Katulad nang unang punta ko rito sa Cordova City ay iisa lang ang nagiging reaksyon ko, puno ng pagkamangha ang mukha ko habang sinisipat ang kabuuan ng nasabing siyudad. Pababa na ang chopper na siyang sinasakyan namin, abala na rin sila sa pag-aayos ng gamit at sarili. Samantala ay tahimik ko namang pinapanood ang malawak na lupain sa ibaba. Napaigtad pa ako nang haplusin ni Felix ang nakalantad kong braso dahil suot ko lamang ay isang bestida na tanging manipis na strap lang ang rason upang hindi iyon malaglag sa akin. Nilingon ko ito na naroon sa gilid ko, nasa bandang hulian kami ng chopper kaya bulgar niya ngayon nagagawa ang gusto, tila ba hinahanap ang karugtong ng halikan namin noong araw na 'yon. Wala sa sariling natawa ako sa sarili, pinanlakihan ko pa ito ng mata dahilan pa

