Chapter 4

1530 Words
Nagmamadaling naglalakad si Luna papasok ng AFV Hotel. Ngayon kasi ang interview niya. Pinaghandaan niya masyado ang lahat ng ito upang sa kahit anong paaraan ay makuha niya ang trabahong ito. Ito na kasi ang huli niyang pag-asa na magkaroon ng matino at disenting trabaho at upang makatulong na rin sa pagpapagamot ng kapatid niya. Agad siyang lumapit sa information desk upang magtanong. Nakita niya ang nagtataka at tila nanglalait na tingin ng dalawang babaeng naroon. Magaanda at seksi ang mga ito, samantalang siya ay manang ang dating. Mahaba ang suot niyang palda at maluwag masyado sa kanya. Sinadya niya talagang magsuot ng ganito upang hindi ma-judge ng mag-iinterview sa kanya. Kinapalan din niya ang kilay niya at pati ang make-up niya upang magmukha siyang pangit. Maganda naman talaga siya at makinis ang pantay at maputi niyang kutis. Hindi nga niya alam kung saan siya nagmana ng ganitong hitsura gayong puro morena ang kulay ng mga balat ng buo niyang pamilya? Pero kahit ganoon pa man ay di sumagi sa isip niya na isiping ampon lang siya ng mga ito. Kahit hindi siya masyadong kinikibo ng nanay niya ay nararamdaman niya parin ang concern at pagmamahal ng ina para sa kanya kaya wala siyang duda na hindi siya totoong mga anak nito. Ganito ang naging ayos niya sapagkat ayaw niyang bastusin ng magiging boss niya. Kapag nag-ayos kasi siya ng maganda ay binabastos siya sapagkat nagtatrabaho sa isang bar ang nanay niya bago ito namatay. Sinasabihan siya ng kung ano anong masasakit at malalaswang salita ng mga taong walang modo. Hindi niya naman masisi ang nanay niya sa naging trabaho nito, sapagkat nabuhay silang magkapatid sa sagana at maayos na pamumuhay. Kahit sinasabi ng mga taong bayarang babae ang nanay ay ni minsan ay di siya nandiri. Wala namang alam ang mga iyon para manghusga ng todo sa kanila. Isa lang ang naging bilin ng nanay nila sa kanilang magkakapatid, na kahit anong mangyari ay pilitin nilang mamuhay ng maayos at marangal. Batid niyang ayaw ng nanay niya ang ganoong trabaho ngunit wala itong magagawa sapagkat ito lang ang alam nitong paraan. "Paano ba nakapasok ang pulubing ito dito sa loob?" Sabi ng isang babaeng nakablue at napakaikli ng soot nitong palda. "Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito! Umalis kana dito bago pa kami magpatawag ng secrity guard!" Mataray at maarti pa nitong sabi sa kanya. "Ano ka ba naman, Lea! Baka naman ganoon na kadisperadong makahingi ng abuloy! Ha-ha-ha" Tumatawang sabi pa ng isa pa nitong kasama at nakitawa na din ang isa pa. Naiinis siya sa dalawa ngunit di niya magawang isis sa mga ito ang naging pagtingin nila sa kanya. Hindi niya inaasahan ang ganoong reaksiyon! Dati kapag nag-ayos siya at nagpapaganda ay nakikita niya ang insecurities ng mga babaeng nakaharap niya. Kahit maliit siya sa height na 5'3", ngunit mala-Dona Cruz naman ang mukha niya. Madalas nga siyang mapagkamalan na artista dati kung hindi lang sa napakulot niyang buhok ay maari na niyang gayahin ang artistang babaeng iyon. "Mis Luna Pineda?" Biglang may babaeng nagsasalita sa likod niya. Agad naman siyang lumingon upang tingnan kung sino ito. Isang may edad na babae ang lumapit sa kanya. Mukhang nasa early fortys ang edad nito ngunit di hamak na maganda at seksi parin ang pangangatawan nito. "Yes ma'am. Ako po iyon!" Tila nahihiyang sagot niya. Nakita niya ang saglit na pagkunot ng noo nito habang palipat-lipat ng tingin sa kanya at sa dala nitong folder. "By the way I am Mis Mia Sanchez ang secretary ni Mr. Villanueva at ako rin ang tumawag sa iyo kagabi.I'm glad na dumating kana! Kanina ka pa hinihintay ni mr. Villanueva." Tila mahabang paliwanag nito. " Uhm Miss Sanchez, may thirty minutes pa po ako...." Akmang paliwanag niya ngunit agad na pinutol nito ang iba niya pang sasabihin. "Oh, I'm sorry that I forgot to inform you, Mr. Villanueva has an important visitor today kaya pinasabi niya sa akin na hanggat maari ay kailangan mong agahang makapunta sa kanya." Paliwanag pa nito. "Halika at samahan na kita sa kanya. Mag-usap tayo habang naglalakad papunta sa opisina niya." Nagpatiunang lumakad si Mis Sanchez at agad naman siyang napasunod. Agad silang pumasok sa elevator na may nakasulat na VIP at pagkapasok nila ay agad na pinindot ang rooftop na nasa ika-labinlimang palapag. Biglang nakaramdam siya ng pagtataka at parang may hindi tama? "May fifteen floor ang buong establishments na ito. May ground floor at basement na kung saan nakalagay ang parking area. Nasa fifteen floor ang opisina ni Mr. Villanueva at kabilin-bilin sa akin na maari kang gumamit ng VIP elevator. Para na rin sa mabilis na access mo papunta sa kanya. Ang trabaho mo lang ay sumama sa kanya sa lahat ng mga meetings niya upang aralin ang pagpapatakbo ng buong hotel!" Mahabang paliwanag nito. Bigla siyang nagulat sa huling sinabi ni Miss Sanchez. "Ho? Ano pong ibig ninyong sabihin? I mean bakit niyo po ba sinasabi ang lahat ng ito? " Puno ng pagtatakang anong niya. Biglang napairap sa kanya ang matandang dalaga. "Please listen and don't ask questions!" Mataray na sabi pa nito. Bang! Parang may kung anong matigas na bagay ang tumama sa ulo niya t naiwang nakabukas ang bibig niya sa ere. "Andito na tayo at by the way tawagin mo nalang akong Miss Mia from now on at number two rules, maging magalang at mabait ka kay Mr. Villanueva." Maawtoridad na sabi pa nito. Para talaga siyang nanaginip ng iwan niya masama ba to o maganda? "Mr. Fredrick andito na siya.. This is Mr. Fredrick Villanueva." Biglang nanumbalik sa kasalukuyan ang pag-iisip niya ng marinig niya ang sinabi nito! Agad niyang nilibot ang buong paligid. Dahil sa mga nakagulong sinabi ni Mis Mia ay di na niya namalayang nakapasok na pala sila sa loob ng opisina nito. "Good morning po Mr. Villanueva. I am Luna Pineda at ako po yung nag-aaply sa iyo. Sana po ay bigyan niyo po ako ng pagkakataong mapatunayan ko sa inyo ang aking kakayahang tulungan kayong pamahalaan ang iyong negosyo!" Diretsong sabi niya habang bahagyang nakayuko ang ulo. Ilang sandaling namayani ang buong katahimikan sa paligid. Nakatayo lang sa gilid niya si Miss Mia habang nakatalikod pa din si Mr. Villanueva. dahan-dahan itong humarap sa kanila at may bitbit na isang baso ng alak sa kamay nito. Lihim niyang pinagmasdan ang matanda. Mukhang nasa mahigit fifties ang edad nito at matangkad. Meztiso ito at napakagwapo at napakisig pa rin ang pangangatawan sa kabila ng edad nito. Dahan-dahan nitong inalagay ang basong hawak nito saka nagsalita. "I'm sorry if you suffered much difficulties before..." Namaos ang boses nito ng sabihin ang mga katagang iyon. Hindi niya maiintindihan ang ibig sabihin nito kaya buong pagtatakang napatingin siya kay Mis Mia. "sir Fred, siya po si Mis LUNA PINEDA ang hinired niyo pong Assistant ninyo! " Biglang sabad ni Mis Mia sa akmang sasabihin pa ni Mr. Villanueva. Hindi niya maintindihan na parang binigyang diin nito ang pangalan niiya at ang kakaibang titigan ng dalawa. Biglang kinuha ni Mr. Villanueva ang baso ng alak saka mabilis na inubos ang nangalahating laman nito nang hindi man lang kumukurap. Halatang sanay na sanay itong uminom. Pagkatapos na maubos ang alak ay tumingin sa kanya. Napakaseryoso ng mukha nito at blanko ang ekspresyon sa mukha. "You can start anytime you want." Biglang sabi nito. Tuloy nawala ang lahat ng mga isipin niya sa narinig niyang iyon. Ngunit parang hindi siya makapaniwala. "Pardon Sir?" Excited niyang tanong rito. Baka lang kasi nagkamali siya. "If you want you can start now or tomorrow! Miss Sanchez na ang bahalang magpaliwanag sa iyo about the nature of your job." Malinaw na sabi nito. Tuloy ay napapatalon siya sa labis na saya. Hindi niya kasi napigilan ang sarili. "Yes, tanggap na ako!" Masaya at wala sa loob na sabi niya. "Thank you po Mr. Villanueva ! Makakaasa po kayong hinding-hindi ko po kayo bibiguin! Promise ko po iyan." Buong galak nitong sabi niya. Nakita niya ang pagngiti ng boss niya na parang natutuwa sa nakita nito. Kaya bumalik na rin ang pagtataka niya sa ipinapakitang kakaiba sa kanya. "Let's Mis Pineda at idi-discuse ko ang lahat ng tungkol sa trabaho mo!" Agad na sabi ni Miss Mia. Halatang ayaw na siyang pgpasalitain pa. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa bagong boss niya at halatang natutuwa rin ito sa kanya. Wala naman siyang nararamdamang malisya sa mga titig nito para sa kanya. Ngunit hindi niya lang talaga maiiwasan ang pagtataka sa mga ipinapakitang kilos nito. Una, ay bigla nalang siyang tinawagang may interview siya sa bakanting posisyon ng companya? Pangalawa, wala talaga siyang naisip na nag-apply siya doon? Pangatlo, ay bakit agad siyang natanggap sa posisyon gayong ni hindi nga tinatanong nito ang pangalan at background niya? Pang-apat at panghuli ay hindi niya maiintindihan ang unang reaksiyon nito ng makita siya? Pero kahit ano paman iyon ang mahalaga ay may trabaho na siya at malaki pa ang sahod at may magandang benepisyo. Binigyan din siya ng two months advanced na kahit hindi niya hinihingi ay kusang ibinigay. May libreng pabahay at magandang insurance na tiyak niyang makakatulong sa pagpapagamot ng ate niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD