Chapter 21

2045 Words
Nagising ako ng may maramdaman akong may mga mararahan na tumatapik sa braso ko kaya iminulat ko mga mata ko at bumungad saken ang naka-ngiting mukha ni Craed. "We're here." Ani niya, umayos naman ako ng upo at chi-neck ang mukha ko baka kasi may muta pang natira. Dumungaw ako sa labas at nandoon na ang mga kaklase namin. "Si Mau?" Tanong ko kay Craed. "Na sa labas na." Tumango naman ako at tumayo para sabay na kaming lumabas. "Wow gising na ang senyorita." Puna ni Maureen ng makita niya kaming naka-baba na. Pakiramdam ko tuloy ako ang inaantay nila. Nang makababa na kasi kami at tsaka pina-ayos ni Ma'am ang pila namen. Papayag daw siya na mag-kasama ang lahat kaya naman tuwang tuwa si Craed. Last year daw kasi lalake sa lalake ang mag-kakasama ganoon din sa babae. Una ay sa museum kami, namangha naman ako dahil ang gaganda at ang bawat mga litrato ay may kan'ya kaniyang kwento, nalaman ko lang noong ikinwento siya ng tour guide saamin. Nang matapos kami sa musem ay hinayaan kami basta huwag daw lalayo, kaya naman si Maureen ay todo aya sa mga rides. "Ihuli naten ang ferris wheel para memorable divuhhhh?!" Na pa takip ako sa tenga ng sumigaw siya. Na pa iling na lang si Craed sa kan'ya. "Siguro naka-lunok ng microphone 'yang kaibigan mo?" Natawa naman ako sa ibinulong niya. Sanay naman na ako kay Maureen. Una naming sinakyan at 'yong pambata lang kaya naman hindi masyadong enjoy "Woahhhh!" Napa-tingin ako kay Maureen at na pa face palm na lang dahil sumisigaw kahit hindi naman nakakalula. "Hanapan mo nga ng boyfriend 'yan." Bulong ko kay Craed na natatawa sa reaction ko. "Si Leo nga kasi." Tinaasan ko naman siya ng kilay ng Leo lamang ang sinabi niya. Wala talaga 'tong galang sa Lolo niya. Narinig ko naman siyang humalakhak sa gilid ko. "Saya mo?" Puna ko. "Salamat sayo." Balik niya. Agad namang nag init ang pisngi ko. Iba talaga 'to mag-pakilig. Hindi ako marupok ha! Syempre sinuyo naman niya ako edi go na hmp! Nang matapos kami sa pambatang nakakahilong rides na 'yon nag-pahinga muna kami. "What do you want to eat?" Tanonng ni Craed. "Hmm gusto ko kahit ano basta gawa sa patatas." Bigla kasi akong nag-crave sa patatas nanood kasi ako ng mukbang kanina nang mga potato chips, fries. "Girl, doon muna ako kila Ma'am ha!" Mag poprotesta sana ako kaso bigla na lang siyang tumakbo paalis. Babaetang 'yon talaga nananadya. Inilapag naman ni Craed ang lahat ng klase ng pag-kain na gawa sa potato. Gulat naman akong napa-tingin sa kan'ya. "Seryoso ka ba dito?" Tanong ko habang naka-tingin sa mga pag-kain na nasa harapan ko. "Oo naman mukha bakong nag-jojoke sa mga binili ko." Inirapan ko naman s'ya ng binara niya ang tanong ko. Hmp! Makakain na nga. Inumpisahan kong lantakan muna ang fries napapikit naman ako sa sarap. Dabes talaga ang fries mga teh! Meron ding soda at water sa gilid ko hindi na binili 'yon ni Craed dahil ayun mismo yung baon namin. Para din makatipid kami. "Gusto mo ba dun sa viking?" Tanong niya. Habang tinuro ang isang bangkang ride. Nagulat naman ako dahil nakakatakot ito kong paano umandar. "H-ha? Hindi ba delikado d'yan?" Tanong ko. Umiling naman siya. "Nah, sinisigurado ng mga staff na safe ang mga magiging pasahero niyan." Aniya. "Sige pag natapos tayo dito, ayain natin si Mau." Sabi ko sabay kain ulit. Minsan naman ay sinusubuan ko siya dahil napa-kaarte ayaw niyang kumain pag hindi ko daw sinubuan. Ang mga kaklase naming nakakakita tuloy ay inaasar kami. Iniirapan ko lang tuloy sila habang sarili ko na lang ang sinubuan ko. Narinig ko naman ang mga munting halakhak ni Craed sa tabi nang makita niya ang reaction kong naka-nguso habang kumakain ng fries. Ipinagbuksan din niya ako ng soda, ang sabi pa niya 'wag daw masyadong mag-soda dahil bad daw sa katawan. Nahiya naman ako sa kan'ya na nakadalawang soda na. Nag-pahinga muna kami saglit para pababain ang mga kinain namin. Dumating na din si Maureen at may dalang chika na naman si gaga. "Teh! Alam mo ba muntik ng mag-sabunutan si Kelly at Kisha" si Kisha 'yong isa sa mga alalay ni Kelly. "Oh ba't daw?" Tanong ko. "Agawan daw ng fafa." Sabi niya. Natawa naman ako. Napa-tingin ako kay Craed na naka-tingin din pala saakin. "Likod ka." Sabi niya. Nagtaka naman ako pero lumikod din. Inipon niya ang buhok ko at inipitan 'yon ng isang buo "San mo nakuha 'yang ipit?" Tanong ko. Na lilimutan ko minsan mag-dala ng ipit. Buti na lang at may ipit pala 'tong si Craed. "Binili ko dun sa shop kanina, here dalawa kasi binili ko." Sabay bigay saken ng isang pang scrunchie. Iniabot ko naman kay Maureen 'yon para couple tail kami. Wala namang naging reklamo si Craed nung ibinigay ko ang scrunchie. "Tara na sa viking?" Aya ni Maureen. Sabay naman kaming tumango ni Craed. Medyo mahaba ang pila buti na lang at medyo na una kami ng unti. Grabe talaga 'tong si Maureen na sa pila na lahat lahat kumakain pa rin. Buti hindi siya tumataba still sexy pa rin. "Want niyo?" alok niya sa'min ni Cread mabilis namang umiling si Craed ako naman ay tumikim ng Isa. "Masarap pala 'to." ani ko ng matikman ang kinakain niya, kaya naman pala sarap sarap itong si Maureen eh, masarap naman pala talaga. "Meron pa akong isa dito, gusto mo?" tanong niya sa'kin at tinuro ang bag niya. "Hindi busog pa ako, tumikim lang ako." paliwanag ko at tumango tumango naman ito bilang pag sang-ayon. "Sure ka ? Ikaw Cread ?" baling nito kay Cread Kaso umiling lang ulit ito. Medyo malapit na kami OMG scary! Feel ko nang lalamig ng bongga ang mga kamay ko Kaya naman hinipan ko kala mo na sa korea at malamig ang weather. "Don't be scared, hindi ka naman mamatay d'yan " bulong sa'kin ni Craed kaya medyo na pa iwas ako dahil sa gulat sapagkat naramdam ko yong hininga niya sa taenga ko. "Yieee!!!" kinikilig na sigaw ni niya, parang ewan talaga 'to. "Problema mo ?" naka-simangot na tanong ko kay Maureen pero ngumiti lang ito bago ako talikuran. "Kinakabahan ka pa rin ba?" mahinahong tanong sa'kin ni Craed na bakas ang pag-aalala. "H-hindi naman na." pumiyok na sagot ko kaya naman ngumiti ito at wala walang pasabi kinuha ang kamay ko hawakan. "Tara na guys!" sigaw ni Maureen, kaya naman hinila na ako papasok ni Craed sa loob habang hawak pa rin ang kamay ko. I feel safe pag siya talaga ang kasama ko. "Dito guys!" sigaw ni Maureen sa tuktok umupo para daw enjoy. "Gusto mo rin d'on?" tanong ni Craed at kasing bilis ni flash ang iling ko kaya naman ngumiti at parang tuwang tuwa sa reaction ko. "Sige sa gitna na lang tayo." Ani nito at inalalayan ako umakyat. "Salamat." maikling sagot ko dahil sa kaba at nang maka-upo ako agad akong humawak feel ko kasi parang mahuhulog ako ng Wala sa oras. "Relax, Tin." Ani nito at hinawakan ang kamay ko hindi na ako nag reklamo dahil sa sobrang kaba. Nag-uumpisa na itong umardar ng mabagal hanggang sa pa bilis ng pa bilis kaya naman na pahawak ako ng mahigpit sa kamay niya at pinikit ang mata ko. "Ahhhhh!!" sigaw ko habang pisil pisil ang kamay niya. "OMG!!" sigaw ko ulit at hindi nag-lakad ng loob na ibukas ang mga mata ko. "S-sorry," Ani ko ng maka-baba kami sa rides na yun. "Okay lang." Ani nito kahit kitang kita mo namang na namumula ang braso dahil sa kagagawan ko. "Awww very aww!" asar pa ni Maureen habang kumakain ulit. "Maureen naman." suway ko. "Sorry talaga Craed." sensirong Ani ko. "Ayos lang talaga, ano kain mo na tayo bago ulit umikot?" anyaya niya. Sa sobrang atat ni Maureen sa pag-sagot tumalsik ang pa ilang piraso ng kinakain n'ya. OMG! "Let's go!" sigaw niya, tumango naman ako at nag simula na kaming mag-lakad at mag-hanap ng makakain an. "Sa'kin burger with cheese ah!" excited na request ni Maureen kay ng maka-upo sa isang kainan parang mini fastfood ang dating.. "Ikaw Tin, ano sayo?" Baling si ni Craed para tanungin kong ano ang gusto ko. "Spaghetti tapos samahan mo na rin ng drinks." Ani ko at tumango naman ito at nag-tungo sa counter area para umorder ng makakain naming tatlo. "Enjoy diba?" masayang tanong ni Maureen at tumango naman ako at marahang ngumiti at ngumiti naman ito pabalik. Ngayon ko lang na pansin na may dimple pala itong si Maureen. "Sana all may ka date no?" asar nito kaya naman na pa kamot ako ng ulo. "Hidi naman 'to date ah." reklamo ko. "Kahit na parang date niyo kaya, yieee!" asar pa niya kaya napa-pout na lang ako kasi wala naman akong panalo sa babaeng yan. "Lakad ka raw ni Craed kay Lolo Leo ." Ani ko at na pa ubo naman siya Kaya na tawa ako. "OMG! na na-himik si Lolo Leo tapos dinadamay niyo." Ani ni Maureen. "Bakit ayaw mo? Halata kay Lolo Leo na gwapo ito ng kapanahunan niya." Ani ko tumango bago mag-salita. ", True gwapo naman talaga si Lolo Leo pero hindi kami talo the." "Why Naman ? Age is just a number ." Ani ko pa para asarin siya pero muka namang hindi ito na aasar. "I know, pero duh! Wala sa itsura ni Lolo Leo para juminggle pa." Ani nito at sabay kami na tawa sakto naman ang dating ni Craed dala ang tray na puno ng pag-kain. Wow yummy! "Foods!" Sigaw ni Maureen parang patay gutom ang gaga pero kakain niya lang naman. "Here," Ani ni Craed bago ilapag ang tray si Maureen naman agad na kinuha ang burger with cheese niya. "Thank you so much fafa Cread!" sigaw nito bago simulang lantakan ang burger niya. "Salamat ," Ani ko naman kay Craed at tumango naman ito bago umupo sa tabi ko kaya nag-react na naman ang kaibigan kong praning. "Yieee sana all po!" Ani nito ng puno ang binig. "Reto kita kay Leo , don't worry." Ani ni Craed, walang galang. "Sige lang kung d'yan ka masaya." sagot ni Mau. "Lolo Leo don't Leo Leo lang ang Lolo mo." sermon ko kay Craed . "Opo boss." Ani nito bago ngumiti. Hays ewan ko na lang talaga. Na natili kaming tahimik dahil abala ang bawat isa sa pag-kain ng bigla mag-salita si Maureen. "Bilisan niyo kumain ferris wheel tayo!" "Sige!" hindi naming inaasahan na mag-sabay kaming sumagot ni Craed kaya nag react na naman si Maureen. "Woww duet ang mag bebe!" asar niya pero hindi ko na lang pinansin para hindi na lumaki. Pag-katapos naming kumain sabay-sabay kaming nag-tungo sa ferris wheel at pumila. "So kayo ulit magka-tabi ako na naman alone." kunwaring malungkot na ani ni Mau. "Tawagan ko na ba si Lolo?" Ani ni Craed, at sa wakas may galang na rin siya sa sarili niyang Lolo. Good job Craed! Ilang minuto kaming naka-pila hanggang sa makapasok kami, katabi ni Maureen ang tahimik naming classmate na si Ella at syempre kami ni Craed ang mag-katabi. Ano pa nga ba diba? Na unang pumasok si Craed at inalalayan naman niya ako at isinara na nila ang pinto. Nang mapuno na ang lahat ng upuan ay nag-umpisa na itong paandarin. Na natili akong tahimik at pinag-mamasdan ng mabuti ang buong paligid mula sa itaas. Ang ganda. "Ang ganda no?" tanong ko Craed. "Oo ang ganda." lutang na sagot niya kaya ngumiti na lang ako at binalik ang tingin sa bintana para tignan ang mga tanawin ng bigla akong tawagin ni Craed. "Tin!" "Hmm?" Ani ko habang ang tingin ay sa labas. "Tin." tawag niya ulit pero ngayon ay maingat niyang hinawakan ang kamay ko kaya na pa tingin ako at makikita mo sa mga mata niya na para itong kinakabahan. Bakit ? Na kakatakot ba ako ? "Tin." pangatlong tawag niya sa'kin pero hanggang 'Tin' lang naman ito. "Ano kasi yun?" Ani ko bago pilit na ngumiti dahil na kaka-kaba ang mga tingin niya. "Oy!" gulat ko pa sa kan'ya. "Tin." tawag niya ulit. "OMG! Ano kasi yun--" he cut me off. "Can I court you ?" diretsyong sabi niya habang hawak ang kamay ko at titig na titig sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD