Chapter 12- We meet again

1416 Words
Ysabella Kasalukuyang nasa US si Bright at si Mommy Vanessa para sa operasyun ng huli dalawang araw na ang nakakalipas pagkatapus ng aming kasal at nandito ako ngayun sa El Zeraffin para sa final stage ng Designer’s Event. Maaga ding nagsidatingan ang ibang mga designers na nakasabay ko sa orientation, ngumiti si Layla sa akin ng magtama ang aming mga mata, it seems that she is a nice person. Dumating nadin si Sandy ang event coordinator at ang Executive Designer ng El Zeraffin na si Ms. Carpio. “ Welcome every one.. and today we are here for the final stage of the competition, we hope that you will put all your talents and hearts to your designs today” nakangiting sabi ni Sandy. “So for your final piece, you will be making designs for this coming summer season and two for each category, the formal, casual and beach outfit for Men and Women…. and for the winner we will include your designs to our upcoming Summer Special Fashion Show and a chance to collaborate with El Zeraffin .…so good luck and we will give you until 12nn to finish your designs” paliwanag ni Sandy. May dala kaming kanya kanyang tools kaya agad kaming nagsimula…I have already some designs in my mind at iyon ang sinimulan kung gawin.Pagkatapos kung magdesign para sa pambabaeng damit bigla akong natigilan dahil mostly sa mga gawa ko ay para sa mga babae lamang at napapikit ako at matamang nag iisip ng biglang pumasok sa isipan niya si Bright, I imagine him wearing a summer clothes at tila nagkusang gumalaw ang kamay ko dahil naiimagine ko ang nababagay na damit para kay Bright. A summer see through polo shirt na kulay white na may burdang maliliit na araw at kapartner sa ginawa kung see through na off shoulder long dress para sa babae, sa bawat pag guhit ko para sa lalaking designs ay halos si Bright ang pumapasok sa isip ko tila ito isang buhay na modelo sa aking isipan. Napabuntunghininga ako at isang tanung ang biglang sumagi sa aking isipan. Namimiss ko ba siya..? Ipinilig ko ang aking ulo para iwaksi ito sa isip ko. One hour before twelve noon ay tapus na ako sa aking designs, inilagay ko ito sa dala kung folder at iniabot kay Sandy. Sinigurado kung may signature ko lahat ng aking mga gawa.Halos sabay lang din kaming nagpasa ni Lyla. Nang matapus na ang lahat muling nagsalita si Sandy. “Good Job ladies, halos magagandang lahat ang inyong mga designs., but the final judgement will be on the CEO of El Zerrafin, I will give your works today to him together with the one you made before so for now you can rest, if you are the lucky one to be choosen by our CEO we will call you tomorrow so please make your phone reachable and Goodluck..!!” pagkatapos magsalita ni Sandy nagsilabasan na kami ng silid na iyon. Naglalakad na ako palabas ng building ng biglang sumabay sa paglalakad ko si Lyla. “Hey..uhmm.. I just wanna ask if you don’t mind eating lunch together?” tila nahihiya nitong tanung. Huminto ako sa paglalakad at tumingin dito. “Sure..!” nakangiting sabi ko . Tila lumiwanag naman ang mukha nito at sabay kaming lumabas ng building. Isang kilalang restaurant malapit sa El Zerrafin ang pinuntahan namin. Agad kaming umorder ng pagkain pagkalapit ng waiter. “So how long have you been a designer?” tanung ni Lyla. “I just graduated two years ago..so hindi pa ganun kalawak ang experience ko.” Sagot ko dito. “It was always my dream to be part of El Zerrafin and I was so happy nung malaman ko ang tungkol sa event nila, and I’m hoping na makapasok ako this time.” May lungkot sa mukha nito habang nagsasalita. “This time?.. you mean may ganito na silang event dati?” nagtataka kung tanung. “Yeah.. I guess this is the second time nilang gawin ito…since nag take over ang anak ng dating CEO., base sa mga narinig ko sa ibang bansa nakapagtapos ang bagong CEO at simula ng mag take over ito.. naghahanap na ito ng bagong designer sa kumpanya nila.” Napatango tango ako dahil sa mga sinabi nito. “It seems masyado kang updated sa El Zeraffin” nakangiti kong sabi. Napabuntinghininga ito. “Dati akong nagtatrabaho sa isang magazine company so.. iba’t ibang mga balita ang nasasagap ko araw-araw..malaking scoop pag tungkol sa El Zeraffin ang laman ng magazine namin.” Pagkukwento nito. Natigil lang ang pag uusap namin ng dumating ang aming pagkain. “So sad lang at hindi namin magawang interviewhin ang bagong CEO ng El Zerrafin , simula ng pumalit ito as CEO hindi pa ito nagpaunlak magpainterview sa media.” Patuloy nito sa pagkukwento habang kumakain. “I see…baka sadyang mailap lang ito sa media.” Sabi ko. Nagkibit ito ng balikat bilang pag sang ayun sa sinabi ko. Pagkatapos naming kumain agad na akong nagpaalam dito. Naglakad lakad muna ako malapit sa vicinity ng El Zerrafin dahil may malapit na mall dito at magagandang boutique. Pumasok ako sa mall at nabighani sa isang malaking fountain na nasa gitnang bahagi nito. Saglit akung lumapit doon at tinignan ang umaagos na tubig mula sa taas ng fountain. Tatalikod na sana ako para umalis ng bigla akong matigilan dahil sa lalaking nakatayo sa likuran ko. Nakalagay ang mga kamay nito sa bulsa ng pants nito at nakatingin sa akin. Hindi parin nagbabago ang guwapong mukha nito at mas lalo pang tumangkad at naging matipuno ang pangangatawan. Para akong nafreeze sa kinatatayuan ko habang nakatingin dito. Sari saring tanung ang gumugulo sa isipan ko ngunit walang salitang lumalabas sa labi ko. Napahawak ako ng mahigpit sa sling ng aking shoulder bag . “Lance….?!!” Ang tanging salitang nasabi ko. “It’s…you..! I know it’s you..!”seryuso ngunit may halong pananabik sa mukhang sabi nito. Lalapit sana ito ngunit bahagya akong napaatras. “A- anung ginagawa mu dito..?” naramdaman ko ang malakas na kabog ng aking dibdib habang kaharap ito. “I’ve been looking for you Ella…!” sabi nito at halatang gusto nitong lumapit sa akin. “It’s been five years at marami ng nagbago Lance, matagal na akong nakalimot at masaya na ako sa buhay ko ngayun.” Seryuso ang mukha ko habang nakatingin dito. Pinipilit kung magpakatatag kahit ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko. “But I never forgotten you Ella..! ni minsan hindi ka nawala sa isipan ko.” mababakas sa mukha nito na tila nahihirapan ito. “Can we talk.. somewhere else..!” tanung nito. “No..! you already saw me, I already saw you and I think we’re both fine so there’s no need for us to talk.” Sabi ko dito at nagdesisyun na akong umalis. Ngunit pinigilan ni Lance ang braso ko.Kaya napatigil ako sa akmang pag alis. “Ella.. please…we need to talk.!” Sabi nito. Ngunit maya-maya tumunog ang cellphone nito. Agad nitong tinignan ang caller nito. The name “Eunice” appeared in his screen pero hindi nito sinasagot ang tawag at agad binalik ang cellphone nito sa bulsa. “You should go… Lance…! It’s better na this is the last time na magkita tayo, I feel better now dahil alam kung you’re fine naman na, we should go forward sa mga buhay natin and forget about the past.” Sabi ko dito at nagsimula na akong maglakad. “No Ella..! I will make sure na hindi ito ang huli nating pagkikita.” Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nito. Hindi na ako lumingon dito at napabuntunghininga nalang ako bago tuluyang umalis sa mall na iyon. Sakay na ako sa isang taxi at nagpahatid sa boutique. Deretsong pumasok ako sa aking opisina at agad ibinagsak ang aking katawan sa upuan. Of all people, bakit si Lance pa talaga ang makikita ko sa lugar na iyon. At ano ang ibig nitong sabihin na He will make sure na hindi iyon ang huli naming pagkikita. Napahawak ako sa aking sentido dahil sa isiping iyon. It seems sila padin ni Eunice. Kasal na kaya sila? Hayss hindi ko na dapat iniisip ang tungkol sa kanila. Napasandal ako sa aking swivel chair at napapikit. Hindi na dapat tayo nagkita Lance… tila bumabalik lahat sa aking alaala ang masakit na nakaraan na pilit kung kinakalimutan at sa muli naming pagkikita ni Lance nabuhay lahat ng sakit sa aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD