Ysabella
“Bright..!?” Hindi makapaniwalang sabi ko. Totoo ba tong nakikita ko, Is it really Bright Fontanilla?
Naglalakad ito palapit sa amin, ang guwapo nitong tignan sa suot na kulay puting long sleeve at may asul na necktie at naka tucked in sa blue pants nito. Wavey ang kulay itim nitong buhok na nababagay sa prominente nitong mukha.
Natigil lamang ang pagsusuri ko dito ng magsalita si Tita Vanessa.
“It seems na magkakilala na kayo ng anak kong si Hanssen” natigilan ako ng marinig ko ang sinabi nito. Napatingin ako kay Bright na lumapit sa amin at humalik sa pisngi ni Tita Vanessa.
“Po..!? Anak nyu po siya?” nagulat ko pang tanung. Hindi parin nag sisink in sa utak ko ang nangyayari.
“Yes Iha..this is Bright Hanssen Fontanilla my only son!” nakangiti at proud na sabi ni Tita Vanessa.
“Bright this is Ysabella Santillan your Tito Albert’s daughter” pagpapakilala ni Tita Vanessa sa amin.
Nanatili lamang akung nakatingin dito.
Ngayun ko lang narealize na kaya pala magkaparehas sila ng apelyedo kasi mag ina pala talaga sila.
“Ella!” untag sa akin ni Mama bahagya nitong siniko ang tagiliran ko, hindi ko din namalayan na nakalapit na pala ito sa amin. Kaya bigla naman akong natauhan.
“Sorry.. I-I still can’t believe na magkikita tayo ulit.” Sabi ko. Inilahad ko ang aking kamay para pormal na makipagkilala dito.
“I’m Ysabella Kirsten Santillan, and its my pleasure to meet you Mr. Fontanilla.” Nakangiti kong sabi dito.
Sandali napatitig si Bright sa mukha ko at sinalubong ang aking mga mata, parang binabasa nito kung anu man ang laman ng isip ko ngayun. Ibababa ko na sana ang aking kamay ng bigla ito nitong inabot , naramdaman ko ang pagdampi ng palad nito sa palad ko at kahit na lalaki malambot ang kamay nito at parang ang sarap hawakan.
Naramdaman ko ang marahan nitong pagpisil sa kamay ko bago nagsalita.
“I guess you already know me! Nice to meet you too Ysabella” sabi nito na seryuso ang mukha.
Agad ko naman binawi ang aking kamay dahil baka masanay sa hawak nito at hindi ko na bitiwan.
“ Ahm..Nakahain na pala ang pagkain, kumain na muna tayo“ nag aayang sabi ni Mama.
Agad naman nagpaunlak ang mag ina.
Narinig namin na bumukas ulit ang pintuan at pumasok si Tito Emman, maging ito ay nagulat din pagkakita kay Bright. Nilapitan ito ni Mama at sinabihan na kumain na muna sila at mamaya na niya ipapaliwanag ang sitwasyon. Sabay sabay kaming lumapit sa lamesa at nagsimulang kumain. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng lihim fahil panay ang tingin ni Tito Emman kay Bright..hindi padin ito makapaniwala na nasa harap niya ang isa sa kilalang tao sa business industry.
“Pasensiya na po kayo sa inihanda ko” tila nahihiyang sabi ni Mama.
“ Mariz, tawagin mu nalang akong Vanessa, tingin ko naman ay hindi tayo nagkakalayo ng edad” nakangiting sabi ni Tita Vanessa.
Nahihiyang napatango si Mama, “Okey.. Vanessa” sabi niya. Talagang nakaka intimidate ang presensya ng mag ina kaya kahit sinong ordinaryung tao ay mahihiyang lumapit sa mga ito.
“Masarap ang mga luto mu, palagay ko mapapadalas ang pag bisita ko dito, okey lang ba yun?” papuri ni tita Vanessa sa mga inihanda ni Mama.
“ Oo naman, walang problema, welcome kayo dito! Para naman may kakuwentuhan din ako, madalas kasing naiiwan akong mag isa dito sa bahay.” Nakingiti ding sabi ni Mama na halos wala na ang pagkatense na nararamdaman nito kanina.
“Parehas pala tayo palaging naiiwan sa bahay, Ito kasing si Hannsen mas madalas pang kasama ang mga papeles niya kisa umuwi sa bahay, kaya nga hinahanapan ko na ito ng mapapangasawa baka sakaling umuwi ng madalas sa bahay.” May himig panunudyong sabi ni Tita Vanessa.
“ Don’t worry Ma, I’ll get a daughter in law for you soon..!” seryusong sabi ni Bright, napatingin ako sa gawi nito at nalaman kung nakatingin din pala siya sa akin.
Muntikan na akong mabilaukan dahil sa mga titig na yun ni Bright, mabuti nalang at mabilis na iniabot nito ang baso ng tubig sa akin at agad ko naman iyon ininom.
“Are you okey!?” Tanung ni Bright.
“Yes.. im fine!..im fine!” Sabi ko at umiwas na ako ng tingin dito. Parang may magnet sa mga mata nito. Pag natitigan mo para bang hindi mo na agad maialis ang paningin mo sa mga mata niya.
“ Mr. Fontanilla..Do you care for a drink?” tanung ni Tito Emman dito.
“Sure!” sabi ni Bright at tumango kay Tito Emman.
Mabilis namang umalis si Tito Emman at kumuha ng kanilang maiinom. Tapus na silang kumain at nagkukuwentuhan nalang sa harap ng lamesa. Nailigpit nadin namin ni Mama ang mga ginamit na plato.
Napansin ko din ang kakaibang ngiti ni Tita Vanessa ng muli akong umupo sa tapat nila ni Bright. “ I really hope you will do it Son, Dahil gusto ko ng maalagaan ang aking mga apo” may ngiti sa mga labi nito habang nakikipag usap kay Bright. Hindi pa pala tapus ang topic na yun.
“How about you Iha? You are at the right age, don’t you have any plans on getting married?” tanung ni Tita Vanessa ng lumingon ito sa gawi ko. Hindi ako nakasagot agad sa tanung nito.
“Naku isa pa yan, wala pa ngang boyfriend yan ei!” natatawang sabi ni mama, tila naging relaxed na ito sa pakikipagkuwentuhan sa kanilang bisita.
"Ma..!" saway ko sa kaniya at nahihiyang ngumit kay Tita Vanessa.
“That’ s great...!” tila natutuwang sabi ni Tita Vanessa. Ngunit maya maya narealize din nito ang sinabi.. ” well Ah.. I mean..Really Iha..! You’re beautiful and smart!” bawi nito sa unang sinabi.
“Naging focus lang po ako trabaho ko Tita, bago lang din kasi ang boutique and it needs my full attention” nakangiting paliwanag ko dito.
Bumalik si Tito Emman na may dalang isang bote ng mamahaling alak. May dala nadin itong baso. Tumayo naman si mama at kumuha ng ice cubes para sa dalawang lalaki.
“ If you need any help Iha, you can ask Hanssen” sabi nito at napalingon kay Bright na kasalukuyang umiinom ng alak nag uusap ang dalawang lalaki tungkol padin sa negosyo.
“Its Okey Tita… I want to do it on my own! Gusto kung maging proud si papa sa akin, dahil yun po ang pangarap namin dalawa noon” I smiled at her.
“You have your father’s determination.. and With your father guidance , you can do it Iha!” hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting hinaplos ito. Kaya napangiti nadin ako.
“Oh! I almost forgot I have something to give you, naiwan ko sa kotse!” Sabi ni Tita Vanessa.
“Hanssen, could you please get the things I bought, naiwan ko sa sasakyan and iha can you help him medyo marami kasi yun” nakikisuyong sabi nito.
Napalingon ako kay Bright na tumayo na Para sundin ang utos ng Mommy nito.
“Ah..yes Tita..”sabi ko at agad sumunod kay Bright.
Tumigil ito pagdating sa pinto at hindi ko napansin ang paghinto nito kaya bigla akong nabangga sa likuran nito.Nahimas ko ang aking noo na nabangga sa malapader nitong likod. Napalingon naman ito sa akin.
“ Is it your hobby to always bump on me!” walang kangiti ngiti nitong sabi.
“ Its not my fault, huminto ka bigla” paliwanag ko dito.
Tumingin lang ito sa akin at tumalikod na ulit. Sumunod ako sa likod nito ngunit nagbigay ako ng distansya para maiwasan mabunggo ko siya ulit. Paano ito makakahanap ng daughter in law para sa Mama nito kung ganito naman ang ugali. Reklamo ng isip ko. “Bakit mailap ito sa mga babae.. at hanggang ngayun wala pa itong naging girl friend.. hindi naman kaya… isa din itong kapederasyun ng-!”
“Aaayyy!!”Dahil sa malikot kung isipan hindi ko napansin ang isang step ng hagdan kaya muntikan na akong masubsob sa lapag, mabuti na lamang at palagi akong nasusubsob sa matitipunong dibdib ng aking savior.
Hawak ni Bright ang braso ko at nakapaikot sa beywang ko ang isang kamay nito.
I can smell his perfume with manly scent. Parang ang sarap manatili sa mga bisig nito.
Napasinghap ako ng bigla nito akong bitiwan at isinandal sa gilid ng kotse. He was deeply looking into my eyes. While he was holding my waist around his arm. His face is an inches away from mine. I can smell the liquor sa bawat pahinga nito, kaya para akong nalalasing habang nakatingin sa mga mata nito.
“Don’t do stupid things like this, if im not around!” mahina ngunit may diin nitong sabi, na tila pinipigilan ang sarili nito, he chuckled and then he let me go.
Binuksan nito ang trunk ng sasakyan at kinuha ang ilang paper bags. Nanatili naman akong nakatayo sa gilid ng kotse.
Mayamaya sumilip ito mula sa likuran ng kotse.
“Are you not helping me?” malamig ang boses na tanung nito, kaya bigla naman akong natauhan.
Agad akong lumapit sa likod ng trunk at kinuha ang natirang bags. “You go inside first” maya maya ay sabi nito. Napatango naman ako at mabilis na umalis pabalik sa loob ng bahay.
“Nakakahiya, bakit bigla nalang akong ngiging lampa ngayun!” Marahan kong pinukpok ang ulo ko dahil hindi ko maewasang mahiya kay Bright dahil sa mga nangyari kanina.
Baka isipin ng lalaking yun I’m into him!
Hindi nga bah? Tanung ng traidor kung utak.