Chapter 19
Hanggang sa mag-umpisa ang klase ay walang Craed na pumasok. Heto kami ngayon ni Maureen sa bench naglalunch. Sakto naman kasing may baon ako at siya naman at fastfood ang kinakain
"Girl, 'wag ka na sumimangot dyan. Mabuti pa puntahan na lang natin mamaya sa mansion nila"
Tumango naman ako kay Maureen, tama puntahan na lang namin sa bahay nila. Baka mamaya may sakit pala s'ya.
"Di talaga ko mag-sasawa sa chicken joy na 'to" nawala ko sa pag iisip ng magsalita si Maureen. Nag make face naman ako nung nakita ko siyang titig na titig sa chicken na kinakain niya.
"Syempre pagkain na 'yan eh, ikaw pa ba mag sasawa riyan" pambabara ko. Tumingin naman siya saken habang puno amg bibig niya
"Of course!" Hinampas ko naman siya ng magsalita siya dahil nag talsikan ang mga kanin sa bibig niya.
"Maureen naman mag dahan dahan ka" sabi ko at iniabot sa kanya ang tissue. Jusko! Pa'no na lang 'pag may jowa na 'to. Baka mastress agad boyfriend neto. Sa totoo lang andaming nanliligaw dito kay Maureen dito sa campus ang kaso pass daw siya sa ka age. Gaga! Nasa ka age ata ang true love.
"HOY!" napatakip ako ng tenga ng biglang sumigaw si Maureen.
"Problema mo?" Kunot noong tingin ko sa kan'ya.
"Gaga nakatingin ata sa'yo si Noah" napatingin naman ako sa pwesto ni Noah na totoo ngang naka-tingin saakin. Si Noah ay isang varsity player dito sa school namin. Ang alam ko siya ang captain nun. Mayaman din ang pinagmulan niyan dahil base sa mga sasakyan niya araw araw ay pa iba iba.
"Gaga, baka naasiwa lang 'yan sa mukha ko" sabi ko kay Mau habang sumulyap ng onti kay Noah.
"Hmmm pustahan tayo, Tin. Lalapitan ka niyan at magpapakilala" sabi ni Maureen. Tumingin naman ako sa kan'ya habang nakakunot ang noo.
"Hay nako Maureen kakawattpa—" na patigil ako sa pag-sasalita ng biglang may umupo sa harapan ko. Si Noah.
"Hi, I'm Noah. Ikaw si Tin, right?" Malawak ang ngiti ni Noah habang nakatingin sa'kin. Napalunok naman ako.
"O-opo" sabi ko. Inabot naman niya ang kamay ko at nakipag shake hands.
"Nice to meet you, Tin. Palagi kitang nakikita dito naka-upo" Napa-tango naman ako. Totoo naman kong wala ako sa library ay andito naman ako naka-upo.
"Ehem." Tikhim ni Maureen sa tabi ko.
"A-ah! Si Maureen nga pala kaibigan ko" pag-papakilala ko. Nag tagal naman ang titig niya kay Maureen bago nakipag shake hands.
"Hi, Noah. Nood kami ng game niyo ha!" Game? May game ba sila?
"Yeah sure. Isama mo si Tin. Sige ha una na ako may practice pa" paalam ni Noah sabay alis habang kumakaway ngumiti naman ako at kumaway.
.
"G ka? Bukas pa naman 'yon." Sabi ni Mau.
"Pag-iisipan ko"
Nang matapos ang lunch break ay bumalik na kami sa klase. Excited na agad akong matapos ang klase para maka-punta na kami kay Craed kasi sa totoo lang nag-aalala na ako.
Nung hapon na ay naging tutok na kami sa lessons, dahil din sa baka biglang mag-paquiz ay mas mabuti ng may laman ang utak mo.
"Class, bibigyan ko kayo ng project. Mag interview kayo ng mga schoolmates niyo. Schoolmates, kaya dito lang dapat sa campus." Pag-papaliwanag ni Ma'am.
Pa'no naman ako nito, wala akong ka-kilala. Siguro mag-feeling close na lang.
Nag-taas naman ng kamay yung isang kaklase ko
"Ma'am tungkol saang topic po ang itatanong namin?"
"Oh sorry i forgot to announce the topic. Itanong niyo sila about sa pinaka-mahirap na experience na nang-yari sa buhay nila. Kapag sinong may magandang nagawa exempted sa long quiz" Woah! Mahirap pa naman pag-paquiz 'tong si Ma'am. Pero sino kayang pwedeng mainterview ko.
Last subject na namin 'tong si Ma'am. 2 hours klase namin sa kan'ya dahil nag dagdag siya ng time. Kaya na move ng o
unting oras ang pag-punta namin kila Craed.
Napatingin ako kay Maureen ng mag ring na ang bell hud'yat na u-wian na ng hapon.
Inayos ko na ang gamit ko para pumunta ay kamustahin si Craed.
"Ano girl G na?" Aya ni Mau na nasa tabi ko na pala.
Tumango ako sa kan'ya at sabay kami nag-lakad pababa ng building. May dala daw siyang kotse ngayon yun na lang daw gagamitin namin. Madalas kasi ay may driver 'tong si Mau kaya nakakapagtaka na pinadala sa kan'ya ngayon at kotse.
"Wow, himala at wala kang driver ngayon" puna ko.
"Syempre ako pa" ani niya sabay flip hair. Babaetang 'to.
Sumakay na kami at agad niyang pinaharurot kaya naman napapikit ako.
"Jusko Maureen dahan dahan!" Halos mahimatay kong sabi habang nakahawak sa malapit sa puso ko. Mamatay ata ako sa nerbyos neto.
Dahil sa bilis ng patakbo ni Maureen ay agad kaming nakarating sa tapat ng mansion nila Craed.
"Alam ko na dahilan kong ba't may driver ka!" Puna ko.
Tumawa naman ng malakas ang bruha.
"Pasok na" aya niya
"Uso doorbell teh" may doorbell naman kasi dapat yun muna. Bastos naman siguro pag- papasok ka-agad.
Pinindot namin ng isang beses ang doorbell pero ilang minuto ng naka-lipas ay wala pa ding lumalabas. Hanggang sa pinindot ulit namon ay ganun pa din. Ni isang tao walang nagbukas.
Usually kasi pag-kadoorbell namin dito ay andyan kaagad si Lolo Leo para pag-buksan kami pero ngayon.. wala.
"TAO PO!!" sigaw ni Maureen habang nakatingin sa loob.
Ako naman ako napakatulala sa gilid. Bakit wala?
"Teh wala atang tao" nang mapagod si Maureen sa kakasigaw ay tumingin siya saken.
"Baka di lang nila marinig" pag pupumilit ko. Baka hindi talaga nila marinig.
Hanggang sa mag gabi na ay wala pa din, maski ilaw sa loob ng bahay ay wala. Siguro wala nga talaga sila d'yan. Agad namang na buo ang tampo sa dibdib ko.
"Tara na, umuwi na lang tayo" aya ko kay Maureen ng makitang mag-didilim na.
"Hatid na kita" di' nako sumagot dahil nawalan ako ng gana mag-salita. Nakatingin lang ako sa bintana pinag-mamasdan ang daan. Ba't ganun? Bakit bigla siyang nawala. Ayoko naman magalit kaagad sa kan'ya. Siguro bukas ay papasok na 'yon. Baka may nilakad lang sila ni Lolo Leo.
Naka-uwi na kami ay agad nag-paalam si Maureen na aalis dahil baka hinahanap na daw siya sa kanila.
Ako naman ay parang zombie na nag-lalakad papasok ng bahay, nang makita ko si Mama ay nag-mano muna ako bago nag-paalam umakyat muna. Sinabi ko na din na kumain na ako kahit hindi pa, ang totoo niyan ay wala akong ganang kumain.
‘Craed sana pumasok ka bukas’ sambit ko ng pa bulong bago hilain ng antok.
Nasa isang gubat ako na puno ng mga paru parong nag-liliwanag parang isang paraiso. Meron ding talon sa gilid nag puno ng mga makikintab na bagay. Asan ako?
Nag-palinga linga ako habang hinahanap ang daan pabalik ngunit wala.
‘Tin’ may narinig akong pamilyar na tinig na nag-mumula kong saan. Kaya hinananap ko ‘yon at sinundan ko.
Nang makarating ako sa pinakalagusan ng talon ay may isang pabilog, na parang isang lagusan.
Dahil sa kuryosidad pumasok ako na pa sigaw ako ng hilain ako ng liwanag. Pag-mulat ko ng mata ko ay may isang napa-kalaking palasyo sa harapan ko.
Napanganga ako dahil madaming kawal dun na parang wala silang pakialam na andito ako sa harapan nila. Nasaan ba ako?
Nakarinig ako ng yapak ng kabayo sa gilid ko kaya napa-tingin ako.
“Alaric” mahinang sambit ko.
Ngunit bakit parang pamilyar, parang nakikita ko na siya noon.
Naka-ngiti siya habang naka-titig saakin. Hinila niya ako papasok sa loob ng malaking palasyo medyo na gulat ako dahil yumuko ang mga kawal.
Sumenyas si Alaric sa mga babae at itinuro ako kaya naman lumapit saken ang isang babae na mukha din pamilyar. Bakit? Sino sila?
May ibinulong bulong siya habang itinuturo ako ng mga daliri niya, nagulat ako ng mag-bago ang suot ko. Naging puting gown at naging maayos ang buhok ko. Meron ding flower crown sa ulo. Gulat akong napa-lingon kay Alaric na iba nadin ang suot.
“Enjoy mo lang” bulong niya.
Andito kami ngayon sa garden na puno ng magagandang bulaklak.
“Bakit ngayon ka lang ulet, Alaric?” Tanong ko.
“Mahabang kwento” Bulong niya.
Naka-titig lang siya saakin na parang malungkot ang mga mata.
Ewan ko kong bakit parang may buhay ang mga kamay ko na agad humaplos sa pisngi niya. Ngumiti ako ng matamis sa kan'ya. Naging maingay ang paligid na parang may tumatawag sakin.
Tumingin naman ako kay Alaric na naka-ngiti ng malungkot saakin.
“Miss na kita, Tin. Hintayin mo ako” aniya bago ako magising. Hingal na hingal ako ng mapa-tingin ako sa alarm clock ko. Panaginip lang. Si Alaric.
Bumabalik na naman ang mga panaginip ko pero bakit parang totoo? Na pa hawak ako sa pisngi ko na may luha pala. Bakit parang malungkot si Alaric?
Tumayo na ako ang nag handa para pumasok, pababa na ako ng makita ko si Mama na may kausap sa hapag. Bumagsak ang balikat ko ng makitang si Maureen ‘yon. Umaasa akong si Craed yun.
“Girl, GM” Masiglang bati ni Maureen. Suot na niya ang uniporme namin. Naka-ayos na din ako kaya umupo ako sa harapan niya at sumandok ng pag-kain. Napa-tingin ako kay Maureen na titig na titig saken.
“Gandang ganda ka na ba saken?” Tanong ko habang naka-taas ang kilay.
“Mas maganda ako” aniya sabay hawi ng buhok. Inismiran ko lang siya at nag-simula na ding kumain.
“Musta tulog mo?” Tanong ni Maureen.
Nag-thumbs up lang ako hindi makapag-salita dahil puno ang bibig ko.
“Anak, ma-uuna na ako ha. Madami pakong ititinda” ani ni Mama ng matapos na siyang kumain. Tumango naman ako at sinabing mag-ingat siya.
Napa-tingin ako kay Maureen na nakatitig saken. Problema ba nito?
Nang makarating kami sa School ay umaasa ako na nasa room na si Craed, pero pag-karating namin ay bumungad sa'min ang walang lamang na upuan ni Craed.
Tinapik naman ni Maureen ang balikat ko kaya naman nginitian ko siya para sabihin okay lang ako. Pumunta nako sa upuan ko at tumitig sa upuan niya.
Papasok ba siya? Malapit na ang start ng first subject pero walang Craed na dumating. Nag-uumpisa na akong mawalan ng gana. Akala ko ba gusto niya ako? Bakit nung tsaka siya nag confess dun naman siya mawawala na parang bula?
Buong klase ay hindi ako nakinig. Mabuti na lang at puro discuss lang at walang mga quizes.
Napa-hinga ko ng malalim ng last subject na wala pading Craed. ‘I hate you, paasa ka’ na pangiti ako ng malungkot.
“Girl, wag ka na malungkot. Babalik ‘yon” pag-papanatag ni Maureen sa loob ko.
Bakit ba ako nag-tatampo? Wala naman akong karapatan diba? Sira talaga Tin! Umiling iling ako dahil sa na iisip.
Days have passed, thursday na ngayon pero wala pa din. Malapit na fieldtrip akala ko ba mag-kasama kami? Tsk. Ilang gabi ko na ding napa-panaginipan si Alaric kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko. Dahil ikenekwento ko sa kan'ya lahat.
Pakiramdam ko nga ay totoo talaga yung panaginip ko.
“Hoy! Sino interview-hin mo?” Tanong ni Maureen. Isa pa pala ‘yan.
“Hindi ko alam eh, ikaw ba?” Tanong ko. Sinabi naman niya ay naki fc na lang daw siya.
“Kay Noah kaya?” Tanong niya. Oo nga pala, naging medyo malapit kami kay Noah simula nung nanood kami nung game nila, nag-aya kasi sila ng meryenda nun at ma-babait pala silang lahat. Nakakagaan sila ng loob akala ko kasi ay mga basagulero sila.
Siguro si Noah na lang interview-hin ko. Wala naman akong choice mag-kikwento lang namang siya.
Nang maka-uwi na ako ay tumambay muna ako sandali sa sala para manood, nang matapos nag-palabas na gusto ko ay na pag-desisyunan ko ng pumasok sa kwarto. Napa-tingin naman ako dahil may ibon na naka-pasok. May maliit na papel sa paanan niya na nababalutan ng gold na ribbon. Umupo ako at pinulot yun. Binuklat ko ng may makita akong sulat.
‘I miss you, My Tin. Wait for me.’
- C.A