Iyon ang alaala na siyang paulit-ulit na nagbabalik sa isipan ko hanggang sa madala sa huling hantungan si Ama. Mas pinili kong iuwi ang labi ni Ama at itabi sa kung nasaan si Ina. Katulad ng panaginip kong iyon, pareho silang nakangiti, mahal na mahal ang isa't-isa kaya hanggang sa huling hantungan ay magkasama silang dalawa. Nabanggit sa akin noon ni Ina na kaya siya pilit pinapakisamahan ni Ama ay dahil sa akin. Iyon ang bagay na bumulag kay Ina kaya todo ang pagpapahalaga nito sa akin noon. Ang hindi niya alam— mahal na mahal siya ni Ama, na nagawa niyang magpakamatay matapos ang 40th day after death nito para lang sundan siya sa kung nasaan man ito. Dala rin marahil ng galit at kalungkutan ni Ama ay nakapagdesisyon siya ng hindi maganda. Lumuwas ito ng Maynila at totoong binalak n

