"Karla, gising na." Dinig kong boses saka pa mahinang niyugyog ang balikat ko. Dahan-dahan akong nagmulat bago umahon mula sa pagkakasubsob ko sa gilid ng kama ni Felix. Kaagad kong inayos ang mukha at ang pagkakaupo ko sa stool. "Umuwi ka na at maligo, kumain ka rin ng marami. Ako na ulit dito," dugtong ni Fatima. "Hindi ka ba papasok?" tanong ko at nilingon na siya. Suot lang nito ang simpleng bestida, roon ay pumasok ulit sa utak kong buntis itong si Fatima. Hindi pa naman ganoon kaumbok ang tiyan niya, siguro ay kailan lang din nila nalaman. Gusto ko sanang magtanong o makiusyoso sa pagbubuntis niya ngunit mas pinili kong itikom ang bibig. Napahinga ito nang malalim saka ako nilapitan sa pwesto ko. "Pinagliban muna ako ni Lenard para magbantay kay Kuya Felix. Kaya parang-awa mo n

