Kinakabahan si Sophie habang pinagmamasdan ang suot nyang pang-ibabang saplot. Punong-puno iyon ng dugo. Ang lakas ng dalaw nya ngayon kaya labis syang nagtataka. Ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya na ganito kalakas ang paglabas ng dugo dahil sa buwanang dalaw nya. Nahihilo sya kaya napakapit sya sa wall na tiles ng cr. Nagpatingin na sya sa doktor kanina at sa isang linggo pa nya malalaman ang resulta dahil kinuhanan pa lang sya ng dugo na kailangang i-test. "Sophie hindi ka pa ba tapos?" Mabilis syang napapitlag sa kinatatayuan nang marinig nya ang tinig ni Leonhart. Ayaw nyang sabihin dito ang mga pagbabagong nangyayari sa kanya. Sasarilinin lamang nya ito dahil ayaw nyang may ibang tao pang maapektuhan, isa pa ay kapapacheck-up lang naman nya kanina. Hindi pa naman sya si

