I was shocked ng marinig ko ang pabor na sinasabi ni Tita Vanessa.
“Tita n-nvagbibiro po ba kayo?” Alanganin ang ngiti ko sa kaniya habang nagtatanung.
“No Iha, this is my only wish before I left, gusto kong makita na nasa maayos kayung kalagayan ng anak ko” seryoso nitong sabi.
“ Pero Tita, paano po kung hindi kami magkasundo ni Bright? Paano po kung –“
“ Pumayag na ang anak ko na magpakasal kayo!” sabi nito ng putulin nito ang aking pagsasalita.
What!?.. pumayag si Bright Fontanilla na magpakasal sa akin? Napailing ako sa aking iniisip, hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Magsasalita sana ako ulit ng biglang bumukas ang pinto ng silid at humahangos na pumasok si Bright.
“Ma, I heard what happened, Are you Okey!?” mababakas sa guwapong mukha nito ang pag aalala para sa ina.
Ngumiti lamang si Tita Vanessa at tumango.
“I thought na nasa Cebu ka ngayun?” Tila nagtatakang sabi ni Tita Vanessa.
“ Yes, I am.. but as soon as I heard that you were rushed to the hospital, I immediately took a flight, pabalik dito.” Paliwanag nito at napatangin sa gawi ko.
“ Thank you for taking care of her!” sabi ni Bright sa akin at napatingin ito sa relo nito.
“ It’s already late, you should go home and rest” mababakas ang tila pag aalala sa boses nito.
Napalingon ako kay Tita Vanessa nag aalala padin ako sa kalagayan nito.
“I’m fine here Iha, nandito ang mga nurse and doctors they will take care of me, It’s time for me to sleep too and Hanssen it’s already late, ihatid mu na si Ella sa kanila.” Malambing ang pagkakangiti nito kay Bright kaya marahil wala itong nagawa kundi sumunod sa ina.
Napatingin muna si Bright sa akin napayuko naman ako dahil hindi ko alam kung anung sasabihin ko. Napansin kong humalik ito sa noo ng ina.
“ You take a rest ma, I’ll be back soon” sabi nito at nauna nang naglakad palabas.
Humalik ako sa pisngi ni Tita Vanessa at nag paalam na aalis ng bigla nitong pinigilan ang kamay ko.
“ Pagisipan mung mabuti ang hiling ko Iha, I hope to hear your answer soon” matamlay itong nakangiti. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti bago tuluyang lumabas ng silid.
Nang makalabas ako ng silid ,Kausap ni Bright ang mga body guards na nakabantay sa labas.
“Let’s go!” sabi nito ng mapalingon ito sa akin.
Sumunod naman ako sa likuran nito. Nang makapasok kami sa loob ng elevator hindi ko na napigilan na tanungin ito.
“ What is the true condition of Tita Vanessa?” tanung ko sa kaniya na hindi nakatingin dito.
Napabuntunghininga ito bago sumagot.
“ She was diagnosed with stage 4 colon cancer ,kaya tumagal siya sa ibang bansa para duon magpagamot.” Paliwanag nito, seryuso man ang mukha nito ngunit halata ang lungkot sa mga mata nito.
Napasinghap ako sa narinig, hindi ko akalain na malala na pala ang sakit ni Tita , kung nalaman ko lang ng mas maaga hindi na sana ako pumayag na mag Mall kami kanina.
“ Nung nahanap na kayo ,hindi ko siya mapigilan na umuwi dito, she really wants to see you, but she has to go back sa US as soon as possible because the doctor’s already scheduled her oparation” seryuso pading sabi nito.
“Then ..why didn’t you ask her to go back,baka mas lalong lumala ang sakit niya habang nandito siya!” lalo akung nag aalala sa kalagayan ng ina nito.
“She’s so stubborn! I can’t force her to go back dahil may kailangan pa daw siyang gawin dito.” Napahawak ito sa noo nito ,tila nahihirapan ang loob nito habang nagsasalita.
Natigilan ako sa sinabi nito at napaisip ako kung ano pa ang kailangang gawin ni Tita Vanessa. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang pabor na hinihingi nito.
Hindi kaya yun ang kailangan nitong gawin ang maipakasal kami ni Bright!?
Bumukas ang pinto ng Elevator ng makarating na kami sa basement.
“ Wait here” sabi nito at naglakad na papalayo.
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko at huminto sa tapat ko ang isang magarang itim na kotse. Binuksan ko ang passenger seat at umupo. Napansin kong walang driver at si Bright mismo ang nagmamaneho. Napatingin ako sa gawi nito ng hindi umaalis ang sasakyan, nakakunot ang noo nito.
"What are you doing?" salubong ang kilay na tanung nito.
"d-dito nakaupo.." sagot ko. Hindi ko alam kung bakit masama na naman ang timpla nito.
“Transfer here at the front” utos nito sa akin ng lumingon ito.
"Ah Hindi na..ahm o-okay na ako dito.." giit ko sa kaniya dahil bigla akong kinabahan sa isiping magkatabi kami sa harap.
"I am not your driver.." cold na sabi nito na ikinatayo ng balahibo ko kaya walaakong nagawa kundi lumipat nalang.
"Ha..s- sige.." bakit ba ko nauutal pag kausap tong lalaking to.
Agad naman akung bumaba at lumipat sa front seat.
“ seatbelt!” sabi nito ng makaupo na ako.
Hinanap ko naman ang seatbelt at ikinabit. Tsaka lamang nito pinaandar ang sasakyan.
Habang nasa byahe, tahimik kaming dalawa at tanging sa daan lamang kami nakatingin. Kanina pa may gumugulo sa isip ko at gusto ko sanang itanung ito sa katabi ko. Ngunit tila umuurong ang dila ko sa presensya nito.
“ Say it!” biglang sabi ni Bright, marahil ay napansin nito na may gusto akong sabihin.
Napalingon ako sa gawi nito at tinitigan ang guwapo nitong mukha. Paano ko nga ba sasabihin dito ang tungkol sa sinabi ni Tita Vanessa, para namang nakakahiya kung ako ang mag oopen!
Napabuntunghininga ako.
“Did she tell you about the marriage?” sabi nito nung hindi ako sumagot. Ang siko ko na nakatukod sa gilid ng bintana ay biglang nalaglag pagkarinig ko sa sinabi nito. Ganito ba talaga to ka straight forward, aatakihin naman ako sa puso sa lalaking to.
“Did - did you.. agree?” nag aalangan kung tanung dito.
“Yes” walang alinlangan nitong sagot. Bigla akong napalingon sa mukha nito. Seryuso padin ito. Hindi ba ito nagbibiro? Bigla tuloy lumakas ang t***k ng puso ko. Para akong pinagpapawisan kahit na may aircon.
“Why? We barely know each other, wala ka bang girlfriend na pweding ipakilala sa Mama mo?” nagtataka kung tanung.
Nangunot ang noo ko ng bigla nitong hininto ang sasakyan sa gilid ng daan. Mapuno sa paligid at wala ng gaanung dumadaan.
“ I don’t have time to look for a girl na ihaharap sa kaniya and besides she likes you, I don’t care who I'd marry as along as it can make her happy” sabi nito ng lumingon sa akin at bahagyang lumapit ang mukha nito sa mukha ko. I was stucked sa gilid ng pinto. Hindi ako makagalaw dahil sa lakas ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa mga mata nito.
Maya maya ay umayos nadin ito ng upo at nanatili itong nakatingin sa harapan ng kotse.
"She's all I have now..!" isang mapait na ngiti ang mababakas sa labi nito. Hindi ko magawang magsalita at nananatili lamang akong nakatitig dito.
“If our marriage can make her happy and if it is the only way for her to have a will to survive from her illness, I will do it for her!” sabi nito na tila pinipigilan ang sarili nitong emosyon. Ganito nito kamahal ang Ina ,gagawin nito ang lahat para mapasaya si Tita Vanessa.
Magpapakasal ito sa akin para lamang sa kahilingan ng Ina nito. Ewan ko ngunit biglang may sakit na humaplos sa puso ko.Wala namang ibang dahilan pa Ella! Wag kang assumera! Napailing ako dahil sa mga naiisip ko.
“Just think about it, you can still do whatever you want kahit kasal na tayo!”
Nanatili lang akong tahimik at pinag iisapan ko ang sinabi nito. Mukhang hindi ako nito bibigyan ng ibang choice. At ang tanging option lang talaga ay ang magpakasal kaming dalawa.
Muli nitong pinaandar ang sasakyan at huminto lang ito ulit sa harap ng gate ng bahay namin.
“Salamat sa paghatid” pagpapasalamat ko kay Bright. Tinanggal ko ang seatbelt at akmang bubuksan ang pinto ng pigilan nito ang kamay ko. Napalingon ako dito at muling umupo.
“Ella, I know it’s hard for you to decide, but my Mom needs to go back to Us in two days for her surgery!” Seryuso nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
“ She’s very sick and I cannot delay her surgery” Tila nahihirapan nitong sabi. My hearts melts dahil sa ikinikilos nito, A strong and mighty Bright Fontanilla has also a weaker side and it is because of his Mother.
Hinawakan ko ang kamay nito. “Don’t worry I’ll think about it!” Nakangiti kong sabi dito at agad bumaba na ng sasakyan. Baka mas lalo kung hindi mapigilan ang sarili ko na yakapin ito kung tumagal pa ako.