Sa narinig mula sa isang pasahero ay para akong nanigas sa kinatatayuan. Natulala ako sa kawalan habang hindi malaman kung tama ba iyong narinig ko. Nilingon ko pa ang dalawang babae na nagkukwentuhan at para makasiguro ay wala sa sariling nahablot ko ang cellphone na hawak nila, gulat silang napatigalgal sa akin. Samantala ay halos manlaki ang parehong mata ko, bumagsak ang panga ko kasabay nang walang alinlangan na pagtulo rin ng mga luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung paano nangyari, natagpuan ko na lamang din ang sarili na tumatakbo palayo sa eroplano na dapat ay paalis na. Iyon ang una kong flight ngunit naudlot pa. Bumalik ako sa loob ng airport upang kunin ang gamit, hindi ko na rin magawang ipaliwanag kung anong nangyayari dahil masyado akong natutuliro. Kapagkuwan ay mabili

