Good morning mother earth!' bati ko sa buong mundo ng ma-gising ako. Naging
masaya ang gising ko dahil sa simpleng sulat na 'yun.
"Magandang umaga nay!" bati ko ng maka-baba ako.
"Magandang umaga anak!" bati pa balik ni nanay sa'kin.
Lunes ngayon at ngayong araw ang field trip namin kaya maaga rin akong na gising para mag-handa ng mag-ring ang cellphone ko.
* Bruhang Maureen's calling *
"Bakla!!" energetic na bati niya sa'kin. Umagang umaga sabog eardrum ko, hay nako talaga 'tong i Maureen hindi ata alam salitang 'kalma'.
" Kalma! Aga-aga ingay natin ah." sagot ko mula sa kabilang linya, at hinawakan ang tainga ko dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya at feel ko na bingi ako ng ilang sandali. Bruha talaga 'tong si Mau kala mo di' babae.
"Sorry po! I'm just super duper excited sis!" sigaw pa nito kala mo naman bingi ang ka-usap.
" Tapos?" pilosopong sagot ko.
"Bruha ka! panira ka ng moment kahi kailan, gosh!" reklamo niya kaya na tawa ako.
"Sorry na ang ingay mo kasi." Ani ko ng mahinahon at nag-simulang mag-lakas.
"Excited na ako kaya bilisan mo d'yan, kita kita sa campus." sabi nito bago patayin ang tawag hindi man lang nag-paalam ang bruha.
"Kumain ka na d'yan." Ani ni nanay ng ma pansing wala na akong ka-usap.
"Opo nay." sagot ko bago nag-simulang kumain at para makapag-handa na rin ako.
Matapos kong kumain ay mabilis akong naligo at umakyat sa kwarto ko para mag-ayos ng mga kailangan ko. Na ayos ko naman na 'yong ibang gamit ko ka-gabi kaya hindi ko na kailangan pang mag-madali, sana pumasok na si Craed para hindi masayang ang pera niya at syempre para makita ko na at sana ayos lang siya. One week kaya siyang absent.
"Nay, alis na po Ako." Ani ko ng ma-kakaba ako dala ang mga gamit ko. Parang mag-lalayas naman ang datingan ko nito.
"Mag-iingat ka r'on anak. Alagaan mo ang sarili mo." bilin ni nanay.
"Opo nay, pangako po." sagot ko bago humalik sa pisnge niya.
Nag-lalakad pa lang ako palabas ng mag-ring ulit ang phone ko at makitang si Maureen ulit ito.
"Yes!?" tanong ko ulit ng sagutin ko ang tawag niya.
"Bilisan mo pren!!" excited na sabi niya, ako naman ay kinabahan.
"Gaga! May problema ba?" nag-aalalang tanong mula sa kabilang linya at sinimulang mag-lakad ng mabilis at pumara ng sasakyan.
"Basta bilisan mo!" sagot niya at tuluyang pinatay ang tawag.
Sobra akong nag-alala kaya naman ng maka-baba ako ng tricycle ay agad akong tumakbo papasok sa campus.
Hinihingal na ako dahil sa mga dala kong gamit pero hindi ako nag-padala at bilisan pa ang takbo hanggang sa makarating sa room namin.
"M-maureen!" hinihingal na tawag ko ng makarating sa room at hinanap ng mga mata ko si Maureen pero wala ito sa upuan niya.
"Maureen!" sigaw ko kaya napa-tingin lahat ng mga classmate namin ng biglang may humila sa kamay ko.
"Relax," Ani nito mula sa likod ng manlaban ako. Malay ko ba kong sino humatal sa'kin diba? Malay niyo masamang tao pala. Pero sa isang salita pa lang niya ay na kilala ko na siya.
"C-craed," tawag ko sa kan'ya ng iharap niya ako sa kan'ya.
"Hi," naka-ngiting bati niya sa'kin pero inirapan ko siya at nag-umpisang mag-lakad papalayo sa kan'ya.
"Tin!" tawag nito mula sa likod ko pero umarte akong walang naririnig at lumakad pa rin ng mabilis ng humarang sa harapan ko ang bruhang kaibigan ko at kumapit sa'kin na parang linta at hinala ako papa-lapit kay Craed.
"Fafa Craed! Miss ka ni Tin, alam mo ba 'yun." Ani ni Maureen kaya kinurot ko siya sa tagiliran at ngumisi naman si Craed.
"Bat' siya ko ma-mimiss si Yoshi ba siya ?" pag-sisinungaling ko.
"Sus! Ayaw pa umamin e halos pabalik palik tayo sa mansion nila--" I cut her off
dahil masyado niya na akong nilalag-lag. Kaibigan ko ba 'to?.
"Kala ko kung ano ng nangyari sayo!" pag-iiba ko ng usapan.
"Tin--" Hindi ko siya binigyan ng pag-kakataon para mag-salita. "Halos liparin ko ang bahay makarating lang ng mabilis dito." Ani ko kay Maureen.
"Baliw! ibabalita ko lang na andito na bebe Craed mo kaso biglang na dead-bat phone ko." paliwanag niya kaya tumango naman ako bilang sagot.
Wala na akong maisip na pwedeng sabihin dahilan para maka-singit sa usapan si Craed.
"Kain mo na tayo bago tayo umalis." anyaya nito sa'min.
"Sige bet ko yan! excited na sabi ni Muareen basta pag-kain hindi pa-patalo.
"Kayo na lang busog ako--" maureen cut me of what i'm trying to say at hinila para mag-lakad pa tungo sa canteen.
"Grabe buti andito na si fafa Craed, lagi niya ulit tayong ililibre." masayang ani ni Maureen.
"Whatever." walang ganang sagot ko pero deep inside masaya ako na maka-kasama namin siya sa field trip akala ko kasi hindi na.
Na upo na kami ni Maureen malapit sa bintana para daw maganda view habang si Craed naman ay umorder ng pag-kain para sa'min.
"Ikaw ah, miss mo naman talaga siya ayaw mo pa aminin." Sabi ni Maureen at for sure mag-sisimula na 'tong mang-asar.
"Hindi ba pwedeng mag-tampo?" mataray na ani ko.
"Wow! Iba din si Bakla." Hindi makapaniwalang ani nito at nag-maka face na gulat na gulat kahit hindi naman.
"Bakit? Pinag-babawal na ba 'yun?" Sagot ko pa sabay paypay sa sarili.
"Ikaw na!" Ani ni Maureen at umaktong sinuotan ako ng corona at ako naman si tanga agad na yumoko at tanggapin 'yun.
"Thank you so much!" Ani ko pa at kumaway-kaway na parang Miss. Universe.
"Pag-kain!" sigaw ni Maureen ng maka-upo si Craed dala ang pag-kain.
"Thanks!" maikling sagot ko ng i-abot niya sa'kin ang sandwich.
"Welcome." naka-ngiting ani nito. Gosh ngiti pa lang pamatay na.
"Tama na ang titigan, uso kumain." singit ni Maureen. Panira ng moment ang gaga.
"Basta pag-kain talaga eh." Ani ko ng naka-tingin kay Maureen habang nilalantakan ang mga pag-kain.
"Hmm, sarap!" Ani nito ng naka-pikit na parang dama-dama kong gaano ka sarap ang mga pag-kain.
"Ikaw Tin, hindi ka ba kakain?" mahinahong tanong niya kaya agad akong napa-tingin sa kan'ya.
"Kain na." Ani nito dahilan para tumigil ako kaka-titig sa kan'ya. I missed him so much.
"H-hu?" tanong ko hindi ko kasi masyado na gets yong sinabi niya. Nag-papa-cute kasi.
"I said you should eat." Ani nito. "Gwapong gwapo ka ata sa'kin kaya hindi mo na rinig e." dungtong pa niya sabay ngiti kaya inirapan ko siya. Ang feeling! Pero to be honest... yeah, he's so handsome.
"Eat." Ani pa niya.
"Bat' hindi ikaw kumain." mataray na ani ko pero ngumiti lang ito sa'kin sabay pisil sa pisnge ko.
"Cute mo." Sabi niya.
"Cute mo mukha mo!" Ani ko at inalis ang kamay niya at sinimulang sumubo ng pag-kain.
"Tama na ang away, mamaya aalis na tayo dapat wala ng away para enjoy." awat ni Mau sa'min. Ngunit hindi na Ako kumibo at sumubo na lang ng fries.
After naming kumain pinatawag na ang lahat sa bench, mga ilang bilin si ma'am bago kami sumakay sa bus.
Na una si Mau pumasok sunod ako at sa likod ko naman si Craed. Na upo si Mau sa pang-dalawahang upuan kaya naman ay sumunod ako akmang u-upo sa tabi niya ay tinulak niya ako gamit ang pwet niya dahilan para mawala ako sa balansi at na pa sandal kay Craed.
"Maureen naman," suway ko sa kan'ya ngunit ngumiti lang itoat hinila si Ela ang nerd sa setioon namin at pina-upo sa tabi niya.
"Hini mo na tayo tabi for now Tin, kay fafa Craed ka mo na okay?" naka-ngiting ani nito sabay kindat at ipag-tabuyan ako na parang hindi niya ako kaibigan.
Bago pa ako makapag-react nag-salita pa ito, " #goodfreind, wala ka na masasabi ang bait kong friend no?" pag-yayabang ni Mau. Ewan ko sa bruhang 'to.
Inirapan ko na lang si Maureen at tumingin sa likod para mag-hanap ng magandang katabi. Kaso yung bakante lang yung tabi ni Gerald katkot. Kilala kasi siyang bully pero hindi mo naman siya papansin ay hini ka rin naman niya pag-tritripan.
"Tin, dito kana." pag-tawag sa'kin ni Craed na kanina pa pala naka-upo sa likod ni Maureen at sininyas ang bakanteng upuan satabi niya. No choice tayo mga ka-barkada kaysa naman upo tayo sa tabi ni Gerald , baka mamaya ano ba maisipang gawin niyan sa'kin mahirap na. Gosh!
"Yown!" kinikilig na ani ni Maureen at tumayo pa talaga para silipin kami at mang-asar.
"Sira-ulo, umayos ka nga Maureen at baka bgalang umardar ang bus mapa-subsob ka pa." suway ko sa kan'ya.
"Yes boss!" ani nito at nag-salute pa bago ma-upo. Sira-ulo talaga 'to si Maureen.
Umandar na lang lahat ang sasakyan pero parehas pa rin kaming tahimik akala mo nga pepe at walang dila.
Gosh! Pareho naman kami may dila pero walang nag-lalakas ng loob mag-salita. Pero kahit ano pa ang mang-yari hindi ako ang unang makikipag-usap.
Halos kalahating oras na ang biyahe ngunit ni isa sa'min ay wala pa ring nag-sasalita at si Maureen naman ay busy sa panunuod ng T-map habang kumakain. Nilingon si Craed ay tulog ito ako naman hindi mapakali dahil na hihilo ako. Ganto talaga ako pag-bumabyahe ng malayo ay na hihilo ang malala pa ay nag-susuka ako. Gosh kadiri moment yun tapos katabi mo si crush.
'Relax Tin, malapit na tayo.' ka-usap ko sarili ko kahit alam ko namang isa at kalahating oras ang biyahe.
Nag-uumpisa na akong pawisan ng malamig at parang kumukulo ang tiyan ko kahit busog naman ako, dahil bago kami umalis ay kumain kami.
Sinandal ko ang ulo sa likod ng kina-uupuan ko at tumingala para aw hindi tumuloy ang suka mo. Ipinikit ko ang mata ko at nag-simulang mag-isip ng kung ano para mawala sa isip ko ang pagka-hilo.
Kunti na lang at lalabas na talaga ang suka ko kaya tinakpan ko ang bibig ko at huminga ng malalim para pigilan itong lumabas at nag-mamadaling kunin ang bag ko at mag-kalkal ng Plastic.
Oh my! Wala pa kaya tuminga na lang ulit ako pero alam ko ano mang oras ay lalabas na ang suka ko. Eww gosh!
Tinawag ko si Maureen ngunit hindi niya marinig, 'Gosh hindi ko na kaya 'tong pigilan.'
Nang maramdaman ko ang pag-hilab ng tiyan ay agad kong hinawakan ang kamay ni Craed at pisilin iyun dahilan para magising siya.
"Tin," gulat na tawag niya at makitang pawis na pawis ako at na mumutla.
"N-na susuka a-ako," walang buhay na ani ako.
Agad naman nitong kinuha ang panyo at punasan ang pawis ko at kumuha ng plastic sa bag niya. Wow ang dami niyang plastic. Balak ko pa sanang magtanong kong bakit ang dami nitong dalang plastic ngunit wala na akong lakas para mag-tanong ba dahil sa sobrang hilo.
Pa-tuloy niyang pinunasan ang mukha ko na puno ng pawis at ibinuka ang plasti at itapat sa bibig ko "Ito oh,"
' No! Hindi ako susuka ' sagot ko sa isip ko dahil na hihiya ako kan'ya. Yung may masama na nga pakiramdaam mo maarte ka pe.
"Don't be shy Tin," ani ito na para bang na basa ang laman ng brain ko.
Hindi ko na pigilan at hinawakan kamay niya na may hawak na plastic at itapat sa bibig ko at sumuka na.
Nang matapos akong sumuka ay wala man lang akong nakitang reaction sa mukha niya na pandidiri.
Itinali niya ang plastic at dinoble ng plastic ilagay sa bag niya. OMG!
"Huwag! Sa bag ko na." pigil ko sa kan'ya at hinawakan ang kamay niya. Ngunit hindi ito nag-papigil.
"S-sory sa abala," mahinang ani ko bago pumikit dahil na hihilo pa rin ako, nang maramdaman ko ulit na pinupunasan niya ang pawis ko at inaayos ang buhok ko at inilagay sa likod ng tainga ko ang mga buhok na nililipad papunta sa mukha ko.
Nag-patuloy ang biyahe at naramdam ako ng pag-bigat ng mga talukap ko, pakiradam ko ay ligtas ko sa tabi ni Craed at sa bawat pag-ayos niya ng buhok ko ay gumagaan ang pakiramdam ko at ipikit ang mga mata ko at hindi ko na alam ang sunod pang nang-yari.