Dumating ang oras kung saan ang itinakdang luluwas kami papuntang Maynila para sa nalalapit naming kasal ni Lenard. Pagak pa akong natawa sa katotohanang iyon. Ako nga lang yata ang malungkot at hindi excited sa kasal ko. Kung sabagay, walang masaya kapag arranged marriage ang nangyari. Walang masaya kapag pinilit lang. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay malakas akong napabuntong hininga, kasabay pa nito ay ang paglingon sa akin ng isang tauhan ni Ama. Naroon pa ito sa hamba ng sasakyan, marahil ay hinihintay na lamang ang paglabas nina Ina mula sa mansyon. Sa paninitig dito ay sandaling nangunot ang noo ko nang may matanto. Ngayon lang ako nakalabas simula kagabi, literal na ikinulong ako ng isang buong araw kaya ngayon ay para pa akong naninibago sa paligid. Sa simoy ng pang-gabin

