Simula
Simula
"Hoy kupal! Nasaan kana?!" Sigaw sa akin ni Mico sa kabilang linya.
"Papunta pa lang ako," tinatamad kong isinagot rito.
Kaagad kong narinig ang tawa ng mga gago. Malamang ay kasama nito sina Arthur at Jade.
"Tang ina mo, bilisan mo! Ilang minuto na lang pasukan na," tumatawa pang sambit ni Mico sa kabilang linya.
"Oo na," then I ended the call.
Huminga ako ng malalim at bumangon sa aking kamang hinihigaan. Napailing na lang ako sa nararamdaman. Unang araw pa lang naman ng klase ay aligaga na ang mga loko.
Samantala wala namang ibang gagawin kung hindi ang lintik na introduce yourself na yan. Ano bang exciting sa unang araw ng pasukan bukod sa babae? Babae lang naman talaga ang nagpapaganda ng unang araw ng pasukan. Iyon ay kung may kaklase kang tipo mo. O kaya ay talaga namang maganda na babae. All in all, first day of class is boring.
Pagbaba ko ng motorsiklo ko ay kaagad naman akong sinalubong nina Mico, Jade at Arthur. Umakbay na kaagad sa akin ang gagong si Mico habang malawak ang ngiti ng mga ito.
"Buwisit kayo, masyado kayong aligaga." Bulalas ko saka sinabayan sila sa paglalakad.
"Ano ka ba? May bago pa ba, syempre hahanap tayo ng chics, sa transferee naman tayo mambiktima. Nakakasawa na mga babae dito," halakhak naman ni Jade.
"Siraulo, bakit lahat ba ng babae sa DU ay naging ex mo na?" Tanong ko naman rito.
"Hindi, sa totoo nga niyan marami pa akong hindi kilala dito," ani Jade.
"May kaklase nga tayo na dito nag-aral mula grade seven pero ngayong grade ten ko lang nakita," sambit naman ni Arthur.
Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Tulad ng dating gawi nagtungo kami sa dati na naming tambayan na shake house kung saan doon dumarayo ang ilang kababaihan sa school.
Halos lahat yata ng babae sa DU ay dito bumibili ng paborito nilang milk shake, milk tea at kung ano-ano pa. Ito ang tambayan ng mga lalaking tulad naman para na rin mag-abang ng mga babae.
"Sina Madison oh!" Turo ni Mico sa grupo ng mga babae sa isang mesa.
Napansin kaagad kami ng mga ito, ngumiti naman ang mga ito sa amin. Napailing na lang ako nang makita ko sa grupong iyon ang isa sa mga ex ko.
Naroon si Erica, siya iyong niligawan ko nung grade nine kami at matapos ng ilang buwan ay nagkahiwalay din naman kami. Dahil close kami nina Mico kay Madison wala akong nagawa kung hindi ang daluhan sila roon. Saka hindi naman ako nakaramdam ng kahit na anong ilang sa mga naging ex ko, sa tuwing nakakausap ko sila o nakakasama parang wala lang. Siguro ay ganoon talaga kapag hindi naman ganoon kalalim ang naging relasyon niyo.
"Ano'ng section niyo?" Tanong ni Diana na kaibigan din namin, at kaibigan din ni Madison.
"As usual magka-kaklase kami," nakangiting bulalas ni Mico.
Napailing na lang ako. Kung hindi lang naman nila ipinakiusap sa staff iyon ay hindi kami magkakaklase. Dahil sa aming apat ako lang ang nahiwalay ng section, pero nagpumilit ang mga ito na magpalipat ng section, at iyon magkakasama nanaman kami.
"So ano ngang section niyo?" Tanong naman ni Diana matapos sumimsim sa kaniyang milk shake.
Napalunok ako nang makita kung paano niya pahiran ang lumampas na piraso ng milk shake sa kaniyang labi. Mabilis na iiniwas ko ang tingin ko sa ginawa niyang iyon.
"Ten-Exodus," sagot ni Arthur.
"Saan 'yon?" Tanong naman ni Madison.
"Sa main building. Second floor," sagot naman ni Erica.
Napatingin ako sa kaniya. Bakit alam niya ang room namin? Baka naman may boyfriend siya sa isa sa mga naging kaklase ko kaya ganoon na lang kadali sa kaniyang malaman.
Every year kasi ay iniiba-iba ang room ng section rito. Maliban na lang sa room ng first section. Pero yung mga regular section nagpapalit-palit talaga ng room. Kaya naman nakakapagtaka na nalaman kaagad ni Erica ang location ng room namin.
"Bakit mo alam?" Bigla ay napabuga ako ng tanong.
Tumaas naman ang kilay ni Erica sa akin. Nilunok na muna niya ang kaniyang sinimsim na milk shake.
"Paanong di ko malalaman, kaklase mo ako." Aniya.
Kumunot kaagad ang aking noo sa gulat. Namilog naman ang mga mata nina Madison at Diana.
"Oh my goodness, ungkatan na ng past," ani Madison sabay tumawa.
"Hindi mo ba alam?" Tanong sa akin ni Jade.
"Hindi," nagugulantang na sagot ko saka nilingon ang mga kaibigan ko, "Bakit hindi niyo sinabi?"
Tumawa silang lahat ako ay napailing na lang at sinapo ang aking batok.
"At dahil wala kang alam, ilibre mo kami." Humahalahak na ani Mico.
"Tang ina, may patago ka?" Asik ko rito.
"Sige na, Matt. Minsan lang naman eh. Damot mo porque ba sa Japan kayo nagkabasyon ng pamilya mo?" Nang-aasar na bulalas naman ni Jade.
Wala akong nagawa kung hindi ang dumukot ng isang daan sa pitaka ko at ibinigay iyon sa kanila.
"Thank you, Matt! Hulog ka ng langit! Ang gwapo-gwapo mo talaga!" Tumawang-tuwa na palahaw naman ni Diana.
"Tss, nambola ka pa. Ibalik niyo sa akin sukli!" Asik ko.
"Patawa ka!" Naramdaman ko kaagad ang paglagapak ng palad ni Madison sa batok ko, "Kulang pa yung ibinigay mo! Abonado pa kami!" Singhal nito sa akin na tinawanan ko lang.
Nagtayuan ang mga ito at nagtungo na sa pila. Naiwan naman ako sa table habang pinapanood silang pumila. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko at napaginda ang aking tingin kay Erica.
Pinasadahan ko siya ng tingin, mula sa paa. Napansin ko ang bago niyang black shoes, ang makinis niyang binti at ang palda niyang abot sa kaniyang tuhod. Wala pa ring pagbabago sa kaniyang katawan, petite pa rin ito at mahaba pa rin ang buhok.
Nang papasok na kami sa school ay inunahan ko na si Erica na damputin ang bag niya. Kaagad ko iyong dinala.
"Yieeh, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig," kanta pa ng mga ito.
"Tang ina Matt! Hindi kapa ba nakaka- move on kay Erica?" Tumatawang hagalpak ni Jade.
"Mga siraulo!" Asik ko sa mga ito.
Hindi ko alam kung bakit nila ginagawang big deal ang bagay na ito samantala wala naman talaga ito sa akin. Gusto ko lang makatulong dahil may pinagsamahan rin naman kami. Minsan niya rin akonh sinagip noon. Tinutulungan niya ako sa mga school works noon na masasabi ko namang napag-improve sa grade na meron ako.
Pagdating naman sa room ay kaagad ko namang ibinigay kay Erica ang bag niya.
"Thank you," malambing na anito saka ako nginitian.
Tinanguan ko lang ito at nagpaiwan kami ng mga kaibigan ko sa labas ng room. Noon pa man ay gawain na naming magkakaibigan ang tumambay sa pasilyo saka lang papasok kapag natanaw na namin ang teacher na parating.
"Babalikan mo ba si Erica?" Tanong sa akin ni Mico.
Pinagkunutan ko kaagad ito ng noo, "Ang laki ng issue niyo sa pagbitbit ng bag ah," sambit ko.
"Kahit na. Syempre iba talaga iisipin namin, ex mo 'yun eh," bulalas naman ni Jade.
"Wala," sambit ko saka umiling, "Wala akong balak na balikan siya."
"Sus, Matt." Ngiwi naman ni Arthur.
Kaagad kong inilingan ang mga ito, mga hindi marunong makinig. Kailanman ay hindi ako bumalik sa mga ex ko. Oo at maayos pa rin ag trato ko sa kanila, iyon ay sign na lang ng paggalang sa pinagsamahan namin. I am gentle when it comes to my exes, just because that who I am. Hindi dahil gusto kong balikan sila. Lahat na lang talaga ay inisyuhan ng nga ugok na ito.
"Kailan ba ako bumalik sa mga naging ex ko?" Bato ko sa mga ito.
"Hmmm, ewan ko." Ani Jade.
"See? Hindi ko na babalikan si Erica kung 'yan ang iniisip niyo," bulalas ko saka ngumisi.
"Hindi pa. Pero ngayon malay mo naman," nakangiting ani Mico.
Kaagad ko'ng binatukan ito, "Siraulo!"
Pumasok rin naman kami sa loob ng room nang may pumasok ng teacher sa amin. As usual tulad ng sinabi ko kanina, boring ang unang araw dahil nga pulos lang introduce yourself, tapos ay mga rules ans regulations lang sa bawat subject teacher.
"I'm Matt David Rivera Toledo, call me Matt. I am sixteen years old," Paulit-ulit na iyan ang lumalabas sa bibig ko, dahil nga ang bawat teacher na papasok ay panay introduce yourself lang ang unang pinapagawa.
Pero kahit na boring ang unang klase ay masaya naman ang ilan. May magka-close na lalo na ang mga babae ang iingay, hinanap ng mga mata ko si Erica at may tatlong babae na kaagad itong kausap at katawanan.
Iginala ko ang mga mata ko, kapag may teacher lahat ay tahimik pero kapag lumabas na ay bumabalik naman ang ingay. Mas malakas ang ingay na ginagawa ng mga babae habang kaming mga lalaki ay naglalaro lang ng mobile games.
Sa buong maghapon ay ganoon ang ganap. Ibinulsa ko ang cellphone ko nang dumating naman ang last subject namin. Siya ang aming magiging adviser. Huminga ako ng malalim dahil tulad ng mga nauna, ganoon rin ang ipinagawa niya.
Hapon na at papalubog na ang araw kaya naman ilang minuto na lang ang hihintayin at titiisin ko tapos ay uwian na rin. Kagat labing iginala ko ang mga mata ko.
At hindi ko naman sinasadya na mapaginda ang aking mga mata sa bandang kanluran. May isang babaeng maikli ang buhok ang tumayo sa kaniyang upuan, tumungo ito at tila may hinahanap sa kaniyang bag. Kagat-labi na pinanood ko ang ginagawa niya.
Kapagkuwan ay tumunghay naman ito at nasa kamay na nito ang kulay pulang suklay at pinasadahan ng suklay ang buhok niya. Kumalas ang pagkaka-kagat ko sa aking labi at umawang ang bibig ko, dahil sa kinatatayuan niya ay naroon ang papalubog ng araw, tanaw iyon sa bintana at ang pagkakatayo niya roon ay tila ba perfect timing para sa akin. Dumagdag sa ganda ng tanawin ang ginagawa niya.
Pinagmasdan ko siyang maigi, morena siya at hindi ganoon katangkad. Medyo payat, pero hindi naman masasabing petite ang pangangatawan niya, maamo ang mukha niya kung tutuusin ngunit nagmumukha siyang mataray dahil sa kaniyang makapal na kilay at pilik mata.
Nang makaupo na ito at tapos na sa pagsuklay ng buhok ay may dumaan naman akong babaeng kaklase ko sa harapan ko. Kilala ko ang babaeng ito, close rin kami noong grade 8.
"Cheska," tawag ko rito.
Lumapit naman ito sa akin.
"Bakit?" Kaagad niyang tanong.
"Ano'ng pangalan ng babaeng 'yon?" Tanong ko saka itinuro iyong babaeng nakita ko.
Kung bakit ba naman kasi hindi ako nagbigay ng atensyon sa pagpapakilala nila kanina.