Hindi na kami nagkaroon ng oras para magpunta ng Talipapa dahil tumulong din kami sa pagtatanim ng palay. Marami kaming ginawa na hindi ko na namalayan ang oras pa. Sumapit ang alas otso ng gabi, kaniya-kaniya na silang akyat sa taas at naiwan naman ako sa baba dahil ako ulit ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan. Gusto kong ma-master kung paano maghugas ng pinggan sa loob lang ng bente minutos, inaabot kasi ako ng higit na isang oras at nakakahiya naman kay Felix na naghihintay sa akin. Tinulungan na nga ako nitong magbanlaw kanina kaya medyo mas napadali. Hindi rin nagtagal nang hawak-kamay kaming nagtungo sa ikalawang palapag. Napansin ko pa sa sala sina Itay Fidel at Leticia na mahimbing na ang tulog, walang ilaw doon at tanging iyong lampara na lang ang nagsisilbing liwana

