X

1016 Words
Tatlong buwan na ako rito sa palasyo at bukas ay maglalakbay kami ni Bridget patungo sa Aether. Ang kaharian ng Nevaria ay muli nang nakabangon kaya umuwi na sila Bridget sa kanilang kaharian. Simula nang humarap ako sa Salamin ng Katotohanan, hindi na niya ako kinibo pa. Pabor din iyon sa akin kahit papaano, dahil sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano siya pakisamahan. Kinabukasan... Maaga pa sa alas-tres akong nagising. Naalala ko lang na napagod ako kagabi at nakatulog na kaagad. Mabilis lang naman ako mag-ayos ng gamit dahil hindi naman ako maarte. Nagsipilyo na ako at naligo, ginawa kong mainit ang tubig na aking gagamitin upang hindi masiyadong malamig lalo na't madaling araw pa lamang. Nitong mga nakaraang buwan, pagkatapos mabunyag sa akin ang katotohanan ay hindi na ako normal na bisita na lamang. PAGBABALIK-TANAW "Mula sa parehong angkan na unang pinili ng simbolo." "Sandali..." Nag-aalangan pa rin ako. "Nagamit ko ang kapangyarihan ng tubig, at ang simbolo ay hindi basta-basta nagagamit ng kahit sino, at ang ikalawang babaeng salinlahi na iyong tinutukoy hara Aqua ay ako, at ang aking angkan ang...unang pinili...ng simbolo? Tama ba ako?" Makahulugang ngiti lamang ang kaniyang iginawad sa akin. "Malamang. Kung nag-iisip ka ay hindi mo na itatanong 'yan." Sabi ni Bridget na ngayon lang nagsalita. "Bridget, ang iyong pananalita." Suway ni hara Soleil na ikinatahimik niya. "Ngunit mga hara, sino ba talaga kayo at bakit ninyo alam ang mga bagay na ito?" "Sumunod ka sa akin at ipapakita ko sa'yo." Sabi niya sa akin at inilahad ang kaniyang kamay. Agad ko naman itong tinanggap. Nagpunta kami sa isang pasilyo at sa dulo nito ay inilapat niya ang kaniyang kamay sa isang parte ng pader at saka kami pumasok. Hindi tulad ng aking inaasahan, maaliwalas ito. Nagmimistulang museo. May iba't - ibang kadamitan, libro, mga porselanang palamuti, at mga kagamitan na pang-maharlika. Ngunit ang nakapukaw ng aking atensiyon ay ang malaking larawan sa pinakagitna ng silid na iniilawan ng mga lampara. Sa harap ng malaking larawan na ito ay may baluti, korona, at salapang. Ang nasa pinakataas ay ang salapang ba kulay asul at ginto na may simbolo ng tubig sa pinakagitna. Nasa baba naman ng salapang ay ang korona na may asul na dyamante sa gitna. Nasa isang maniki ang baluti na may kupya sa itaas. "Mahal na reyna, sino po ang nasa larawang ito?" "Siya ay si Cascadia Del Mar." Naguguluhang tumingin ako sa kaniya. "Hayaan mong ipakilala ko ang aking sarili." Ngumiti siya sa akin at tinanggal ang korona niya pagkatapos ay iniabot kay hara Soleil. "Elementum aquae veram indicabo." Nagbago ang kaniyang wangis. Hindi ko alam ngunit binalikan ko ng tingin ang larawan. Ang larawan ay pinintang dalaga na kamukha ng hara Aqua. Mahaba ang asul na buhok at malalim ang kulay asul din nitong mata. Ang mata, ilong, at hugis ng mukha ay kawangis ng hara. Hindi kaya... "Ako si Aqua Del Mar. Anak ni Cascadia Del Mar na unang tagapangalaga ng elemento ng tubig. Kasalukuyang reyna ng kaharian ng Lir at ang ngayong tagapangalaga ng elemento nito." Pagpapakilala niya. Hindi ako makapaniwala, hindi kaya si hara Soleil ay anak din ng mga unang henerasyon? "Alam kong marami ka pang katanungan, Cordelia. Sasagutin ko iyan pagkatapos niyong mapagtagumpayan ang misyon na aking ibibigay." "Niyo? Mahal na reyna?" "Oo, kayong dalawa ni Bridget." "Mawalang galang na, tiya Aqua. Ngunit anong klaseng misyon iyan at kailangan ko pa siyang makasama?" Pagtutol ni Bridget. "Pupunta kayo sa mundo ng mga tao, isang taon ang aking palugid. Kailangan niyong tipunin ang mga kasamang tagapangalaga at mga tagadala ng elemento na inyong mga magiging kasangga sa mga digmaan sa hinaharap." "Bakit kailangan ko pa siya kasama tita Aqua? Wala nga siyang alam sa pag-kontrol ng elemento! Hindi ko siya kailangan! Kaya ko mag-isa!" Mariing pagtutol ni Bridget. Ano bang problema niya sa akin? "At ikaw ba ay kinilala ng ng simbolo ng apoy?" Malamig na tugon ni hara Aqua. "Ina! Ayaw ko siyang kasama!" Parang batang pagmamaktol ni Bridget. "Bridget! Tama ang iyong tiya Aqua. Si Cordelia ay hindi mo nga kailangan," Naguguluhang tumingin ako kay hara Soleil. "...Dahil ikaw ang may kailangan sa kaniya. Siya ay kinilala na ng simbolo, samantalang ikaw ay hindi pa. Huwag ka nang mag-reklamo." Pagsaway ni hara Soleil sa kaniya. "Hindi pa kinikilala ng simbolo?" Naguguluhan ko pa ring tanong. "Nagamit niya ang apoy dahil pinagamit ko sa kaniya, nuunit kubg hindi kinilala ng simbolo ang sitwasyon, tiyak na pinaglalamayan na siya ngayon." Sabi ni hara Soleil. Kaya pala galit siya sa akin. Hindi ko naman sinadyang makilala ng simbolo bago siya. "Si Cordelia ay dalawang buwang nagsasanay bago kayo maglalbay para sa inyong misyon." KASALUKUYANG PANAHON Dalawang buwan na simula nang magamay ko ang kapangyarihan ng elemento. Napag-alaman kong lahat ng bagay na may tubig ay maaari kong makontrol ngunit hindi gano'n kalaki ang sakop nito. Kung sa yelo ay maaari ko itong patigasin o tunawin ngunit hindi ko ito maaaring kontrolin bilang kapangyarihan. Hiram na kakayahan, iyon ang tawag nila. Sa unang buwan ng aking pag-eensayo, pinagtuunan ko na pansin ang aking pisikal na lakas, sa pangalawang buwan ko pinagtuunan ang elemento at mga maaari kong magawa rito. Hindi ko rin winaglit sa aking isipan ang labanan na walang kapangyarihan, alam kong kailangan ko pa rin nito. Hindi maaaring umasa ako sa elemento sa lahat ng oras. At ngayon, paalis na ako. Nasaaabik ako. Natatakot, kinakabahan. "Anak, mag-iingat ka." Sabi ni Ina Aqua. Tama, sinabi rin sa akin ni Ina Aqua na pansamantala niyang binura sa aking isipan ang alaala ni ina, ang totoo kong ina. Siya ay binigyan ng maayos burol at inilibing sa libingan ng palasyo. Bagay na aking ipinagpapasalamat. Ninais niya ring tawagin ko siyang ina dahil wala siyang supling. Bagay na hindi maaaring mangyari dahil ako ay kinilala na ng simbolo, at kapag siya ay nagka-anak, mapupunta ito sa masamang panig. Sa susunod na yugto ng aking kuwento, makikilala ko na rin ang mga bagong taog mapapabilang sa aking buhay. - - - W A K A S - - - Natapos na natin ang unang yugto ng buhay ni Cordelia. Ang Simula. Simula ng kanilang pagkakakilanlan. Simula ng bagong kakayahan. At simula ng bagong pagpapakbay. Wala itong "Epilogue" dahil hindi pa tapos ang kuwento. Sana ay maging sa susunod pang mga yugto ay samahan niyo ang ating bida. Ang susunod na yugto ay pinamagatang "PAGTITIPON". Maraming salamat po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD