Tamara.
nag tatalo kami ng baklang designer dahil pasusuotin ako ng two piece, nakuha kasi akong model ng isang kilalang brand pero dahil summer two piece ang e-mo-model ko.
"hindi talaga ako sanay mag two piece pwedi namang sexy short nalang at sando. " nagmamaka awang sabi ko sa designer, natapos na akong make-up-an.
"hindi talaga pwedi miss Tamara, yan po ang e-mo-model niyo, hindi po basta basta kayo pweding mamili ng isu-suot niyo. " nauubos na ang pasensyang sabi niya. napabuntong hininga pa ito.
"beshy, wala ka na talagang choice, buti nga sayo binigay eh, halos mangisay na kaya si hipon sa galit dahil ikaw ang napili. "
"kausapin mo yang kaibigan mo, ang arte..kay bago bago demanding na agad" he rolled his eyes.. halatang inis na inis na ito.
"beshy naman, I'm not that confident to show my body yet, nakaka hiya my gosh, hindi pa naman ako kaputian, isa pa alamo namang may pagka conservative ako. " malungkot kong sabi.
"beshy anong hindi ka confident sa katawan mo? my gosh napaka kinis mo nga eh napaka sexy pa, hindi ka nga kaputian pero talbog naman sila sa ganda ng katawan mo, kaya ka nga nila napili eh, ito ang pinaka unang napili ka, sikat na brand kaya to. pagkakataon mo na to beshy. "
"hindi pa talaga ako handa beshy.. nahihiya talaga ako, tignan mo nga yang two piece na yan halos kita na pechay ko yong butas lang ata ang hindi. " frustrated kong sabi, alam kong malaking kawalan sakin to, sikat ang brand na to nation wide at bagohan pa ko pero di ko talaga kayang mag suot ng mga ganyan.
napangiwi pa ko ng sulyapin ko ulit yong pulang two piece.
"ewan ko sayo beshy, kung yan ang pananaw mo di ka talaga magiging isang sikat na modelo. " irap niya sakin.
"ano na? sabihin mo lang kung ayaw mo, maraming nakapila jan na di hamak na mas sikat pa kesa sayo. " pinandilatan ako nito ng mata at nanlaki ang butas ng malaki niyang ilong.
"hoy Jess wag mo ngang masigaw sigawan yang alaga ko.. hindi mo ba kilala yan? baka mawala ka sa industriyang to pag sinumbong ka niyan sa jowa niya. " sigaw ni ma'am Mica sa designer na Jess pala ang pangalan.
napa sapo ako sa noo..
"ah kaya pala kahit di pa gaanong sikat at kilala demanding na, kasi may kapit? " tinignan niya ako ng masama.
natahimik nalang si ma'am Mica.
"well--- tinignan niya ako mula ulo hanggan paa. "hindi sisikat yang alaga mo Mica, bukod sa hindi kagandahan, maitim pa. " naka ngiwi nitong sabi sakin.
"aba sumobra ka na ah.. ano? hindi kagandahan tong beshy ko? sayo pa talaga nanggaling yan? wala ka bang salamin sa inyo? kung makapanlait ka akala mo naka one fourth ka man lang sa beauty ng beshy ko? halata sa mukha mo ang pagka inggit sa beauty ng beshy ko.. pero sorry ka, kahit magpa retoke ka pa ng magpa retoke malaki pa din ilong mo bwesit na bakla to. " galit na galit na sabi ng kaibigan ko.
"what? oh my gosh I can't believe this.. you know what Mica, I'm done with this. " sabi ni Jess na tinaas pa ang mga kamay bilang pag suko, halatang napahiya ito sa mga sinabi ng kaibigan ko.
"teka lang Jess, let's talk. " hinabol naman ni ma'am Mica ang bakla, sinamaan muna niya kami ng tingin.
"find another designer and make up artist Mica.. I'm done with that mga hampaslupa. " narinig kong sabi niya bago pa sila makalayo.
"beshy grabe ka naman sa mga sinabi mo. " hinampas ko siya sa braso.
"eh nakakainis eh, halata namang inggit na inggit lang sa beauty mo, nong ina ayosan ka nga kumikislap ang mga mata niya sa ganda mo eh. " naka ngusong sabi ni Alona.
"kahit na beshy, dapat di mo parin sinabi ang mga yon, umuwi na tayo panigurado wala na tayong trabaho nito. " inayos ko na ang mga gamit ko.
"sorry beshy. " yumakap sakin si Alona.
"hey you, bat mo pinag salitaan ng ganon si Jess? hindi mo ba alam na isa siya sa sikat na designer? " galit na sabi samin ni ma'am Mica na nakabalik na pala.
"eh sumusobra na po kasi siya eh. " sagot naman ni Alona.
"kahit na matuto kang rumespeto sa nakakataas sayo, ikaw ang magpapa hamak sa kaibigan mo, you know what parang nag dududa na ko eh, sigurado ka bang boyfriend mo talaga si Mr. Santiago Tamara? o ginagamit mo lang para sumikat ka?" naloko na.
"kung pinag dududahan mo kaibigan ko, buti pa nga umalis na kami, actually nag ta tyaga lang talaga kami sa agency mong to eh, naaawa lang naman si Tamara sayo kaya di pa siya umaalis dahil kahit papaano may naitulong ka naman samin, pero ngayong pinag dududahan mo siya, babawiin siguro niya ang sinabi niya kay Adam na mag invest sa agency mo.. sige salamat nalang sa lahat. tara na beshy. " hinila ako patayo ni Alona na nanlalaki ang mga mata.. ano bang pinag sasabi ng babeng to?
"really? nakausap mo na si Mr. Santiago?masayang baling sakin ni Ma'am Mica na may matamis na ngiti sa labi.
di ako nakapag salita kaya siniko ako ni Alona.
"O-oo."
"so what did he say? mag e-invest talaga siya sa agency natin? " tuwang tuwang sabi nito.
nakatulala lang ako sa kanya, di ko alam ano isasagot ko..
siniko ako ulit ni Alona.
"p-pag iisipan daw niya. " utal utal kong sabi.
"oh my gosh Tamara. " niyakap ako nito. "kumbinsihin mo ah? wag kang mag alala gagawin ko ang lahat para sumikat ka, kung ayaw mong mag two piece kakausapin ko sila, kahit mag maka awa ako gagawin ko, okay lang naman sayo na may tapal na manipis na tila yong two piece? " masaya nitong sabi.
"okay lang po sa kanya, basta wag lang two piece. " si Alona ang sumagot.
umismid lang ang bakla kay Alona.
"okay.. anyway may party si Mr. Santiago sa makalawa ah? baka pwedi mo namang kausapin na e-invite ang team natin? " nangingislap ang matang sabi nito. what? party? my gosh.. paano ko gagawin yon eh maski ako ewan kung makakapasok don? I'm doomed.
"s-sige kausapin ko siya, pero di ko sure if papayag ah? don't get your hopes ma'am Mica. " sinabi ko nalang para matahimik siya.
"okay, uwi na muna kayo, postponed ko nalang tong shoot, ingat. " tumalikod na ito at nag lakad palayo.
I take a deep breath. "hoy Alona Garcia nasisiraan ka na ata? pinanindigan mo talaga pagka sinungaling mong babae ka.. ano nang gagawin ko nito? " napa sapo ako saking noo.
"edi kausapin mo si Mr. Santiago di ba nga nakapunta ka na sa condo niya?"
binatokan ko siya.
"balak mo pa ata akong ipapatay Alona,akala mo ba makakalapit ka sa taong yon? bago ka makalapit don bugbog sarado ka muna. " pinanlakihan ko ito ng mata.
"OA mo beshy.. akitin mo mga tauhan niya, malay mo may magka gusto sayo don, ang ga gwapo pa naman nila. " tumingin sa kisame si Alona na akala mo doon makikita ang mga lalaki.
"sira ulo ka talaga. " napa iling nalang ako at tinalikuran ko na ang magaling kong bestfriend.
"hintay naman. " sigaw nitong sabi habang hinahabol ako.
"beshy ligo tayo, nandito lang rin naman tayo sayang ang pagkakataon, ang tagal ko ng hindi nakapunta sa beach. "
"marami pa akong gagawin Alona. " pag tanggi ko dito habang pinag mamasdan ang dagat, ang sarap nga namang mag tampisaw sa dagat.. kaso ang dami ko pang kailangang gawin at may mga trabaho pa ako.
"sige naman beshy.. sayang lang yong pag punta natin dito kung di lang tayo maliligo.. please? " nag puppy eyes pa ito.
"sige na nga. "
"yeheeyyy." parang bata talaga minsan tong bestfriend kong to. pumunta na kami sa room namin at nagpalit ng damit panligo.
"grabe ka beshy.. two piece talaga? " nagulat ako sa kaibigan ko nag two piece talaga ito, maganda naman ang kaibigan ko, pero medyo mataba lang to at maliit kaya siguro ayaw niyang mag model.
"naman.. I'm proud of my body kaya, pinag hirapan ko kaya yong mga fats jan" ngiti niya sakin. hanga talaga ako sa taas ng confidence niya.
nag salute ako sa kanya.
"gaga.. ako nga na hindi kagandahan ang katawan nag two-two piece kaw pa kaya? na bukod sa sexy maganda pa. " sabi niya na tinignan ako.. nakasuot ako ng sexy short at sando. napangiwi ito sakin..
"sige pa beshy pose ka pa. " nag po-pose ako dito ng may lumapit na lalaki sakin, hindi siya mukhang Pilipino halatang may lahi ito.
"excuse me beautiful, are you a model? " nakangiting tanong nito sakin.
"yes.. but I'm not famous yet.. I don't know if I can call my self a model. " malungkot kong sabi.
"you have a potential.. magiging sikat ka, napaka inosente ng mukha mo at sigurado akong papatok lahat ng e-mo-model mo, here's my calling card, call me. " nakangiti parin nitong sabi.
tinanggap ko naman ang calling card na bigay niya..
"don't worry I'm not a scammer, I'm Leonard Smith.. may shoot kami dito, then I saw you that's why I approach you" sabi nito, nahalata siguro niyang pinag dududahan ko siya. nilahad niya ang kamay niya.
napatango lang ako sa kanya."Tamara Cruz. " tinanggap ko naman ang kamay niya.. pinisil pisil pa niya ang kamay ko.
kaya agad kong binawi..
"please call me okay? " napatawa pa ito "so innocent. " bulong niyang sabi na narinig ko naman, tumalikod na ito at umalis.