Kapag si Ama ang nagsalita, paniguradong masusunod at masusunod iyon ano man ang pagtanggi mo. Kaya heto, nasa tapat na kami ngayon ng kumpanya ni Lenard. Walang emosyon siyang humarap sa amin bago inanyaya kaming tatlo na pumasok sa loob ng lobby. Naiwan na rin sa labas ang ilang tauhan na palaging buntot nila Ama at Ina. Deretsong naglakad si Lenard sa mahabang hallway na iyon patungo sa elevator area. Hindi ko na masundan ang sinasabi nito dahil abala ako sa pagsipat ng tingin sa bawat sulok. Siya ring bati ng ilang makasasalubong namin kay Lenard, hindi niya ito pinapansin kaya natanto kong iba ang ugali ni Lenard pagdating sa trabaho. O marahil ay wala lang ito sa mood. Natatawa pa ako sa katotohanang inililibot nito si Ama sa bagong kumpanya na mayroon siyang porsyento, kung saan

