Chapter 38

1968 Words

Sa bawat paghakbang ko papasok sa loob ng malaking simbahan ay siya ring unti-unting pagkamatay ng puso ko, kagaya nang pagkaputol sa kapipiranggot kong pag-asa. Napalunok ako na para bang pilit ko ring isinusuksok sa utak ko na ito ang kapalaran ko, na ito ang nakatadhanang mangyari sa buhay ko at wala nang magagawa pa. Ano mang sigaw, galit at pagtakas ang gawin ko, mas marami pa rin ang dahilan para mabalik ako sa poder nina Ina at Ama. Ano mang kawala at panunumbat ay pagtangis na lang ang magagawa ko. Nalulungkot ako sa reyalisasyong hindi ko na nga naramdamang maging masaya at malaya sa buhay pagkabata, ngayon pa kayang buhay may asawa na ako? Mapait akong napangiti, kasabay nang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na iyon napunasan dahil sa hawak kong bulaklak na naroon banda sa tiyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD