Bago pa man tuluyang sumabog ang ulo ni Ama ay sakto ang naging pagbukas ng pinto sa elevator. Iniluwa kami nito sa 9th floor kaya mabilis din akong lumabas, kasunod ko si Lenard sa likuran ko. Samantala ay nauuna sina Ama at Ina na tinatahak ang daan patungo sa kung saan, marahil para sa magiging kwarto namin. Habang sa pinakalikuran ay naroon ang ilang tauhan ni Ama na nakasunod lang din. Mayamaya pa nang huminto ang mga ito sa isang pintuan, gamit ang ibinigay na susi ay binuksan iyon ng isang tauhan. Kapagkuwan ay deretsong pumasok doon si Ama at para lang kaming tuta na nakabuntot sa kaniya. Bumungad sa paningin ko ang malawak at enggrandeng unit, hindi lang iyon basta kwarto na siyang kaninang nasa utak ko. Animo'y bahay dahil may ikalawang palapag pa iyon. May malaking hagdan sa

