"Ano bang nangyari sa iyo Nana? Bakit mo iyon ginawa sa kanila?" Malumanay na sabi ng kapatid niya ng makalabas ang mga di inaasahang bisita.
"Kulang pa nga iyon sa kanila ate. Pasalamat na lamang sila at walang masamang nangyari sa iyo! Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung nagkataon." Puno ng pag-alalang sabi niya sa kapatid.
"Wala talaga silang kasalanan. Hindi lang kasi ako nag-iingat. Isa pa wala namang masamang nagyari sa akin. Nakakahiya talaga sa kanila. Isa pa hindi mo ba nakikita ang mukha ni John? Nakakaawa kaya ang hitsura niya kanina!" Nag-aalalang paliwanag pa nito.
Hindi niya lubos maiintindihan ang kanyang kapatid. Masyado kasi itong mabait. Kahit makailang ulit na ito ginawan ng masama ay hindi pa din magagalit. Hindi kagaya niya na madaling mag-init ang ulo niya. Lalong-lalo na at involve ang pamilya niya.
Ulila na kasi silang lubos. Namatay ang nanay nila ng maaksidenti five years ago. Hindi man lang nito hinintay na gumaduate siya ng kolehiyo. Matapos kasing mamatay ang itay nila dahil sa malubhang karamdaman ay ang inay na nito ang bumubuhay sa kanila. Kasabay ng pagkawala ng itay nila ang paglayo ng loob ng inay nila sa kanya. Hindi niya ito lubos na maiintindihan, ngunit pinilit niya itong intindihin.Hindi man siya nito sinasaktan ngunit batid niyang malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Ni halos hindi siya matingnan ng dritso ng inay niya. Iniisip nalang niya na baka pagud na pagud lang ang inay nila dahil ito lang ang bumubuhay sa kanila. Lalo na at pilit nitong iginagapang ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at may maintainance pa yung kapatid niya na gamot sa puso. Kaya mahal na mahal niya ang mga magulang niya.
Hindi man siya nakaganti sa mga ito ay ibubuhos niya ang lahat para sa kapatid niya. Ito nalang ang nag-iisa niyang tanging kayamanan sa buhay. Hanggang high school lang ang natapos ng ate Lena niya at nahirapan pa nga itong lubos na makatapos. Hindi sa bobo ang ate niya,kundi dahil sa pagkawala ng itay nila ay mas lalong lumala ang pakiramdam nito. Kaya minabuti ng inay nila na patigilin ito sa pag-aaral. Kaya ang ginawa niya ay tinuturuuan niya ang kanyang kapatid sa lahat ng mga natutunan niya sa paaralan. Kaya kahit hindi ito nakatungtong sa kolehiyo ay may karunungan din ang ate niya. Madali lang naman matoto ang ate niya, ang katawan lang nito ang mahina.
Katatapos niya lang ng kolehiyo ngayon. Kumuha siya ng Business Management. Ito kasi ang gusto niyang kurso. Nagpapartime siya dati sa isang coffee shops bilang all around, upang makatulong sa inay niya. Ngunit ng mawala ang inay niya kaya nag-doble kayod na siya. Tumatanggap na din siya ng labada habang nagtatrabaho sa coffee shop at nag-aaral. Habang ang ate niya nay naglalako ng kakanin. Ayaw niya sanang gawin ng ate niya kaya lang matigas ang ulo nito.
Kaya tuloy muntikan na itong masagasaan ng pauwi galing maglako ng mga paninda niyang kakanin.
Kapag nakakuha na siya ng maayos na trabaho at malaking sweldo ay patitigilin na niya ang ate niya sa pagtatrabaho at mg-iipon din siya pangpaopera nito sa puso.
Halos lahat na ng malalaking companya ay inaapplayan na niya ngunit walang tumatanggap kahit anong posisyon. Maganda naman ang mga grades at characters niya kaso kapag nalalaman nilang nagtatrabaho sa isang bar ang inay niya ay nawalay ito ng interes sa kanya. Bakit pa kasi kailangang ikumpara at tingnan ang mga trabaho ng mga magulang gayong wala naman silang pakialam dahil hindi sila ang bumubuhay sa kanila! Masakit isiping hinuhusgahan ka ng lipunan dahil sa katayuan mo sa buhay!
"Nana? Nakikinig ka ba sa akin? Saan na naman ba pumupunta ang isip mo?" Pukaw sa kanya ng ate Lena niya.
Sa dami-dami ng mga isipin niya ay minsan parang nawala na siya sa kanyang sarili.
"Huhulaan ko ang iniisip mo?" Dagdag pa nito?
"Ho? Anong sinasabi mo?" Takang tanong niya dito.
"Sabi ko na nga ba!" May halong awang nararamdaman para sa kanya ang kapatid.
"Tinanggihan ka na naman ng inaaplyan mo ano! Naku, hayaan mo sila. Hindi niya kasi alam kung gaano katalino at kagaling ang kapatid ko! Kawalan nila iyon, at pagdating ng panahon ay tinitiyak ko sa iyong pagsisihin nilang hindi ka nila binigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili mo. Hindi kay gina-judge kana nila according sa lahi or race mo." Puno ng pag-asang sabi ng kapatid niya.
Ang ate Lena niya ang tanging taong nagpapalakas sa kanya. Dahil sa daming problema sa buhay na nararanasan niya. Hindi pa tapos yung isang problema ay may dumagdag na namang kasunod pa nito ng hindi lang isa o dalawa kundi limpak-limpak pa. Sa kabila rin ng kalagayan ng ate niya ngayon ay nagiging positibo parin ang mga pananaw nito sa buhay. Bagay na pinagpasalamat niya ng malaki. Kung wala ang kapatid niya ay baka matagal na siyang sumuko sa buhay.
"Thank you ate! Lage kang nanfiyan at nagpapalakas ng loob sa akin! Kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala pa sa akin" Mahigpit niyang niyakap ang kapatid niya.
"Sos, nagdagrama na naman ang kaptid ko! Pasasaan ba't naging ate mo ako kung papabayaan kita." Hinahagod-hagod nito ang buhok niya habang magkayakap ang dalawa.
Nagbitaw lang mula sa ganoong posisyon ng biglang may tumawag sa cellphone niya. Kahit papano ay nakabili siya ng sariling cellphone kahit second hand lamang. Ngunit maayos pa namang gamitin.
"Sino bag tumawag ng ganitong oras? Wala naman akong hinihintay na tawag ah!" Nagtataka niyang sabi.
"Baka iyan na yung swerti mo! Sige na sagutin mo na muna at ng malaman mo kung sino. Ikaw, baka magsawa yan sa kada-dial ng phone mo at ba-bye na yung swerti mo." Nagbibirong sabi pa nito.
Agad niyang sinagod ang ang tawag na iyon kahit may halong pag-aalin-langan!
"Hello, Good evening! How may I help you?" MAgalang niyang sagot rito.
"Yes, Good evening ma'am! Is this Luna Pineda?" Magalang na sabi ng babae sa kabilang linya.
"Yes. Speaking. Who are you?"
"Uhm, this is Mia Sanchez at AFV Hotels. I just want to inform you that you have an interview at our office AFV Hotel, in our executive office tommorow at 9:oo in the morning for the position of Personal Assistant. Please confirm if you can come to us tommorow. Thank you!" Paliwanag pa nito.
Saglit siyang natigilan. Hindi niya kasi maiintindihan kung bakit bigla siyang tinawagan ng AFV Hotel gayong wala siyang naalalang nagpasa siya ng applications doon sapagkat hindi iyon linya ng course niya.
"Yes, ma'am Pineda? Are you still there?" Biglang sabi nio ng hindi siya sumagot sa tanong nito.
"Y-yes Miss Mia Sanchez. I'm sorry something gotin my mind. " Nabubulol pa niyang sabi rito.
"Do I have to repeat the questions for you Miss Pineda?"
"Yes please!"
"Uhm, this is Mia Sanchez at AFV Hotels. I just want to inform you that you have an interview at our office AFV Hotel, in our executive office tommorow at 9:oo in the morning for the position of Personal Assistant. Please confirm if you can come to us tommorow. " Pag-uulit pa nito.
"Yess Miss, I'llbe there!"
"That's great to here from you Ma'am. See you tomorrow and please don't be late. Okay! Once again, thank you for your time and have a great evening. Bye!" Saka pindot ng off button pagkatapos ng huling salitang sinabi nito.
Pagkatapos ng pag-uusap ay bigla siyang nakahinga ng maayos.
"Anong sabi?" Masayang sabi ng ate niya pagkatapos maibaba ang cellphone.
"You can't believe it ate Len! Tinawagan ako ng AFV Hotel for interview tomorrow morning!" Excited niyang sabi sa kapatid.
"Talaga! Sabi ko sa iyo na iyon na ang swerti mo. Huwag ka lang kasi mawalan ng pag-asa."
"Yeah, you're right ate Len. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit nila ako tinawagan. Wala kasi akong naalalang nagpasa ako ng application forms ko doon eh." Naguguluhan niyang sabi.
Ngunit bigla siyang nagulat at nawala bigla sa isip niya ang mga katanungan niya ng biglang humihingal ang ate niya.
"Ate Len? What's wrong? Anong nangari saiyo?" Nag-alala niyang sabi.
Hindi na sumagot ang ate niya dahil nahihirapan na itong huminga.
"Ate Len... Nurse...tulungan niyo kami! Ang ate ko, A-te...." Nagpapanick niyang sabi.
Agad namang dumating ang doctor at nurse. Agad nilang tiningnan ang kalagayan ng ate niya.
Sa mga sandaling iyon ay parang nanumbalik ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman sa mga sandaling inaasikaso ng mga doctor at nurses ang mga magulang niya ngunit sa huli ay hindi pa din natulungan.
Parang mabibiyak na yung puso niya sa subrang sakit na nararamdaman. Ang ate niya lang ang tangi niyang pamilya. kaya hindi niya kayang pati ito ay mawala sa kanya.
Matapos ang halos isang oras ng pagrevieve ng doctor at nurses sa ate niya ay bumalik na sa normal ang paghinga ng ate niya. Doon din ay tila siya nakahinga ng maluwag.
"She's fine now!" Sabi ng doctor na umasikaso sa ate niya.
"Doc, ano ho bang nangyari sa ate ko? Kumusta na po siya?"
"Nagkaroon ng mild heart attack ang ate mo. Hindi naman ito maiwasan dahil sa sitwasyon niya. Sa ngayon ay stable na siya. Iwasan na lang nating mastress o mapagud siya upang hindi na siya muling aatakihin. Nabigyan ko na din siya ng gamot at kailangan niya munang magstay dito ng ilang araw para maobserbahan pa natin siya." Paliwanag pa nito.
"Eh, bakit po ba siya nagkaroon ng pag-ataki? Sinusunod na naman namin ang mga medications niya?"
"Diritsahin na kita ma'am, hindi na masyadong tumatanggap ng gamot ang katawan ng pasyenti. Kapag nagtagal ito ay dilikado sa kanya. Kaya ang maisuggests ko ay heart transplant."
"Ho? Heart transplant? Eh, saan naman po kami kukuha ng ganoong malaking halaga? Mahirap lang po kasi kami"
"Money is not only the problems, but you must find an heart donor na kumpatible sa pasyenti upang maisagawa natin ng maayos at magiging successful ang operasyon!"
Parang nanlulumo siya sa kanyang narinig. MAs dumagdag na naman ang problema niya ngayon. Hindi niya pa nga alam kung makakapasok na ba siya ng trabaho eh manghagilap pa kaya ng heart donor?
"I heve to go at may gagawin pa ako." Paalam pa ng doctor.
"Sige po doc. Thank you so much po sa pag-aasikaso sa ate ko. Gagawa po ako ng paraan para maoperahan siya agad."
Matapos magpaalam ng doctor ay napuno na naman ng mga alalahanin ang ang isip niya,
Saan kaya siya ngayon kukuha ng ganoon kalaking halaga para pampa-opera ng ate niya? Saan din naman kaya hahagilapin ang magbigay ng puso para sa ate niya? Kung pwd lang sana na yung puso niya ang dukitin at ibigay sa kapatid ay di sana siya mag-alala ng ganito.
Naubos na rin kasi ang maliit na halagang naipon ng mama nila bago ito namatay. Kung sana pumayag ang ate niya na hihinto siya sa pag-aaral at maghanap ng trabaho baka hindi pa yun naubos ang pera nila.
Isa lang ang nagbibigay ng pag-asa niya ngayon. Ang makapasok sa AFV Hotel. Kahit papano ay makakatulong sa kanila ang kikitain niya doon.
Nais man niyang isisi sa lalaking muntikan ng nakabangga sa ate niya kanina dahil ito ang dahilan ng mas lalong paglala ng kundisyon ng kapatid ngunit batid niyang wala rin naman itong kasalan. Pero hindi niya lang magawang pakisamahan ito ng maayos dahil may kakaiba siyang kutob sa lalaki na sa unang pagkikita niya pa lang rito ay di niya maipaliwanag ang sariling nararamdaman.