Chapter 13 - The Spoiled Brats

1510 Words
Kinabukasan halos hindi mapakali si Rosie habang naghihintay kami ng tawag mula sa El Zerrafin. Halos buong araw yata itong hindi pabalik balik sa silid ko at panay ang tanung sa akin kung may tumawag na. “Rosie…can you please relaxed.. ako yung naeestressed sayo ei” sabi ko dito. “Friend… eto na talaga yung hinihintay natin ei.. sana naman tumawag na sila.” Tumayo ito at naglakad pabalik balik sa loob ng office ko. Mag aalas kuwatro na ng hapon ngunit wala padin akong natatanggap na tawag Marahil ay hindi ako napili sa final stage kahapon. Kisa mag isip pinili ko nalang abalahin ang sarili ko sa trabaho. Naging abala nadin si Rosie dahil sunod sunod kasi ang mga customer na dumating kaya bahagya namin nakalimutan ang inaasam na tawag. Bago mag alas singko ng hapon nag liligpit na ako ng mga gamit ko at nagpasyang umuwi ng tumunog ang aking cellphone, unregistered number ang tumatawag. Tinanggap ko ang tawag na yun. “Hello..” “Good afternoon, is this Ysabella Santillan?” magalang na sabi ng babae sa kabilang line. “Yes, speaking..” “Ms. Santillan, I am Jessica , In behalf of El Zeraffin Corporation I would like to congratulate you.. because you are selected to be part of El Zeraffin….-” Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng kausap ko sa kabilang line dahil sa sayang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang tili na gustong kumawala. “Ms. Santillan.. you will start reporting here at El Zeraffin on Monday.” Sabi ni Jessica sa kabilang line “Okey Ms. Jessica, Thank you for calling and I’ll be there on Monday.” Masayang sabi ko. Bago tuluyan nitong ibinaba ang telepono. Maya-maya ay pumasok ulit si Rosie at nagtatanung ang mga tingin nito. “They called….” Sabi ko dito. Agad nanlaki ang mga mata nito at mabilis na lumapit sa akin. “Is that true…? Makakapasok ka na sa El Zeraffin!?” hindi padin ito makapaniwala. Nakangiti lang akong tumango dito. “I’m so happy for you friend ..” sabi nito at agad akong niyakap. “At dahil jan.. magpapakain ka today.., nagutom ako sa kakaisip jan sa tawag na yan..” reklamo nito. Natatawa nalang ako sa reaksyon nito at niligpit ko na ang aking mga gamit at agad kaming umalis para kumain sa labas. Pumasok kami sa isang Fine Dining Restaurant at dahil saktong dinner time na din maraming ang kanilang customer at halos mapuno na ang mga table ng restaurant..mabilis naman kaming nakapag order at habang kumakain masaya kaming nag uusap ni Rosie. Nang may tatlong babae ang biglang lumapit sa table namin. “We’ve already made a reservation but it seems may mga nang aagaw ng table natin.” Nakahalukipkip ang kamay ng isa sa mga babae habang nakatingin sa amin. Nagkatinginan kami ni Rosie. “ Sorry, Miss.. pero kami ba ang kinakausap niyo?” paninigurado kong tanung sa mga ito. “Who else… kayo lang naman ang nang aagaw sa table namin.” Mataray na sabi ng isa. “Excuse me..! hindi kami nang aagaw ng table.. the staff lead us here so it means hindi naka reserve itong table.”Napipikon nading sabi ni Rosie. Maya maya may dumating pang isang babaeng tila pamilyar ang mukha sa akin. Halata ang karangyaan sa suot nitong damit. “What’s happening here..?” tanung nito ng makalapit sa table namin. “Can’t you see.. they took our table!” “You know what ladies.. hindi namin alam ang binibintang niyo, you can ask the staff if you have concerns..,and besides nauna na kaming nakakuha nitong table” paliwanag ko sa kanila. “We are a regular customer here, and we only preferred to eat here in this spot...and it seems you are not aware kung sino ang kausap niyo..” sabi ng babaeng mukhang maldita sa kanilang apat. “..and look at your selves.. you are not even fit in this place” sabi pa ng isa with rolling eyes. At nagtawanan silang apat. Nagkatinginan lalo kami ni Rosie at sabay napatingin sa mga suot namin. Maayos naman ang suot namin ah..how can she say na hindi kami bagay sa ganitong lugar. Dahil sa ingay ng apat na babae.. nakuha na namin ang atensyun ng ibang kumakain at agad lumapit sa table namin ang tila Manager nitong restaurant. “Ms. Suarez… sorry for our mistakes.. Our guest here already had the table when we received your call and my apology our staff didn’t know na may guest na kaming nakaupo sa table nyo.” “So what are you going to do now..? should we leave then… but I’ll make sure we will never return here anymore..!” sabi ng huling babaeng pumasok na parang tinatakot ang manager. Napataas ang kilay ni Rosie dahil sa sinabi ng babae tila gusto nitong mangyari na sila ang umalis. “Sorry pero hindi kami aalis hanggat hindi pa kami tapus kumain, and if you want you can wait” naiiritang sabi ni Rosie. “So.. If you don’t want to leave .. maybe this will help you change your mind..” sabi ng isang babae na kinuha ang baso ng juice ko at ibinuhos sa lamesa.. agad naman akong napatayo dahil natapunan ng juice ang damit ko. “abat napaka salbahi niyo ah..!” tumayo nadin si Rosie at halatang susugod na din sa apat na babae. Ngunit pinigilan ko nalang siya. “Okey.. we will leave.. but I’ll make sure that we are even..” sabi ko sa kanila at kinuha ko din ang baso ng juice ni Rosie at itinapon ang laman sa kanilang apat. Nagulat pa ang mga ito sa ginawa ko at hindi agad nakapag react at agad akung naglakad palabas kasunod si Rosie. Papalabas na kami ng restaurant ng marinig ko ang tilian ng mga ito. Humingi naman ng pasensya ang manager at hindi na kami pinagbayad sa inorder namin. “Akala mo kung sinung mayayaman, ang sasama naman ng ugali..!” Halata padin ang inis ni Rosie kahit nasa labas na kami ng Restaurant. “Hayaan mu na hindi din naman natin maeenjoy ang pagkain kung nanduon sila. " sabi ko. “Hayaan…! tignan mo ang ginawa nila sayo Ella! May araw din ang mga yan sa susunod na makita ko sila…kaya deserve nila yung ginawa mo..” nag thumbs up pa ito sa akin na ikinangiti ko. “Sino kaya yung nga babaeng iyon, halatang mga spoiled brat ei.” Napapaisip na tanung ni Rosie. “Iwasan mo nalang yung mga ganun, alam mo naman mga mayayaman maraming galamay baka kung ano pang gawin sayo.” Paalala ko dito. Mayamaya dumating nadin ang sundo ko. Bumaba ng sasakyan si Billy at agad pinagbuksan ako ng pinto. Ngunit napansin din nito ang basa sa damit ko. “Ella, kilan ka pa nagkaroon ng personal driver?” siko ni Rosie sa akin. “Recently lang..” nakangiti kung sabi. “Hmm, mukhang may hindi ako nalalaman ah..!” nagdududang tanung nito. “Hayss.. sumakay ka na nga lang din, ibababa ka nalang namin sa sakayan ng bus” sabi ko dito. “Good idea..!” sabi nito at agad pumasok sa sasakyan ng makapasok na ako. “Mukhang regular customer nga sila doon, dahil kahit ang manager hindi sila magawang pigilan.” Himutok padin nito habang nagbabyahe sila. Sadyang mahirap kalimutan ang nangyari kanina. “ Mukhang pamilyar sa akin yung huling babaeng pumasok.. ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita” mahina kung sabi habang nag iisip kung saan ko nga ba nakita ang babaeng iyon. “Hay nako..! wag mo nalang pag kaabalahang isipin yung mga yun.. much better makapag beauty sleep ka at paghandaan mu ang pagpasok mu sa El Zeraffin.” Nakangiti nitong sabi. “Tama ka Rosie..! kailangan ko ngang paghandaan ang pagpasok ko sa El Zeraffin..” sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Mabilis kaming nakarating sa bus stop ,agad bumaba si Rosie at nagpaalam. Mag aalas otso na ng gabi ng makarating kami sa bahay namin ni Bright.. hanggang ngayun naninibago parin ako tuwing uuwi ako dito. Nakangiti naman akong sinalubong ni Manang Linda na agad napansin ang nangyari sa damit ko. “Ma’am Ella ano pong nangyari sa damit niyo?” nag aalalang tanung nito. “Wala po ito manang..natapunan lang ng juice kanina..”nakangiting sabi ko para hindi na ito mag alala pa. “Ganun ba… kumain ka na ba, meron akong niluto ..baka nagugutom ka na.” sabi pa nito. Agad naman kumulo ang tiyan ko dahil hindi naman ako nakakain ng maayos kanina. “Magpalit ka na muna ng damit bago kumain” dugtong nito at agad tumungo sa kusina. Nakangiti naman akong tumango at umakyat para magbihis. Pagkatapos ng hapunan nakaupo ako sa Veranda sa labas ng kuwarto namin ni Bright.. Ilang araw na itong wala..ngunit wala padin akong balita dito. Nag aalala nadin ako sa kalagayan ni Mommy Vanessa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD