Chapter 40

1871 Words

"Sus, ginoo!" hindi makapaniwalang bungad sa amin ni Mang Fidel nang makalabas ito sa bahay. Nakasuot lamang ito ng simpleng damit habang hawak-hawak sa kaniyang kamay ang isang kawali, tila ba natigil lang ito sa kaninang ginagawa upang pagbuksan kami ng pinto. "Mano po," nakangiting sambit ni Fatima at nauna nang nagmano kay Mang Fidel. "Halika, Lenard. Let me introduce you to my loving father." Sa tinuran ni Fatima ay walang pakundangan siyang binatukan ni Mang Fidel, mahina lang naman iyon dahilan para matawa si Fatima at ang kaniyang mga kuya. "Kailan ka pa natuto mag-ingles?" anang Mang Fidel na nakangiwi pa rito. "Lumuwas ka lang ng Maynila at kung anong anek-anek na 'yang nakapalibot sa katawan mo." Itinuro pa ni Mang Fidel ang mga alahas na suot ni Fatima, magmula sa singsing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD