Chapter 7- His Mother Illness

1605 Words
Ysabella Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng dumalaw ang mag inang Fontanilla sa bahay namin. Nakatanggap din ako ng tawag mula sa El Zeraffin at ayun dito kailangan kung umattend ng orientation kinabukasan sa mismong Head Office ng El Zeraffin. “ Talaga friend!, sa Head office mismo ng El Zeraffin ang Orientation niyo?” tila naeexcite na sabi ni Rosie. Napatango ako habang nananatiling nakatutok sa computer sa harap ko. “Ang swerte mo girl!, Alam mu bang maimbitahan ka palang sa companyang yun ay maituturing mu ng swerte, lalo pa ang mapansin nila ang gawa mu!” natutuwang sabi ni Rosie. Kahit siya ay nangarap din noon na makapasok sa El Zeraffin, pero mas pinili niya na magsimula sa sarili niyang negosyo. Pero ngayung nabigyan siya ng pagkakataon sisikapin niyang Makuha ang spot para maipasok ang kaniyang mga designs sa El Zeraffin. Nakatutok padin siya sa kaniyang computer ng tumunog ang kaniyang cellphone agad niyang tinignan kung sino ang tumatawag. Agad niyang pinindot ang answer button ng makitang ang Tita Vanessa niya ang tumatawag. “Good morning po Tita!” masayang bati niya dito. Simula ng bumisita ito sa kanila madalas na itong tumatawag sa kaniya at nangangamusta. Kahapon nga lang ay may mga bago silang customer nirefer daw sa kanila ni Tita Vanessa ang Boutique niya. “Iha, busy ka ba ngayun? Magpapasama sana ako sayo sa Mall.” Naglalambing na sabi nito. Sa kaunting panahon na nagkakilala sila parang napalapit nadin ang loob niya dito. Maliban lang sa mala yelong anak nito na wala man lang kaemo emosyun sa katawan. “Sure Tita, I’m free po today.” “Great! I’ll pick you up after an hour okey? See you later,bye” tila masayang sabi nito at ibinaba na nito ang telepono. Nakataas ang kilay ni Rosie ng tumingin siya dito. “Aalis ka?, Kala ko tatapusin mu yang designs mu, bukas mu na ipapasa yan Ella!” nag aalalang tanung nito. Hindi pa pala niya naekukwento dito ang tungkol Sa Mag inang Fontanilla at ang relasyun niya sa mga ito. Malamang sasabihin nito na unahin si Tita Vanessa kisa sa El Zeraffin. Napangiti nalang ako.” It’s fine, I’m almost done naman na. Kaya ko na itong matapos mamyang gabi and besides baka kailangan ko din mag unwind at baka makaisip ako bigla ng ideas pag nasa labas ako”. Paliwanag ko dito. “Ikaw bahala, make sure lang matapos mo yan mamayang gabi!” paalala nito sa akin bago tuluyang lumabas ng office ko. Saktong mag isang oras ng lumabas ako ng boutique at di naman nagtagal nakita ko na ang paparating na kotse ni Tita Vanessa. “Iha, I feel so great today, salamat at pinaunlakan mo ako!” masayang bati nito ng makapasok ako sa loob ng sasakyan nito at hinalikan niya ako sa pisngi. “I feel so honored Tita na samahan kayo today!” nakangiti ko ding sabi dito. Nagpunta kami sa isang Mall ,hindi gaanong marami ang tao doon dahil halos dolyar ang presyo ng mga binibenta nila.. Nakahawak sa braso ko si Tita Vanessa habang naglalakad kami sa loob ng Mall. Tila nag eenjoy ito habang nag iikot kami. Then pumunta kami sa isang kilalang salon & spa at tila kilala na din ito ng mga staff. “ Welcome Back Mrs. Fontanilla!” Magalang at nakangiting sabi ng mga ito. “Hello! I have a companion today, this is Ella” pagpapakilala nito sa akin. “Welcome at HerStyle Ms. Ella” nakangiti ding bati ng mga ito sa akin. Iginaya kami ng staff sa isang silid. Magpapatrim ng buhok si Tita Vanessa at mag pafoot Spa. Naisipan ko ding mag pa trim ng buhok ko at mag pa facial. Tamang tama dahil may Orientation ako bukas. Pagkatapos namin sa HerStyle ay kumain kumain kami sa isang restaurant na ngayun ko pa lamang napuntahan. “Their food here is really amazing Iha!” papuri nito sa restaurant. “Really Tita! Ngayun lamang po ako nakapunta sa ganitong klaseng restaurant” sabi ko habang iniikot ang paningin ko sa paligid. Maganda ang pagkakadesenyo sa lugar at ang mga gamit ay sadyang ipinagawa para ibagay sa design ng restaurant . Mayamaya inihain na ang inorder naming pagkain at halatang nagutom ako sa kakaikot sa Mall dahil naparami ang kain ko. “Kumain ka pa Iha.. do you want to order more foods?” tanung ni Tita Vanessa na tila naaliw dahil naparami ang nakain ko. “No..no..Tita, ok na po itong foods and nabusog nadin po talaga ako!” nakangiti kong sabi habang hinihimas ang tiyan ko. After naming masettled yung bill, nagpaalam si Tita Vanessa na pupunta sa ladies room. Hindi nagtagal lumabas nadin ito, nakangiti ko itong sinalubong, ngunit may napansin akong kakaiba sa kilos nito. Hawak nito ang dibdib at tila nahihirapang lumakad. Agad akong lumapit kay Tita Vanessa ng mapansin kung tila may dinaramdam ito. “Tita, are you Okey? Masama po ba ang pakiramdam nyu?” nag aalalang tanung ko dito habang inaalalayan ko siya sa braso. Ngunit bigla nalang itong napasandal sa akin at nawalan ng malay. Bigla akong nataranta at kinabahan dahil sa nangyari , humingi ako ng tulong sa staff na lumapit. Then biglang may pumasok na dalawang tao na naka white polo sa loob ng restaurant at agad binuhat si Tita Vanessa. “Wait, sinu kayo? Saan nyu siya dadalhin?” kinakabang tanung ko habang sinusundan ang mga ito. Isa sa mga lalaki ang humarap sa akin. “Don’t worry Miss, mga body guard kami ni Mrs. Fontanilla, kailangan natin siyang dalhin sa Ospital.” Paliwanag nito. Nabawasan ng kaunti ang pag aalala ko dahil sa sinabi nito. “Sasama ako sa Ospital” sabi ko sa body guard at tumango lamang ito. Mabilis ang kilos ng mga body guard, dumaan kami sa private elevator at deretso sa parking area. Naghihintay na din duon ang ambulance na magdadala kay Tita sa Ospital. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak habang sakay kami sa ambulance, hawak hawak ko ang kamay ni Tita Vanessa. Mabilis kaming nakarating Sa Ospital at agad na dinala si Tita Vanessa sa Emergency Room. Naiwan ako sa labas kasama ng dalawang body guard, hindi ako mapakali habang naghihintay sa doctor na lumabas. Hindi nagtagal ay lumabas na din ang doctor. Agad ko itong nilapitan at tinanung ang kalagayan ni Tita. “Kayo po ba ang kasama ni Mrs.Fontanilla?” Tanung ng doctor. “Opo Doc!, Kamusta po ang lagay niya?” nag aalala kung tanung. “Dahil sa kaniyang karamdaman bawal siyang mapagod or mastress , Sa ngayun kailangan niya lang munang magpahinga, napagod lamang siya kaya siya hinimatay, itatransfer na muna namin siya sa private room.” Paliwanag ng doctor. “Anu pong sakit niya Dok?!” lalo akong nag alala sa kalagayan ni Tita Vanessa. Sandaling nag isip ang doctor. Hindi pa siya nito lubusang kilala kaya mahirap sabihin sa ibang tao ang kalagayan ni Tita Vanessa. "Alam na po ito ni Mr. Fontanilla, sa kaniya na lamang po kayo magtanung, pasensiya na Miss at ipinagbabawal ni Mr. Fontanilla na sabihin ko ito sa iba." pagkasabi nito ay nagpaalam na ang doctor. Maya maya ay inilabas na ito ng ER sakay ng hospital strecher at inilipat ito sa isang private room. Siya lang ang nagbabantay sa loob at ang dalawang body guard ay nanatiling nakabantay sa labas ng silid. Di nagtagal nagising nadin si Tita Vanessa, agad akong lumapit sa tabi nito ng gumalaw ito. “Tita I’m here..are you okey?” nag aalala ko pading tanung habang hawak ang kamay niya. “Ella, I’m glad you’re here.” Mahina ngunit nakangiti nitong sabi. “Sorry if I make you worried” sabi nito “No, tita! Don’t say sorry!” marahan kong hinaplos ang kamay nito. “I was afraid and worried kanina, I don’t know what to do, mabuti na lamang at dumating ang mga body guards nyu” biglang tumulo ang luha ko ng maalala ang sitwasyus kanina. “Ssshh, don’t cry, I’ll be fine” sabi nito at pinalis ng kamay nito ang mga luha ko. “Palaging nakasunod sa akin yang mga body guards, Hanssen also worries about my health kaya Sa tuwing aalis ako ng bahay nakabantay lang sa tabi tabi yan sila” nakingiting paliwanag nito. Gusto niya itong tanungin about sa sakit nito. Ngunit nanatili siyang tahimik. “Iha, I have a favor to ask” sabi nito na tila nag aalinlangan kung sasabihin ba nito o hindi. “What is it po tita?” interesado kung tanung habang may lungkot padin sa aking mukha. “I don’t want you to hate me, but I think this is the only way na magpapagaan sa loob ko bago ako mawala sa mundong ito.” Nakatingin ito sa mga mata ko habang nagsasalita. “Wag po kayung magsasalita ng ganyan Tita, Magkakasama pa po tayo ng matagal.” Naiiyak kong sabi dito. “I am old enough already, mahina nadin ang katawan ko, gusto ko lang sanang makitang nasa maayus na kalagayan si Hanssen at matupad ang pangarap ng aking ama at ng papa mu na maging isang pamilya tayo.” May lungkot sa mga ngiti nito habang nagsasalita. “What do you want me to do Tita, I’ll do everything po, I want to return the favor dahil inalagaan nyu po at minahal si papa noong walang wala siya” hinawakan ko ang mga kamay niya habang naghihintay sa sasabihin nito. "Iha...." “I want you and Hanssen to get married!” I was shocked ng marinig ko ang gusto nitong sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD