Ysabella
Mag aalas sais na ng gabi ng maisipan kung umuwi, bigla naman pumasok sa aking opisina si Rosie at sinabing may naghihintay sa akin sa labas. Nang lumabas ako ng boutique nakita ko ang isang puting kotse at agad naman akong sinalubong ng isang lalaki. Naka white polo ito na katulad na suot ng mga body guards ni Bright.
“Madam, tauhan po ako ni Mr. Fontanilla at inutusan niya po akong sunduin kayo.”
Napakunot ang aking noo, ngunit sumunod nalang din ako dito at sumakay sa kotse. Nadaanan namin ang mga matataas na gusali, minsan napapaisip din ako tuwing nakikita ko ang mga ito kung sino ba ang mga taong nasa likod ng malalaking building na ito. Then natulala ako ng marealize kung saan kami papunta, Isang napakataas na building at mas mataas pa sa El Zeraffin ang nasa tapat ko ngayun. The famous Grand Esmerald Tower na madalas sa balita ko lang napapanuod. Maraming mga guwardiya ang nakabantay sa entrance ngunit agad naman kaming nakapasok ng makita ng guwardiya ang sasakyan namin , dumeretso naman sa basement ang sasakyan.
“Nandito na po tayo Madam, just go directly po sa 40th floor.” Sabi ng driver.
Nagpasalamat ako dito at agad pumunta sa elevator na nasa basement ng building at pinindot ang 40th floor. Ng huminto ang elevator agad akung lumabas at isang pinto ang tumambad sa aking harapan. Tinignan ko ang buong pasilyo ngunit iisang pinto lamang ang nanduon.
Marahan akong kumatok ngunit ng walang sumagot binuksan ko na ito.
Isang magarang silid ang tumambad sa akin, sa b****a makikita ang magagarang sofa at may coffee table sa gitna, sa likuran nito na katapat ng pinto ay isang puting Wall na may nakalagay na Fontanilla Corporation, naglakad ako papasok sa loob at sa kabilang corner makikita ang halos salamin na pader. Matatanaw din ang halos buong siyudad kapag mula dito sa itaas, At sa bandang gitna ng silid nanduon ang opisina ng lalaking naghihintay sa kaniya walang iba kundi si Bright Fontanilla ang kaniyang asawa.
Mula sa pagkakayuko sa binabasa nito umangat ang tingin nito sa akin.
“ You’re here! Have a sit first” sabi nito at itinuro ang kaharap nitong sofa.
Tamango ako ngunit dumeretso ako sa gilid ng glass wall at tinignan ang malaking siyudad sa baba.
It’s so amazing. Makikita mo galing sa itaas ang mga maliliit na sasakyan sa ibaba at mga katabing building na may iba’t iba ang desinyo.
Naramdaman ko na may lumapit sa likuran ko at ng paglingon ko agad sumalubong sa akin ang matipunong katawan ni Bright. Subrang lapit na pala nito sa akin. Napaatras ako sa pagkagulat at muntikan ng matumba ngunit nasalo na naman ako ng mga braso nito.
“You are always testing my patience!” He murmured malapit sa tenga ko.
Halos nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan habang nakatingin ako sa mga mata nito na tila hinihigop ang sarili kong kamalayan.
“I-I was so fascinated by the view up here” mahinang sabi ko. A naughty smile planted in his lips at marahan akong binitawan.
"Welcome to Fontanilla Corporation" sabi ni Bright. Ngumiti naman ako at tumango dito.
“ Just wait for a while, I need to finish something” sabi nito at bumalik na ulit ito sa table nito.
Umupo ako sa katapat na upuan sa table nito. Nakita kong tambak ang mga papeles nito sa ibabaw ng lamesa. Para bang kahit maghapon kang nakaupo sa opisinang ito ay hindi padin matatapos ang trabaho.
Di ko namalayan na nakaidlip na pala ako sa sofa na kinauupuan ko. Naramdaman ko ang banayad na haplos sa aking mukha kaya ako nagising.
“Bright!” nagulat ako dahil sa pagdilat ko ang guwapong mukha nito ang namulatan ko.
“We’re leaving..” mahina nitong sabi.Agad akong tumayo at inayos ang aking sarili. Sabay kaming lumabas sa opisina nito at sumakay ulit sa elevator pababa ng building.
“ Opisina mu lang ang nasa floor na yun?” curious kung tanung.
“ Yes!” maikling sagot nito.
“I was so curious how’s the other floors look like!” pabulong kung sabi sa aking sarili ngunit umabot padin ito sa pandinig ng aking katabi.
“You can take a look, some other time” seryuso nitong sabi. Tahimik akong napatango ngunit sa loob loob ko talagang naeexcite ako sa ideyang makakapag ikot sa buong building ng Esmerald Grand Tower.
Agad kaming sumakay sa kotse nito pagdating sa basement.
Nanatili kaming walang imikan habang nagbabyahe ng bigla akong magtaka na hindi ito ang way pauwi sa aming bahay.
“ Wait!..this is not the way to my home!” nagtataka kung tanung at tinignan ang dinadaanan namin.
“We’re not going there..!” sabi nito at lumingon sa akin.
“ We’re going to our home” dugtong nito.
Kinabahan ako bigla sa realization na magsasama na kami sa iisang bubong. Kasal na pala kami at natural lang sa mag asawa na tumira sa iisang bahay.
Natahimik ako lalo habang nasa biyahe. Andaming tumatakbo sa isipan ko sa mga pwedeng mangyari. Napabuntunghininga ako.
“Are you afraid of me!?” napalingon ako bigla kay Bright dahil sa tanung nito.
“Should I?” balik kung tanung dito.
A mischievous smile shows in his lips. Ngunit hindi na ito nagsalita ulit.
Akala ko sa Villa Esmeralda ako nito dadalhin ngunit hindi pamilyar sa akin ang lugar na pinuntahan namin ngayun, at tila isang subdivision ang aming pinasukan. Tumigil ang sasakyan sa isang modern style two story house at agad namang binuksan ng guwardiya ang gate nito.
Namangha ako sa ganda ng bahay. Hindi man ito kasing laki ng Villa, ngunit kung para sa dalawang tao subrang luwang na nito.
Bumaba kami ng sasakyan at sumunod ako kay Bright papasok sa bahay nito.
“Is this also your house?” tanung ko dito habang nakatingin sa paligid.
“ Yes “ sabi nito at pumasok sa loob ng bahay.
Kung sa labas ay nakakamangha na, mas lalo pa sa loob ,tila pinasadya ang pag gawa ng bawat sulok ng bahay.
Maluwang ang living room nito na may magagarang sofa. Nasa gilid na bahagi ang hagdan paakyat sa second floor. May mga paintings din na nakasabit dirty white na kulay ng dingding at iilan lamang ang appliances sa sala.
“Starting today, you will be living here with me!” agad nahinto ang pagmamasid ko sa buong paligid at tumingin dito.
“and…how about my things..?” Naisip ko wala pala akong dalang damit man lang.
“It’s uptairs” sagot nito, napakunot naman ang noo ko.
“Tayo lang ba dalawa ang nandito?” I asked.
“ May caretaker dito na naglilinis at maghahanda ng pagkain ngunit sa gabi, umuuwi sila” sabi nito at pagkaraan tumalikod ito at naglakad papuntang kusina.
Ang gara din ng dining set na may anim na upuan, merong counter na naghahati sa dining area at sa cooking area. At napansin kong halos black and white ang kulay ng pader at ang kulay ng mga furnitures. Talagang masasabi mung lalaki ang nakatira.
“Let’s eat first” sabi nito.
Biglang kumalam ang aking sikmura pagkarinig ko ng pagkain.
Binuksan nito ang cabinet upang kumuha ng mga plato. Agad naman akong lumapit dito at kinuha ang mga plato at dinala sa lamesa. May mga nailuto ng pagkain ang caretaker kaya agad ko itong sinandok at inihain.
Pagkatapos naming kumain, sinabi ni Bright na may tatapusin pa itong trabaho.
“You can go upstairs first second door at the corner, I need to finish something” sabi nito. Tumango ako at agad na umakyat.
Pumasok ako sa bandang dulong silid. I was amazed dahil sa laki ng kuwarto , agad kung napansin ang ilang maleta na pamilyar sa akin, mga gamit ko nga ito.
“sinu naman kaya nagdala ng gamit ko dito?” I murmured habang tinitignan ko ang laman ng maleta.
Naisipan kong maligo, kaya naghanap ako ng damit na pwede kong masuot.
Nang pumasok ako sa comfort room, namangha din ako, parang nasa five star hotel na mga banyo, parang ikaw nalang ang mahihiyang magkalat sa loob. Napansin kong may mga bagong toiletries, toothbrush,shampoo at sabon. Tila ba halatang pinaghandaan talaga nito ang paglipat ko dito. Pano nalang kaya kung hindi ako pumayag sa kasal.
Masyadong maraming naganap ngayung araw at sa isang iglap ay kasal na ako at meron nang asawa.
I feel freshen up pagkatapos kong maligo. Nakapagbihis nadin ako bago lumabas ng banyo.
I was drying my hair sa harap ng salamin ng bumukas ang pinto ng kuwarto. Napaawang ang bibig ko pagkakita ko kay Bright. Are we sleeping in the same room?
He untied his necktie and loosen some buttons of his long sleeve.
“Wait..are we.. sleeping here together?” tanung ko tila nagpapanick ang isip ko ng marealize ang sitwasyun.
“ Aren’t married people sleeping together?” he also asked ng lumingon ito sa akin.
Napatingin ako sa kama ..malaki naman ito. Ngunit bakit bigla akong kinabahan dahil sa isiping magkatabi kaming matutulog.
“I thought you are not afraid of me..” sabi nito, nakalapit na pala ito sa tabi ko , I was stunned as he move his body closer to mine. “ And besides this is supposed to be our first night..!” he said softly in my ears.
Napaatras ako bigla at mabilis na naglakad at naupo sa kama.
“Ah..Oo ..okey lang! Okey lang!..ahm.. I can sleep on this side..and you can sleep on the other side”.. natataranta kong sabi dito.
“ You..- you can wash now, I’ll sleep first!” agad akong humiga at hindi na tumingin pa kay Bright. Grabi sa bilis ang t***k ng puso ko..hindi ko malaman kung saan ako kinakabahan, sa ideyang magkatabi kami matulog ni Bright or sa pwedeng mangyari sa amin ni Bright. “Lord! anu ba tong pinasok ko” daing ng isip ko.
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo ,marahil ay pumasok na ito sa loob. After a while lumabas din ito so I pretend to be sleeping. At naramdaman ko ang paglundo ng kama sa kabilang side.
“I’ll be leaving tomorrow, I need to take her Back to US” narinig kong sabi nito.
Biglang bumalik sa kamalayan ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayun, Si Mommy Vanessa. Napabalikwas ako ng bangon at umupo, tumingin ako kay Bright na nakahiga sa tabi ko at bahagyang nakapikit.
“Will she going to be fine, after the surgery?” Nag aalala kung tanung.
“ We’re hoping for the positive result” Nakapikit padin ito ng sumagot.
“How long..you’ll be away?” I asked him.
“.. maybe a week or two, I will asked Manang Linda to stay here with you” sabi nito.
Hindi na ulit ako nagsalita at napatitig lamang sa mukha nito. Ang lalaking ni sa panaginip ay hindi ko maabot ngunit ngayon nandito sa tabi ko. Hindi man nito pinaparamdam ngunit alam ko na nahihirapan din ito dahil sa sitwasyun ng ina nito at nalulungkot ako para dito dahil mag isa lang nitong hinaharap ang mga problema nito.
Habang nakatingin ako sa mukha ni Bright bigla itong dumilat at sinalubong ang aking mga mata. Marahan nitong hinila ang braso ko at napahiga ako sa braso nito.
“Let’s sleep!” he said as he wrap his arms around me.
I can feel his body next to mine and the smell of the soap he used. But my whole body seems to relaxed and feel security as my eyes closed to sleep.