Chapter 3

2293 Words
Pagkapasok palang ng kotse ni Zion ay rinig na niya ang tunog ng cellphone niya. Kahit hindi na niya tingnan ay alam na niya kung sino. Walang iba kundi ang lolo Zach niya iyon. Naka-twenty miscols na nga ito sa kanya gayong hindi gawain ng lolo niya ang ganoong estilo. Kapag ang lolo niya nag tumawag ay kailangan niyang masagot kaagad. Natatakot na siyang umabot ng three miscalls dahil tiyak na papagalitan na siya. Hindi na siya nag-aksaya ng panahong replayan ito at mablis na pinaharorot ng takbo ang menamanihong saksakyan upang makarating agad sa Delatejera mansiyon. Saka nalang siya magpapaliwanag pagdating niya doon dahil alam niyang mas lalo lang itong magagalit sa kanya kung kakausapin niya pa sa phone. Mahigit thirty minutes lang at nakarating na siya ng mansiyon. Hindi na siya nag-aksaya ng panahong ipark ang sariling sasakyan, Mabilis siyang bumaba ng sasakyan niya at agad na ibinigay ang susi kay manong Mando, isa sa personal driver ng pamilya Delatejera. Agad naman siyang pinagbuksan ng pinto ni Manang Carla ang mayordoma at asawa ni manong Mando. Si manang Carla din ang nag-aalaga sa kanilang magkapatid pagdating nila dito sa mansyon. "Hi Manang..." Bati niya rito. " Ikaw talagang bata ka. Saan ka ba galing at mukhang puputok na bulkan ang mukha ng lolo mo?" Puno ng pag-alalang sabi nito sa kanya. "Sige na bilisan mo na diyan at puntahan o agad ang lolo mo sa opisina niya." Dagdag pa nito. Isang ngiti ang pinakawalan niya bago nagtuloy-tuloy papunta sa opisina ng lolo niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nakayanan pa niyang magbigay ng ngiti sa ganitong sitwasyon noon ay maiihi na siya sa takot sa lolo niya. Luma ang disenyo ng mansiyon nila na mukhang naitayo pa sa kapanahunan ng espanyol. Halos puro antique ang mga kagamitan rito.Dalawang palapag ang bahay at may humigit kumulang na twenty rooms kasama na ang servants quarters. Nasa gitna at pinakataas na bahagi ang masters bedrom na may anim na hagdan mula sa second floor. Sa kaliwang bahagi mga three hagdan pababa ay ang sariling opisina ng lolo niya. May mini library, mini-bar, sariling comfort room at ang pinakasentro ay ang opisina ng lolo niya. Pagdating niya sa pinto ng opisina ng lolo niya ay humugot muna siya ng malalim na hininga. Bahagyang nakabukas ang pinto na parang hinihintay na siyang pumasok doon. Kumatok muna siya ng pangatlong beses saka binuksan ng malaki ang pinto at pumasok siya doon. Nakita niya sa loob ang umuusok sa galit na lolo. "What the hell are you doing Zion? Bakit mo hinayaang mawala ang malaking halaga ng pera para lang sa estrangherang iyon?" Galit na sumbat nito. May hawak itong kupita ng alak sa kaliwang kamay nito. "I'm sorry lolo. Kasalanan ko po ang lahat. Gagawa po ako ng paraan para makausap muli si Lady MC." Mahinang paliwanag niya rito. " Sa tingin mo ba kakausapin ka niya? Bakit hindi mo ginagamit yung kukuti mo! Ang laking salapi ang pinuhunan ko dito, pagkatapos ay iyon lang ang gagawin mo? Hindi ka nalang sisipot bigla sa pinag-usapan! Alam mo bang hindi na matutuloy ang DC Mall Project dahil sa kagagawan mo? Umatras si Lady MC sa ginawa mo! Imagine ilang libong tao ang makikinabang sa project na iyon. Ilang libong tao ang umaasang magkaroon ng maganday trabaho at kinabukasan para sa pamilya nila, ngunit bibiguin mo lang pala! Kung sana hinayaan mo nalang mamatay ang hampas-lupang iyon" Parang nag-echo sa pandinig niya ang huling sinabi ng lolo niya. Hindi niya lubos maisip na sabihin ng lolo niya ang mga katagang iyon na hindi man lang pinag-isipang mabuti. " Get out of my sight! Baka ano pang magawa ko saiyo!" Singhal nito. Hindi na siya muling kumibo at dahan-dahang humakbang palabas. Bago paman siya tuluyang nakalabas ay narinig niya na malakas na itinapon ng lolo niya ang hawak nitong kupita matapos ubusin ang laman. Nabasag at nagkalat sa sahig ang bubog nito. Simula palang ay batid na niya kung paano pahalagahan ng lolo niya ang pera at mga negosyo nito. Kaya nga lumayo ang papa nila dahil hindi na nito kaya sa kunsensiya ang mga pinapagawa ng lolo niya. Ngunit nangako siya sa papa niya bago ito malagutan ng hininga na kahit anong mangyari ay hindi niya iiwan ang lolo Zach niya. Ayaw niya itong sirain. Mahal niya man talaga ang lolo niya kaya lang kung minsan ay parang nasasakal na siya dito. Ang hindi niya lang matanggap kung paano nakayanan ng lolo niya na sabihing, hahayaan na lang na may mamatay na tao basta lang matuloy ang deal na iyon? Ngunit pilit niya lang inintindi ang matanda. Siguro ay nadala lang ito sa matinding emosyon! Ngunit kailangan niya pa ring magpalamig sandali. Agad siyang umalis ng mansiyon at nagtungo sa isang bar. Kapag napagalitan siya ng lolo niya o kayay nais niyang mag-isip ay idinaan niya lang sa pag-inum ng alak sa loob ng bar. Mabilis niyang tinungo ang Margo's J. Bars, na pagmamay-ari ng pamilya ng isa sa kanyang kaibigan na si Marco Go. Ito ay pagmamay-ari ng ina nitong si Marley Go. Nang mamatay ang ina nito five years ago ay ang kaibigan niyang si Marco ang humalili sa buong pamamahala negosyo nila. Mag-isa lang na anak si Marco kaya sa kanya napunta ang lahat ng ari-arian ng namayapang ina at wala rin itong ibang kamag-anak ni hindi nga nito kilala ang sariling ama. Anak kasi ito sa pagkadalaga ng ina nito at hindi na nag-asawa pa. Nagiging kaibigan at kamag-aral niya si Marco noong high school pa lamang sila kaya niya ito nakilala. Agad naman siyang sinalubong ng masayang ngiti ng mga crew pagdating niya sa Margo's J Bar. Kilala na rin kasi siya dito. "Good evening sir! Mukhang nasapian ka na naman ng masamang hangin at muli kang napadpaad sa lugar namin." Bungad sa kanya ni Bella. Si Bella ang girlfriend ni Marco. Maganda ang dalaga, maputi at maganda ang seksi nitong katawan. Ilang pulgada ang tangkad niya dito dahil sa hight nitong 5'5" at nakasuot rin ito ng mataas na high heals. "Tamang tama ang dating mo, marami kaming fresh dito at may kakarating ding bago! Pili ka lang diyan. Free ko na saiyo iyan!" Nanunuksong sabi pa nito. "Go to hell!" Wala sa loob na sabi niya rito. Imbes na magalit ang dalaga ay bumuhakhak pa ito ng tawa. Halatang natutuwa sa inasal niya. "C'mon ZJ, pinapatawa lang kita. Hindi ka ba nanalamin pagpunta mo dito? Mabuti at pinapasok ka ng mga goons namin sa hitsura mong iyan?" Humahagikhik pang tumatawa ng dalaga. Dahil kay Marco na barkada niya kaya nakilala niya si Bella at naging malapit naman sila sa isa't isa. Itinuring na din niyang kapatid ang mga ito. Mabit at napakalambing ni Bella bukod sa maganda ito at seksi kaya niya nagustuhan ang dalaga. "Where is Marc?" Pag-iiba niya dito. "Hayun, kumaripas ng takbo ng makita ka niyang papunta dito. Paano kasi nakakatakot yung mukha mo!" Mukhang seryosong sagot nito. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya sa dalaga. "Okey, I'm sorry! Mukhang malaki nga yung problema mo ngayon. By the Marc is not arround. May business tour siya ngayon sa Malaysia. Alam mo na ang isang iyon?" Paliwanag ng dalaga. " But don't worry sabihan ko siyang umuwi kaagad at ng may makausap ka!" Dagdag pa nito. "Don't mind me. Katulad ng dati!" Agad niyang sabi saka naglakad papunta sa paborito niyang lugar doon. Sa may isang sulok ng bar ang gusto niyang upuan, kung saan wala masyadong makakita sa kanya. Hindi naman siya sinundan ni Bella at hinayaan na lamang siya nito. Mabilis niyang ibinagsak ang katawan sa sofang naroon na tila ba nauubusan na siya ng lakas. Agad niyang ipinikit ang mga mata habang wala sa ayos na napaupo doon. Narinig niya ang ingay ng paligid at halo-halong amoy ng tao. Ang bar na ito ang pinaka-high class na bar sa lugar nila. Ang halos lahat ng pumupunta dito ay mga maykaya at mayayaman. May mga kumakanta kasi sa ibabaw at sumasayaw sa stage. May mga local at sikat na banda kasi ang naggi-guest doon at may kunting comedy intertainment. Kahit hindi pa siya umuorder ng mainum ay may biglang lumapit sa kanya na babae at may dalang paboritong alak at sumsuman niya. Good evening po sir. I am Gemma at your service. Narito po pala ang pinapadala ni Miss Bella saiyo. Sanay magustuhan mo. " Sabay lapag sa dala nito sa maliit niyang mesa. Hindi siya sumagot ni magpasalamat man lang. "Kung wala na po kayong kailangan sa akin sir ay aalis na po ako. Sa bandang iyon lang po ako naroon. huwag po kayong mahiyang tumawag sa akin kung may kakailanganin po kayo!" Paliwanag pa ni Gemma. Hindi parin niya ito sinagot. Nararamdaman niya lang na umalis ang babae daka niya idinilat ang mga mata at agad na tinungga ang isang bote ng alak. Mabilis niya itong naubos kaya kinuha niya pa ang isa. Nais niyang maglasing upang makalimutan ang mga isipin. Total safe naman siya dito kahit dito pa siya matulog ay ayos lang sa may-ari ng bar. Mabilis na lumipas ang oras at di niya namalayang nakaubos na pala siya ng apat na bote ng alak. Nakaramdam na din siya ng kunting pagkahilo kaya saglit niyang ipinikit ang mga mata niya habang nakadapang sumandal sa upuan. Sa kanyang pagpikit ay bigla niyang nakita ang malditang babae na kapatid ng nasagasaan niya. Umuusok ang ilong nito at parang nanlilisik ang mga mata sa galit habang nakatingin sa kanya. Bigla siyang napadilat ng mga mata sa isipin iyon. "What the hell is she doing in my mind!" Galit niyang sabi sa sarili niya. Hindi niya alam kung bakit bigla itong pumasok sa ala-ala niya. "Bitiwan mo ako!" Nagmamakaawang sabi ng isang babae. Pilit kasi itong hinihila ng matanda at mabang lalaki. "Huwag ka ng mag-inarti Miss maganda! Galanti naman akong magbayad!" Nakangising sabi ng dambuhalang lalaking iyon. "Please sir, mali po yung iniisip niyo sa akin. Waitress lang po talaga ako dito at hindi po ako nagti-table ng mga customers." Magalang na paliwanag ng babae. Halata sa boses nito ang takot sa lalaking iyon. Dahan-dahan niyang tiningnan ang pinagmulan ng ingay na iyon. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang binabastos na mga babae. Kahit pa bayarang maituturing ang mga ito ngunit kailangan pa din nilang respituhin. "Sige, isang halik nalang at pakakawalan na kita. Dito sa lips ko! Ha-ha-ha" Nagtawanang sabi pa ng mga damuhong iyon. May dalawa rin itong kasin-laki at ksin-hugis nito. "No sir.." Nagsisimula ng umiyak ng babae habang tuloy pa din sa pagpupumilit makawala sa damuhong iyon. "Leave her alone!" Inis niyang sigaw sa mga ito. Agad namang nakuha niya ang atensiyon ng mga ito. " Bawal iyang ginagawa niyo sa kanya. Kapag hindi niyo siya tigilan ay ako mismo ang kakaladkad sa inyo palabs dito!" Dagdag niya pa. Biglang nagtawanan ang mga lalaking iyon. "Ha-ha-ha! At sino ka naman? Hindi mo ba kilala ang binabangga mo?" Galit na sabi ng kasamahan nito. Kahit hilong-hilo na siya ay pinilit ng makatayo ng maayos at dahan-dahang lumapit sa mga ito. mataman siyang pinagmasdan ng mga damuhong iyon. Naging alerto naman siya sa maaring gagawin ng mga ito sas kanya. Huminto siya isang dipa ang layo niya sa mga ito at agad na hinablot ang braso ng babae. Agad naman itong nabitiwan ng lalaking may hawak nito upang malipat sa kanya ang buong atensiyon nito. Akmang susugurin siya ng isa sa mga kasamahin nito ngunit agad na pinigilan ng isang lalaking may hawak sa babae kanina. "Relax lang kayo mga tol. Hindi natin siya kalaban." Plastik itong nakangisi sa kanya. "Hindi niyo ba nakikilala ang nasa harap natin ngayon? Mga gong-gong kayong lahat! Ang laki-laki ng ibinayad ko sa inyo, ngunit ipapahamak niyo rin pala ako" Galit na singhal nito sa mga kasamahan niya. "Magsorry kayo kay Mr. ZD!" Galit na utos nito. Biglang nataranta ang mga taong iyon ng marinig nitong binabanggit ang pangalan niya. "Sorry po Mr. ZD. Hindi na po mauulit pa." halos sabay-sabay na sabi pa ng dalawang kalalakihan/ "Its just a missunderstanding Mr. ZD. Sana hindi mo ito itanim sa puso mo." Parang nagmamakaawang sabi nito sa kanya. "Go to hell Mr. Alfonso!" Singhal niya sa mga lalaking iyon. Agad niya namang nakikilala si Mr. Alfonso, na isa sa mga may-ari Alfonso Cement Industries, ang pinakamalaking pagawaan ng cement sa lugar nila. Ang lolo niya kasi ang pangunahing client at parang bumubuhay na sa negosyo nito. Kaya kahit marinig lang ang pangalan ng pamilya nila ay bahag na ang buntot nito. "Huwag na kayong magsibalik dito! Dahil sa oras na makikita ko pa ang pagmumukha niyo dito ay ipapakain ko kayong lahat sa asong nasa hawla!" Matapang na banta niya sa mga ito. " Masusunod Mr. ZD!" Sabay nagmamadaling umalis. "Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin!" Sinserong sabi nito sa kanya. "Wala iyon! Sinunod ko lang ang rules dito. Asan ba si Bella?" Agad niyang sabi rito ngunit bigla na naman siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo. Muntikan pa siyang matumba. Mabuti nalang at agad siyang sinalo ng babaeng tinulungan niya kanina. "Are you okay sir?" Puno ng pag-alalang tanong nito sa kanya. Ngunit parang wala siyang lakas loob na sumagot rito. "May mahalagang inaasikaso si Miss Bella at ibinilin po kayo sa akin." Magalang na paliwanag nito. Sa subrang hilo niya ay parang hindi na niya maiintindihan ang sinabi ng babae. "Maupo po muna kayo sir." Sabi pa nito at agad siyang inalalayan sa pinakamalapit na bakanting upuan. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang napatitig sa magandang mukha nita. "What are you doing here?" Puno ng pag-alalang tanong niya sa dalaga ng mapagmasdan ang magandang mukha nita. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng ulirat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD