atake ay kaya kong sanggain, ngunit hindi ang mga patalim. Ngayong nalaman ko na, ano na ang dapat kong gawin? Hindi ako maaaring magtagal dito dahil mauubos lamang ang lakas ko.
Kailangan kong maging taimtim. Ipinikit ko ang aking mga mata at ininda ang mga suntok at sipa mula sa mga kalaban. Nanatili akong nakatayo kahit na anong mangyari.
Nararamdaman ko ang paunti-unting pag-angat ko sa ere.
"Elementum aquae, det potentiam tuam. Istis manibus meis consumentur omnes inimici mei!"
Nararamdaman ko ang lakas at enerhiyang dumadaloy sa aking katawan. Nakikita ko ang mga kaganapan kahit na ako ay nakapikit. Ang kaninang pader na tubig ay unti-unting lumalaki at nang maging sobrang laki na nito na pakowari ko'y natatakpan ang hangganan ng palasyo, bigla na lamang itong bumuhos.
Nawala paisa-isa ang mga kalaban, hindi sila nalulunod ngunit sila ay natutunaw na parang napapaso sila ng tubig. Ang iba ay sinusubukang tumakbo na parang takot sa tubig na ito na nagmimistulang banal, ngunit hindi sila pinatakas ng mga alon nito.
Ganito ang nangyari sa lahat ng aming kalaban, maging ang mga kaninang kalaban ng hara Aqua ay natunaw at sumama sa tubig.
Naririnig ko ang kanilang mga tinig hanggang sa tuluyan na itong naglaho. Ilang minuto pa ang lumipas at nakiramdam ako sa paligid. Wala akong maramdaman na kahit ano. Napakatahimik.
Ngunit alam kong may panganib pa rin dahil hindi pa rin pumapasok ang hara. Nagmadali akong magtungo sa kaniya.
Habang tumatakbo ako, kusa na lamang lumalabas sa aking bibig ang mga salitang hindi ko pa rin maunawaan. "Aquam gladium meum et vocavi te!" Nagkaroon ako ng espadang gawa sa tubig.
Sinasalag ko lahat ng makakasalubong ko hanggang sa makalabas ako ng palasyo. Ang buong akala ko ay sa hilaga lamang maraming kalaban ngunit sa bawat sulok pala ay may nakapasok na. Tumingala ako upang makita ang hara.
Siya ay nakasakay sa tubig at mukhang nahihirapan siyang makipaglaban dahil pakiwari ko ay hindi sila basta-basta. Ang mga kalaban niya ngayon ay mga manggagaway. Dalawang lalaki at dalawang babae, itim na ilaw ang lumalabas sa kanilang mga kamay.
Nadagdagan pa ito dahil sa paligid niya ay may mga nilalang na mapuputla ang kulay at tila sabik sa dugo niya.
Teka, maputla at sabik sa dugo? Mga bampira!
"Per aquas, et sustulit me custodem huius elementum, sperabo in protectione!"
Ilang saglit pa ay nakaangat na rin ako at nakasakay sa tubig. Pinantayan ko ang hara at tumalikod sa kaniya.
"Tempestas aquae!" Agad akong nagbato ng atake sa mga kalaban na kaharap ko upang malayo sila kahit saglit. Ang balita ko ay ang mga bampira sa aming mundo ay hindi nasusunog sa araw ngunit mabagal sila, kahit lumilipad.
"Huwag mo akong alalahanin mahal na hara! Babalik ako nang buo!" Hindi ko na siya pinaghintay pa at ginawa ang aking plano.
"Aquae iubeo habere inimicos meos longe proiciet eadem precor!" Pagkatapos kong sambitin iyon ay lumutang ang mga katawan ng mga bampira sa paligid at dinala ng alon. Sinundan ko lamang ang alon at naghintay humupa ito.
Mas maiging lumayo ako sa hara upang hindi ako makasagabal sa kaniya. Wala pa ring malay ang mga bampira mula sa pagkakalunod. Hindi ko alam kung bakit tila napakahina nila at madaling kalabanin.
Sinamantala ko ang pagkakataon at pumikit. Nag-isip ako nang taimtim sa mga salitang hindi ko alam ang lengguwahe ngunit alam ko ang ipinapahiwatig.
"Elementum de aqua, det potentiam tuam. Pueri nocte auferetur ab oculis!
Inundatio Aquarum Sanctae!"
Hinintay kong mawala ang liwanag bago ako nagmulat ng mga mata. Makalipas ang ilang saglit ay nawala na ito, iminulat ko na ang aking mga mata.
Nakita ko ang tubig na paunti-unting tumataas, at bawat bampirang mabasa nito ay nasusunog.
Banal na Tubig, isang malakas na panlaban na hindi magagamit ng mga taong maitim ang balak.
Ibang klase pala ang kapangyarihan ng hara Aqua, masyadong malakas. Nakakapanghina.
Nais ko munang magpahinga...Ipipikit ko lamang ang aking mga mata.
Ang pagbagsak ko sa malambot na lupa ang huli kong naramdaman bago ako mawalan ng ulirat.