Chapter 9- Now we are Married

1528 Words
Kinabukasan maagang nagising si Ella, halos apat na oras lamang ang kaniyang tulog dahil sa dami ng iniisip niya kagabi at pinilit pa niyang tapusin ang mga designs niya. Alas dos pa ng hapon ang orientation niya sa El Zeraffin at naisipan niyang muling dumalaw kay Tita Vanessa sa hospital. Nasalubong niya sa sala ng bahay nila ang mama niya. Yssabella “Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Nag aalalang tanung ni Mama. Naekuwento ko na sa aking ina ang mga nangyari kagabi. “Pinag isipan ko pong mabuti ang naging desisyun ko Ma, huwag po kayong mag alala, kaya ko po ang sarili ko” nakangiti kung sabi sa kaniya. Niyakap ako ni Mama tanda ng pagsuporta nito sa desisyun ko. “Mag iingat ka anak” paalala nito sa akin. Bago tuluyan akong lumabas ng bahay. Bumili ako ng isang bouquet ng bulaklak at prutas para kay Tita Vanessa. Pagdating ko sa silid nito sa Hospital agad binuksan ng body guard ang pinto. Napatingin muna ako sa kanila bago pumasok. “Hindi pa po ba kayo nakapagpahinga simula kagabi?” takang tanung ko sa kanila. “Nakapagpahinga naman ma'am, may pumalit sa amin kagabi, ngayung umaga lang kami bumalik ulit dito”Paliwanag ng isa. “Mabuti naman po kung ganun” nginitian ko sila at nagpasyang pumasok na sa loob. Mag isa lang si Tita Vanessa sa loob at natutulog pa ito ng datnan ko.Agad kung pinatong ang bulaklak sa gilid ng lamesa na katabi ng higaan nito. Naramdaman nito marahil na may ibang tao sa loob kaya nagising ito. “Iha, ikaw pala” malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa akin. “kamusta na po ang pakiramdam niyu Tita? Nakatulog po ba kayo ng maayos?” tanung ko sa kaniya habang hawak ang isang palad nito. “I’m fine, kakaalis lang din ni Hanssen at may inasikaso lamang siya” sabi nito. Naisip ko ang sinabi ni Bright kagabi na kailangan nitong bumalik sa US at ituloy ang surgery nito. “Tita, pinag isipan ko pong mabuti ang sinabi niyo kagabi at-…” huminto ako sa pagsasalita ,humugot muna ako ng malalim na hininga bago magpatuloy tumingin ako sa mga mata nito at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay. “Tita.. pumapayag na po ako sa Kasal” seryusong sabi ko dito. Halatang natuwa ito sa desisyon ko dahil agad pumatak ang mga luha nito saya. “You make me very happy Iha! Thank you so much” sabi nito at agad niya akong niyakap. “So please stay strong Tita, you should go back to US , I will wait for you here,sasamahan po kita lagi pag gusto niyo pong magpasalon or mag shopping…” naiiyak kong sabi dito. Tumango tango ito bilang pag sang ayon. Marahil hinihintay lamang nito ang pagpayag ko bago din ito pumayag na bumalik sa ibang bansa. “I want you and Hanssen to get married before I go back Iha, Is it okey with you if we will do the marriage ceremony today?” nakangiti nitong tanung. “Today!! Tita!?” napatayo ako sa pagkakaupo dahil sa pagkagulat. Bahagya itong napatango. “But I’m not prepared po Tita! “ bigla akong nataranta at napatingin ako sa damit ko at nababahalang napatingin dito hindi bagay ang aking damit kung ngayun gaganapin ang kasal. “Don’t worry Iha, just relaxed and we will do the rest!” may kakaibang ngiti sa mga labi nito habang nagsasalita. Napasandal nalang ako ulit sa aking upuan at tila wala na talaga akong kawala sa sitwasyun. Di nagtagal ay dumating ang Doctor at sinabi nito na maaari ng lumabas si Tita Vanessa.Nakapagbihis nadin ito ng damit at isinakay siya sa wheelchair habang pababa kami ng Basement ng hospital, dala din ng dalawang bodyguard ang mga gamit ni Tita Vanessa. Agad naman dumating ang kotse na laging gamit ni Tita Vanessa para sunduin kami, dalawa lang kami ang sumakay sa kotse ,sa kasunod naman na sasakyang ang dalawang body guard. “San po tayo pupunta Tita?” may kaba sa dibdib ko habang nagtatanung. Kasalukuyan na kaming bumabyahe at hindi ko alam kung saan kami tutungo. “You will see Iha” nakangiti nitong sabi at hawak nito ang kamay ko na lalo yatang nanlalamig dahil sa aircon. Halos isang oras din ang byahe namin ng huminto ang sasakyan sa isang Villa. Pumasok ang aming sasakyan sa isang mataas na puting gate. Napansin ko ang malawak ng hardin at may fountain sa harap ng mismong bahay. Pagkababa namin ng sasakyan nakatayo na si Tita Vanessa at tila muling nanumbalik ang lakas nito. Ngunit minabuti kung alalayan siya habang naglalakad. “Ang ganda po dito!” humahangang sabi ko habang umiikot ang tingin ko sa buong paligid. “Welcome to Villa Esmeralda Ysabella ,natutuwa ako at naisama nadin kita dito” masayang sabi nito . “ Dito po kayo ni Bright nakatira Tita?” tila isang panaginip ang ganitong klaseng bahay.Tumango lang ito sa akin habang nakangiti. Mayamaya ay may dumating na mga katulong at isinama ako sa isang silid. Agad akong pinaupo sa harap ng salamin at naghihintay doon ang isang make up artist na agad akong inayusan ng buhok , at kaunting make up. Nakalugay lang ang lagpas balikat kung buhok at nilagyan ng waves sa magkabilang gilid, may ibinigay din itong puting damit na susuotin ko. Simple lang ang design nito at hapit sa aking katawan. Mayamaya pumasok na sa silid ko si Tita Vanessa. Nakabihis na din ito. Nakangiti itong lumapit sa akin at niyakap ako. “ You are so pretty Iha, your father’s must be so proud of you!” nakangiti nitong sabi. “ Thank you Tita-…” “Mommy Iha, from now on you should call me mommy! Is that okey with you?.. tanung nito. “Yes po…..mommy!” tila nahihiya ko pang sabi. Matamis naman itong ngumitinsa akin. “Let’s go..” kinuha nito ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa likurang bahagi ng Villa. Napahanga lalo ako sa malawak na hardin sa likod ng villa. Nagulat din ako dahil sa magandang set up na pagdadausan ng aming kasal. Talagang pinaghandito..Marahil ito ang sinasabi ni Tita Vanessa niya na inaasikaso ni Bright kanina. Mayroong tent na nababalutan ng puting tela sa harapan at naghihintay doon ang judge na magkakasal sa amin ni Bright,sa gilid ay may mga puting bulaklak na nakahanay papunta sa harap at mayroong iilang upuan din na nababalot sa purple na tela at labis akong nagulat ng makita ang mama ko na nanduon kasama din nito si Tito Emman. Nandoon din ang ilang body guards at mga katulong ng Villa. Tanging sila sila lamang ang nakakaalam ng kasalang nagaganap ngayun sa loob ng Villa. Lumapit sa akin sina Mama at si Tito Emman. Parehas ko naman silang niyakap. “Ma, you know all this?” tila nagtatampo kong tanung dito, dahil wala man lang itong nabanggit sa akin kanina. Napangiti lamang ito at tumango. Naglakad kami ni Mama at Tito Emman papunta sa harap ng altar, may hawak nadin akong puting bouquet ng bulaklak.Napatingin ako sa lalaking naghihintay sa akin sa harap naka puting suit ito daig pa nito ang ilang artista na napapanuod niya sa mga pilikula dahil sa taglay nitong kaguwapuhan, at matipunong pangangatawan. Sinu nga ba ang mag aakala na ang isang ordinaryong babaeng tulad ko ay ikakasal kay Bright Hanssen Fontanilla na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan at tinitingala ng mga bigating negosyante. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami kay Bright, nakatingin din ito sa akin habang naglalakad ako. Ngunit hindi ko mabasa ang emosyon sa mukha nito. Nananatili lamang itong nakatitig sa bawat paglakad ko palapit dito. Nang makalapit kaminsa kaniya Ibinigay ng mama ko ang aking kamay Kay Bright at agad naman itong inabot ni Bright at saglit na yumakap kay Mama at kay Tito Emman. Yumakap din ako kay Tita Vanessa na nasa tabi na ngayun ni Bright. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil nito sa kamay ko na tila nanlalamig ng mga sandaling iyon Habang sinisimulan ng judge ang aming kasal. Nang mga sandaling iyon marami pading katanungan sa aking isipan ngunit pinilit kung ibigay ang buong atensyun sa nangyayaring kasalan ngayun at sa lalaking magiging asawa ko. “By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife!” sabi ng judge, narinig kong nagpalakpakan ang mga dumalo sa kasal namin. “ You may now Kiss the Bride!” bumalik ang atensyun ko sa judge na nasa harap namin ng marinig ko ang sinabi nito. Biglang bumilis lalo ang kabog ng dibdib ko habang nakatayo ako na kaharap ni Bright. Hindi ako makatingin sa mga mata niya ,naramdaman ko na iniangat nito ang mukha ko para magsalubong ang tingin namin.. at sa isang iglap naramdaman ko ang mga labi nito sa labi ko. Naramdaman marahil nito na tila nawalan ako ng balanse kaya agad nito sinupurtahan ang likuran ko habang hawak niya ang beywang ko, napahawak naman ako sa mga braso nito. Masayang palakpakan ang sumalubong sa amin ng humiwalay ang mga labi namin ni Bright at masaya kaming nakatingin sa mga taong mahalaga sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD