bc

Kidnap (A Short Story)

book_age12+
13
FOLLOW
1K
READ
dark
others
kidnap
family
twisted
no-couple
mystery
scary
secrets
cruel
like
intro-logo
Blurb

Nag-simula na akong sumunod sa Mama na nag-alok na ihatid ako sa aming bahay, ang bait nya hindi ba?

"Neng san ba ang bahay mo?"

Pagabi na rin at wala nang masyadong dumadaan sa eskinitang dinaraanan namin, tinuro ko ang dulo ng eskinita na ito. Masyadong madilim roon

"Sigurado kabang wala ang mga magulang mo don?"

Tumango ako bago mag-dagdag ng sasabihin.

"Ang kapatid ko lang na si Raven ang nandoon, 5 years old lang sya"

Lalong lumaki ang ngiti na kanina nya pang suot.... Am I bad?

chap-preview
Free preview
1.
The 10 years old girl's POV "Hi! What's your name?" Tumingin ako sa mga batang lumapit sa akin, ako ba ang kausap nila? Baka naman namali lang sila ng pinuntahan, or napag-kamalan akong kakilala "Pipe ka ba?" Maangas na sabi ng isa sa kanila, tatlo sila.. Isang batang lalaki at dalawang babae. "Bakit ba ang bad mo kuya?!" Agad na hinampas ng batang babae ang batang lalaki na sa tingin ko ay kapatid nya. Parehas silang may itim na itim na buhok samantalang ang isang batang babae naman ay naka-tingin lamang sa akin, mayroon syang brown na buhok na sumabay sa hangin, may kaputian rin sya pero hindi kasing puti ng dalawang mag-kapatid. Paano ba mag-karoon ng kapatid? Nag-iisa lang kasi akong anak nila Mama at Papa. Wala rin silang trabaho at minsan lang lumabas ng bahay kapag humahanap sila ng pwede naming makain. "Hindi kasi sya sumasagot, in-english mo pa! Bakit porke't kulay yellow yung buhok nya foreigner na?" Pag-katapos sabihin ng batang lalaki yon ay tinignan nya ako ng masama, bakit? Anong ginawa kong mali? Tinignan ko ang buhok kong hanggang sa ibaba ng dibdib ko ang haba, hindi nga ito katulad ng sa kanila at kila Papa. Ang sabi ng mga nadadaanan ko bago ako umuwi lagi ay 'blonde' daw ang tawag sa buhok na ito. "Bakit ba kasi natin to kinakausap? Ang dirty naman nya" May halong pang-didiri nya akong tinignan. Tinignan ko naman ang suot kong kulay puti—hindi, kulay dilaw na damit na sabi ni Mama ay sakanya daw ito ng dalaga pa sya. Mukha itong daster o isang mahabang damit nung sinuot ko, lagpas tuhod ang haba nito at mukha nga akong marumi kumpara sa suot nilang tatlo na halatang bago pa. "What's your name?" Tumaas ang tingin ko sa batang babae na mayroong brown na buhok. Ang inosente ng  mukha nya "A-Ano— Wala akong pangalan" Yumuko ako at namula ng marinig ko ang tawa ng batang lalaki, pero bakit nya ako pinag-tatawanan? Ang sabi ng Mama ko kapag daw walang name o pangalan ang isang tao lalo na ang bata ay ibig sabihin non ay sobrang mahal ka ng magulang mo. Madalas ko ring naririnig sila Mama at Papa na nag-uusap tungkol sa kuting na kinuha daw nila, bakit nila kinuha yung kuting na yon? Pwede naman silang mang-hingi at hindi na manguha. Laging sinasabi sa akin ni Papa na kung hindi daw kikilos ang tao ay mamatay sila sa gutom kaya andito ako sa Parke ngayon. "HAHAHAHAHAHA Bakit wala kang pangalan? Ang panget mo na nga wala ka pang name" Panget? Hindi ba ang ibig-sabihin non ay hindi maganda ang mukha ko? Hinawakan ko ang mukha ko pero may naramdaman akong basa. Hala! Hindi pala ako nakapag-hugas ng kamay pag-katapos kumain. Dali-dali kong pinahid ang mantsa sa mukha ko at itinago ko ang kamay ko sa aking likuran. Sila Mama at Papa kasi ay minsan hindi ako tinitiran sa pag-kain, minsan naman ay tinatambak nila ito para daw sa kinabukasan. Mahirap daw kasing mag-hanap ng makakain ngayon. "Kuya! Pasensya na bata" Sabi ng batang babaeng may itim na buhok, hinila na nya ang kapatid nyang naka-simangot dahil sa pag-hampas nya dito. Binigyan ako ng isang tingin ng isang batang babae bago sumunod sa dalawa. Akala ko pa naman.... *sigh* Matagal pa akong mag-hihintay... ...... Anong oras na ba? Sa tingin ko ay malapit ng mag-7 ng gabi at heto parin ako sa Parke na tinambayan ko kaninang alas-onse ng maga. "Neng gabi na..." Umangat ang tingin ko sa Mamang nag-tanglaw sa akin ng ilaw, akala ko ay security guard pero isa lamang itong simpleng Mama. Ngumiti ako ng inosente dito "Natatakot po kasi akong bumalik sa amin" Ngumisi sya bago nag-bago ang ekspresyon nya sa pag-aalala. Ngumit sya sa akin at lumuhod para  mag-kapantay kami "Samahan na kita sa inyo, kailangang mag-ingat lalo na at may mga taong hindi mo alam na may masama palang balak sa iyo" Maka-hulugan nyang sabi kaya napa-ngiti ako ng malawak. "Tama po kayo! Kailangang mag-ingat" Hinawakan nya ako sa kamay, habang nag-lalakad kami ay bigla nya akong tinanong. "Nasan ba ang mga magulang mo?" Agad akong umiling sa tanong nya bago mag-salita. "Wala po ang magulang ko don bukas pa po ang balik. Ang kapatid ko lang po ang nandoon" Lumabas na ang malaking ngising kanina nya pa pinipigilan, tsaka tumango-tango ito. "Ilang taon na ang kapatid mo?" Agad kong pinakita ang 5 daliri ko pero binawi ko rin ng makita ko ang pulang mantsa roon. Nag-simula na akong sumunod sa Mama na nag-alok na ihatid ako sa aming bahay, ang bait nya hindi ba? "Neng san ba ang bahay mo?" Pagabi na rin at wala nang masyadong dumadaan sa eskinitang dinaraanan namin, tinuro ko ang dulo ng eskinita na ito. Masyadong madilim roon "Sigurado kabang wala ang mga magulang mo don?" Tumango ako bago mag-dagdag ng sasabihin. "Ang kapatid ko lang na si Raven ang nandoon, 5 years old lang sya" Lalong lumaki ang ngiti na kanina nya pang suot.... Am I bad? ..... "Dito po" Sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa bahay, hindi pa man nabubuksan ang pinto ay umabot na sa pang-amoy ko ang nakaka-sulasok na amoy "Ano ba yon?" Agad akong umiling sa tanong nya, bakit ko sasabihin? "Tara na po sa loob, kain ka po muna" Ngumiti ako ng sobrang laki sa kanya kasabay ng pag-bukas ko ng pinto ng bahay namin. Sa pag-pasok namin ay lalong lumala ang amoy na nakapag-pakalam sa sikmura ko habang ang Mama naman ay tinakpan ang kanyang ilong. "Ang baho! Ano bang laman ng bahay nyo?!" Inilabas na nya ang kutsilyong kanina nya pa tinatago "N-Naka-kabalik k-ka na p-ala" Kusang sumara ang pinto ng bahay at lumabas don si Mama na walang suot na kahit na ano, "P-Pa-agkain" Lumabas na rin sa dilim si Papa, ngumiti ako sa kanila. Ito ang unang beses na ako ang nag-uwi ng pag-kain para sa amin "An-no to?! Sino kayo?! Wag kang lalapit papatayin kita!" Agad akong napatili ng nahagip nya si Mama, natamaan nya ito sa mukha kaya agad syang nilundag ni Papa at mariing kinagat ang balikat nito. Si Mama naman ay ininda lamang ang sugat at hinawakan ang kamay ng Mama "Tiran nyo ako Mama at Papa" Mahinang sabi ko habang hawak ang tyan kong kumukulo na sa gutom "Ahhhh! H-Halimaw kayo! Mga Hayop—Arghhh!" Ngumiti ako ng inosente sa kanya, "Sabi ko po kasi sa inyo mag-ingat, diba ay kayo naman ang may balak ng masama?" Kung wala akong gagawin ay magugutom ang pamilya ko, kamukha ng sabi ni Papa kung hindi kikilos ang isang tao mamatay na lang ito sa gutom "T-Tulong! Tulungan nyo ko! T-u—Ahhhh!" Agad kong kinuha ang brasong binigay sa akin nila Papa, minsan lang ako makakain ng kamay laging mga binti at paa ang binibigay nila sa akin. "Papa gusto ko pong makatikim ng mata" Sabi ko habang nginunguya ang hinlalaki ng kamay na ito, mas masarap talaga kalag hilaw kaysa sa luto. Tinignan niya muna ako bago umalis sa ibabaw ng Mama na ngayon ay nakahiga na lang at medyo nangingisay. Kinuha na ni Papa ang mga paa nito at itinambak sa lumang ref sa gilid. "Pasensya na po, ngayon lang po ako makaka-kain ng mata kaya natitiyak ko na mabilis ang pag-kain ko nito" "Mmpp!" Hindi na rin ito makapag-salita dahil na rin sa pag-kain ni Mama ko sa dila nito at bandang pisngi nito. Ang Pisngi talaga ang pinaka paboritong parte ni Mama. Sinimulan kong hawakan ang mata nito, palalim ng palalim. "Hmpp! Ahmmmp!" Nag-simula itong magwala kaya idiniin ko ang kamay ko sabay higit sa isang mata nya, nahirapan ako dahil na rin sa isang ugat na mahirap putulin kaya kinagat ko na lang. Pumunta na ako sa sulok habang bitbit ang braso at matang magiging hapunan ko. Sayang.... Makaka-tikim na rin sana ako kanina ng murang laman, minsan lang ako makakain non dahil yon ang pinaka-paborito nila Mama at Papa. Siguro dapat ay malaman ko kung paano kumausap ng mga batang katulad ko By: _Me_ .....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.2K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook