Nagising si Sophie dahil sa mga tunog na naririnig nya mula sa labas ng kanyang silid. Kunot noo syang bumangon sa kanyang kama at tiningnan ang orasan sa cellphone na nakapatong sa lamesa mula sa gilid ng kanyang kama. 11:00 AM. Napamulagat sya. 11:00 AM na pala. Sobrang haba naman ng naging tulog nya. Ngayon lang sya tinanghali ng gising. Hindi na naman sya nakapasok sa clinic dahil hindi maganda ang pakiramdam nya. Mukhang hindi na talaga muna sya makakabalik sa kanyang trabaho. Tumayo sya at lumabas ng kanyang silid upang tingnan kung bakit tila may mga tunog ng kasangkapan syang nadidinig sa labas. Naabutan nya si Leonhart na nakatalikod habang nagluluto. Naka-head phone pa ito at pagalaw-galaw ang ulo. Mukhang dalang-dala ito sa pinapakinggan nito. Kusang sumilay ang ngiti sa

