"Pasensya na, Karla... hindi kita nadamayan noong mga panahong kailangan mo ako," mababang boses na pahayag ni Felix. Sandali akong tumigil sa ginagawang pagbabalat ng orange bago siya nilingon na nananatiling naroon sa kaniyang kama. Nakahilig lang ang kalahating katawan nito sa head board. Katatapos lang namin kumain ng hapunan at heto nga ay pinapakain ko na lang siya ng prutas para sa mas mabilis na pagbabalik ng kaniyang lakas. Kami lang ang nandito at wala sina Lenard at Fatima. Pumasok ang dalawa sa trabaho at mayamaya rin lang ay narito na sila upang palitan ako para ako naman ang makauwi. Dalawang araw nang gising si Felix at nakikita ko naman na willing siyang magpagaling. Literal na pinapakita talaga nitong malakas siya, na hindi na niya kailangan pang manatili sa Hospital n

