Nararamdaman ni Zion ang bigat at sakit ng kanyang katawan lalong - lalo na ang ulo niya.
Dahan-dahan niyang inimulat ang mga mata niya at tiningnan ang buong paligid.
Nagtaka siya nang mapagmasdan ito sapagkat hindi ito ang kwarto niya.
"Gosh! What i have done?" Lihim niyang pinagalitan ang sarili.
Mukhang nasa silid siya ng isang hotel.
"Uhm....Ahg..." Anas ng isang babae.
Napabalikwas siya ng bangon sa narinig niya.
Nagulat din ang babaeng katabi niya at biglang napabalikwas rin ng bangon.
Ilang sandaling gulat na nagtitigan ang dalawa.
"Sino ka? What did you do to me?" Galit niyang sumbat sa babae.
Agad siyang tumayo at isa-isang pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa kung saang parti ng silid.
Nagulat pa siya ng marinig na umiyak ang babaeng kasama niya.
"Seriously? At ano naman sa tingin mo ang ginagawa mong iyan?" Galit niya paring sumbat sa babaeng kasama.
" Stop playing a dumb! Huwag kang umastang kasalanan ko pa! Magkano ba ang gusto mo? " Dagdag niya pa at patuloy pa ding umiiyak ang babae.
"Hindi ko alam kung paano mo ako nadala dito at wala na akong pakialam kung paano? Basta dapat walang ibang makakaalam sa pangyayaring ito! Here, tweenty thousands. Ito lang yung cash ko tanggapin mo na at huwag ka ng magpakita pa sa akin kahit kailan." Mabilis niyang hinugot ang laman ng pera sa wallet niya at inihagis sa mukha ng babae. Hindi naman umimik ang babae at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.
"Alam mo bang maari kitang ipakulong sa ginawa mong ito?"
Biglang natigilan ang babae at parang walang pakialam na wala itong suot na anumang damit. Agad itong lumuhod sa harapan niya.
"Sir, huwag niyo po akong ipakulong. Kailangan ko lang talaga ng pera sa ngayon kaya ko ito nagawa sa iyo! Hindi na po mauulit. Ayaw ko pong makulong dahil may sakit po ang mama ko at nakakulong naman ang kuya ko. Ako nalang ang inaasahan niya sa ngayon. Parang awa niyo na po." Nagmamakaawang pakiusap nhg babae.
Imbes na makaramdam siya ng awa ay galit ang namayani sa puso niya.
"How dare you!" Akmang itinaas niya ang kamay upang sampalin niya ito.
"Huwag po sir! Huwag niyo po akong saktan!" Nagmamakaawang sigaw pa nito.
Hindi niya itinuloy ang nais gawin dahil hindi niya ugaling manakit ng tao, lalo na ang babae.
"Sabihin mo sa akin? Paano mo ako nadala dito? "
" Sorry po talaga. Narinig ko lang kasi si Miss Bella at sinabi nitong kung gaano kayo kaimpirtanting tao at kung gaano po kayo kayaman. Kaya nag-isip po ako ng paraan kung para po kayo makuha. Ngunit failed po yung plano ko kasi hindi naman kayo nagti-table ng babae. Kaya nilagyan ko po ng kunting pampatulog yung ininum niyo kagabi. Hindi ko po plinano na dalhin ka dito. Ang plano ko lang ay pagnakawan ka. Ngunit biglang nagbago ang plano ko ng may mga lalaking nambastos sa akin. Nakunsensiya po ako at.." Mahabang paliwanag nito.
"Hindi ko po alam na may mangyari sa ating dalawa!" Humahagulhol pang dagdag nito.
Tuloy ay mas lalong nakaramdam ng galit si Zion. Gusto niyang bugbugin ang babaeng iyon ngunit pilit niyang pinakalma ang sarili.
"Sorry po talaga! Hindi na po mauulit!"
"Talagang hindi na mauulit dahil sa oras na magkikita pa tayong muli ay ipapakain kita sa mga aso na buhay!" Matapang niyang banta dito.
Nakita niya ang panginginig sa mukha at katawan ng babae kaya tuloy nakaramdam na naman siya ng inis sa sarili. Hindi niya kasi maatim na makakita ng babaeng nasasaktan o labis na natatakot.
Mabilis niyang sinuot ang mga damit niya at mabilis na umalis sa hotel na iyon.
Mabuti nalang at parang walang nakakilala sa kanya doon kaya hindi siya nahirapang umalis doon. Baka kung nagkataon ay isang malaking iskandalo.
Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Delatejera mansiyon.
Nang tingnan niya ang cellphone niya ay nakita niyang nagtext sa kanya si Mr. Martin Alvarez. Ang personal secretary at driver ng lolo niya.
Hinihintay daw siya ng lolo niyang makausap siya sa madaling panahon.
Sandali siyang nakaramdam ng pag-alala. Baka tungkol na naman ito sa mga nagawa niyang mali. Hindi rin siya nakapagpaalam rito ng umalis sa mansiyon at ang pinakanakakatakot sa lahat ay baka nalaman nitong naghotel siya kasama ang isang bayarang babae.
Ang pinakaayaw pa naman ng lolo niya ay ang kumuha nalang siya ng kahit sinong babae at lalo na yung bayarang babae.
Kahit puno ng takot at pag-alala ay nagtuloy pa din siyang puntahan ang lolo niya.
Pagdating niya ng mansiyon ay agad siyang nagpunta ng opisina ng lolo niya.
Kumatok muna siya ng pangatlong beses bago buksan ang pintuan.
Hindi paman tuluyang nakapasok ang katawan niya ay nakaramdam siya ng isang bagay na mabilis na lumilipad pamunta sa kanya.
Mabuti nalang at mabilis siyang nakaiwas kaya hindi siya nataman ng bagay na iyon.
Sanhi niyon ay malakas na ingay ng nababasag na baso malapit sa mukha niya.
Grabi talaga magalit ang lolo niya. Nananakit ito kahit sa kanya ay wala itong patawad.
" Mr. Zack, huminahon lamang po kayo at baka mapano pa kayo niyan!" Nag-aalalang saway dito ni Mr. Alfonso.
"Tell, how to be calm? Sa pinagagawa ng isang ito ay kakalma pa ba ako?" Galit na galit na sabi ng lolo niya.
Pinili niyang magpakahinahon at huwag salubungin ang galit ng lolo niya.
"What I have done, lolo? Is this all about sa business na hindi ko na iclose?" Pagmang-maangan niyang tanong sa lolo niya.
" Ginawan ko na po ng paraan. Nakausap ko yung secretary ni Lady MC at sinabi niyang titingnan daw nito ang schedule nito re-scheduling of the meetings." Paliwanag niya dito.
"Hindi iyan ang ikinagalit ko tonto! Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kakayahan mo ngunit paano mo ito ipaliwanag sa akin?" Sabay hagis ng mga litrato sa mesa nito.
Nanginginig ang kamay niyang ini-isa-isang tiningnan ang mga iyon. Laking gulat niya ng makita ang mga litrato.
Litrato niya kasama ang isang babae kagabi. Pumasok sila sa isang hotel at may mga hubo't h***d pang mga lalarawan niya dito. nanlulumo siya sa kanyang nakita.
Tuloy ay nanumbalik ang galit niya sa babaeng iyon. Kung kanina ay nakapagtimpi pa siya ngayon kung nasa harap niya lang ito ay baka ano ng nagawa niya.
"Sinong gumawa nito?" Galit at naguguluhan niyang tanong rito.
"For all womens ay isa pang bayaran! Hindi ka ba nahihiya niyan?" Tila nanginginsultong sabi ng lolo niya.
"Hindi naman kita pinagbawalang makipagrelasyon ng kahit sino diyan at baka gagawin mo pa iyong ginawa ng ama mo dati! Pero ang isang bayarang babae ay hinding hindi ko matatanggap!"
"Lolo, I can explain this!"
"No! You don't have to! You're just waisting my time."
"But lolo, magpapaliwanag po ako.."
"Umalis ka na muna dito."
"What do you mean by that?"
"You have to visit your sister. You have to give time for yourself."
"You mean? Pinapalayas mo ba ako?"
"No. Gusto ko lang magbakasyon ka muna sa kapatid mo."
"Hindi maari iyon. Paano ang pamamahala ng mga negosyo? Kailangan ako dito!Ayaw kong umalis..."
"Everything is settled ang kailangan mo lang ay pumunta ng airport at sumakay ng eroplano. A simple as that."
"Please don't do this to me...."
"You have no choice."
"Please lolo, itatama ko po ang lahat but don't do this to me..."
"Sige na palabasin niyo na siya dito." Utos ng lolo sa tauhan niya.
"Mr. Zion, kailangan na po nating umalis." May halong awang nararamdaman para sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng lolo niya.
Ayaw niyang umalis dito at baka hindi na siya makabalik.
Ayaw niyang iwan ang puntod at ala-ala ng mga namayapa niyang pamilya.
Ngunit wala siyang magawa.
Wala siyang lakas loob na salungatin ang kagustuhan ng lolo niya.
Malaki kasi ang utang na loob niya dito. Kung hindi dahil sa lolo niya ay baka patay na rin silang magkapatid.