8.masquerade party.

1322 Words
Tamara. "Hi." kiming bati ko ng sa wakas ay may nakita ako sa mga tauhan ni Mr. Santiago, ang swerte ko pa dahil si Harry ang nakita ko. nag salubong ang mga kilay nito, halatang ina alala niya kung sino ako. "who are you? " seryuso niyang tanong habang titig na titig pa din sakin. "ayy grabe siya, nakalimutan mo na agad ako? samantalang halos kaladkarin niyo lang ako nong nakaraan para lang sumama sa inyo. " ngiting ngiti kong sabi habang nakalabas ang gilagid ko, kinakabahan kasi ako, kahit hindi si Mr. Santiago ang kaharap ko, nakaka kaba din kasi itong si Harry, ang gwapo kasi. "ahh.. I remember now, so what brings you here? " grabe naman pagka seryuso ng isang to, para akong kriminal kong makapag tanong. "nanjan ba si Mr. Santiago? " nag pa cute pa ako dito, inipit ko ang mahabang buhok ko sa tainga at kiming ngumiti. "wala siya, why? do you need anything from him? " hindi ata marunong ngumiti ang isang to, akitin ko kaya para pag nahulog sakin araw araw ngi-ngiti yan.. napailing ako sa naisip hays kung ano anong kalokohan ang naiisip ko. "hihingi sana ako ng favor sa kanya kaso wala pala siya. " pinalungkot ko ang mukha ko pati ang boses ko. "ilang oras pa naman akong nag hintay sa kanya. napanguso pa ako. hindi naka ligtas sakin ang pag lunok niya habang nakatingin sa labi kong naka nguso, sh*t effective ata pag pa-pacute ko. " you know what you're just wasting my time, just tell me already why are you here? " parang naiinis niyang sabi. "fine. napaka sungit pasalamat ka gwapo ka kung hindi baka naupakan na kita. " napa ismid kong bulong. "did you say anything?" masungit nitong sabi. "wala po, ang sabi ko may atraso pa sakin si Mr. Santiago kaya kailangan kong makita siya para singilin. " I rolled my eyes on him.. napaka suplado.. "just tell me, ako na mag sasabi sa kanya. " tinatamad niyang tugon. "hindi na, ako nalang importante kasi to eh. " "hey watch out. " hinila ako nito sa braso at napayakap ako sa kanya.. naamoy ko ang mabango niyang hininga at ang gamit niyang pabango. muntik na ako Don ah, tarantadong rider yon. "baka naman gusto mo ng bumitaw? " sabi niya kaya bumalik ako sa katinuan ko at agad na napa atras. parang nakita ko na ngumiti siya ng kaunti, o baka guni guni ko lang. "s-sorry.. anyway hindi na ako magpa paligoy ligoy pa, I just want an invitation sa party ni Mr. Santiago bukas. " deretsong sabi ko pagkatapos kong tumikhim. "what for? para lang sa mga business partner, friends and relatives ang party na yon, why my boss should invite you? " takang tanong nito. habang nag salubong naman ang mga kilay. "dipa ba kami friends? please.. can you tell him?" nag puppy eyes pa ako dito. "I badly need his help, baka matanggal na ko sa trabaho kung di kami makapunta.. hmm please? " humawak ako sa mga kamay niya na agad naman niyang tinaboy habang nanlalaki ang mga mata. he cleared his throat habang taas baba ang adams apple nito. "okay.. sasabihan nalang kita pag nasabi ko na sa kanya, but don't get your hopes miss, walang kasiguraduhan kung iimbitahan ka niya. " napa hawak ako uli sa kamay niya sa sobrang tuwa ko, muntik ko pa nga siyang yakapin eh buti hawak lang ang ginawa ko. "s-salamat." nakangiti kong sabi. "don't be greatful, wala pa namang kasiguraduhan." "kahit na salamat pa din. " binitawan ko na siya. "alright, I'll go ahead then. " anya na tinalikuran na ako. "wait, paano mo ko sasabihan kung di mo naman alam kung saan ako tatawagan or e-text man lang? " habol kong sigaw dito. "oh yes, I forgot.. give me your phone. " nilahad niya ang palad, dali dali ko namang ibinigay ang phone ko dito at agad siyang nag tipa. "I'll just contact you soon, I really need to go now. " tumango lang ako habang siya nag mamadaling nag lakad. para akong nasa beach na naglalangoy langoy sa kama ko.. anong oras na pero wala pa din siyang tawag. tumihaya ako at napatingin sa kisame. wala pa naman masusuot bukas kung sakaling ma imbitahan nga ako, ito na ang pagkakataon ko, pag nakita ako ng mga reporter sa party iisipin talaga nilang jowa ko talaga si Mr. Santiago kaya kailangan sobrang ganda ko bukas. to:Harry, Thanks a lot.. I owe you one. " reply ko kay Harry ng makatanggap ako ng text nito, na payag na daw si Mr. Santiago.. isang Masquerade party daw yon. madaling madali ako habang naliligo, paano naman kasi yong Harry na yon, dapat kagabi pa nag text, ayon tuloy sort ang oras ko.. bibili pa ko ng susuotin tas magpa parlor pa ako para bongga, kailangan kong makipag sabayan sa mga sosyal na yon.. mukhang mapapa gastos ako ng malaki, bahala na si Batman, Superman, Spiderman,Lastikman, at lahat ng may man sa pangalan na heroes. hays nababaliw na ata ako. I'm done with my make up and hair. "there you are Ma'am, napaka ganda niyo po. " sabi ng baklitang nag make up sakin. "thanks." kimi akong ngumiti sa kanya. "pero kuripot nga lang. " pabulong niyang sabi ng abutan ko siya ng 100 peses na tip. pasalamat nga siya binigyan ko pa siya ng tip. "can I use your bathroom? kailangan ko kasing mag change ng damit. " nakangiti kong sabi sa kanila. "sure Ma'am, samahan ko na po kayo. " "thanks." tinanguan lang ako nito at nginitian ko naman siya. napa buntong hininga ako ng masuot ko na ang damit, red slim fit long dress na may slit sa gitna, sobrang hapit na hapit ito sa katawan ko at sobrang daring pero kailangan kong tiisin para sa future ko, para mag tagumpay ang plano kong akitin si Mr. Santiago, or kahit kay Harry nalang pag di pinalad kay Adam baby ko. sobrang gwapo din yong si Harry, yummylicious din siya kaya choosy pa ba ko? manifesting. kung hindi palarin kay Adam baby kahit kay Harry baby nalang.. hays ano ba tong isip ko nagiging dirty na din. pag nabihisan talaga ng mahal na kasuotan ang tao ay nagiging ibang tao, tulad ko ngayon walang mag sasabi na isang dukha lang ako sa hitsura ko ngayon.. I invest so much money sa plano kong to, I hope mag tagumpay kung hindi sa kangkungan ako pupulotin,nilagay ko sa pulang pouch ko yong maskara kong pula din na may mga beads at kumikinang kinang. napa nganga ang mga tao sa parlor ng makita akong lumabas ng cr. "hala artista po ba kayo Ma'am? ang ganda niyo naman po. " "hindi naman po, model lang po ako pero hindi pa masyadong kilala. " kiming ngiti ko. "pwedi ka ba naming ma picturan? " sabi ng manager ata ng parlor na to. "sure." nakangiti ako ng ubod ng tamis sa camera ng phone ng manager. "pwedi po ba naming isabit ang pic niyo dito? " tanong ulit nito. "kayo po ang bahala. mauna na po ako. " I smiled widely at them habang alam kong nakasunod ang tingin nila sakin. "grabe yong katawan pak na pak. " sabi ng nag make up sakin kanina, napa ngiti nalang ako. pumara na ako ng taxi, syempre kailangan panindigan na ang ka sosyalan, pangit naman kong naka dress ako tas mag je-jeep ako o di kaya habal diba? "manong pakibilisan po. " naiinip kong wika, kung alam ko lang na traffic sana maaga nalang akong umalis ng bahay hays. ilang buntong hininga pa ang pinaka walan ko ng pababa ako ng hagdan, shems nakaka kaba my gosh.. dahan dahan akong bumaba sa sobrang mahabang hagdan na to, sh*t bat ang haba naman ata ng hagdan na to? hays naka agaw na nga ako ng atensyon ng lahat.. bakit naman kasi late na ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD