Hindi naman masamang bumalik sa mga taong minsan kang sinaktan o niloko— kung ang pagbabalik nila ay siyang paghingi nila ng kapatawaran sa 'yo. Walang masama sa pagpapatawad, okay lang kung magbigay ka ng pangalawang pagkakataon para sa mga taong gustong magbago. Walang masamang umintindi. Kung hindi man magawa sa akin ng iba iyon ay bukal sa puso kong ibibigay sa mga taong mas nangangailangan. Hindi bale na ako ang mahirapan. Hindi bale na ako, huwag lang sila. Sa nagdaang taon, ito marahil ang natutunan ko. Saktan man ako ng mga taong nakapaligid sa 'kin, lokohin man ako ng mga taong malalapit sa akin— mas iintindihin ko pa sila. Iyon 'yung mga bagay na hindi nila magawa sa sarili nila kaya ibinibigay ko ng kusa upang may ma-realize sila. Hindi dapat galit o inggit ang siyang pinapa

