Hindi ko na ulit naitago yung envelope sa drawer. Kasi kahit itago ko pa siya, nasa ulo ko na rin naman siya. Vivian. Birthday. Possible match. Parang may bagong pangalan na pilit kumakapit sa balat ko kahit hindi ko siya sinusuot. Umaga na nang tumigil akong magkunwaring tulog. Hindi ako nag-alarm. Hindi ako naghintay ng “9:00.” Basta bumangon lang ako na parang may humahabol sa’kin—hindi tao, kundi katotohanan. Naglakad ako palabas ng kwarto, tahimik. Parang takot akong marinig ng buong villa na… hindi ko na kilala yung sarili ko. Sa hallway, nandoon ulit si Steven. Parang lagi siyang naka-assign sa “pagbabantay sa paghinga ko.” Hindi siya nagsalita agad. Pero nung nakita niya yung mukha ko, umayos yung tindig niya, parang may na-sense. “Sir Victor is in the study hall,”

