Kabanata I

1937 Words
I: Wish "Gago! Ano 'yung nabalitaan ko kay Cheska?" Salubong sa akin ni Arthur nang nakapasok ako ng room. "Anong balita?" Maang-maangan kong tanong. "Ulol! Wag nga kami ang niloloko mo, Matt. May natipuan ka sa mga kaklase natin?" Si Jade. Napangiti ako ng bahagya saka umiling. "Nagandahan lang ako, hindi natipuan. Tsaka hindi ko type 'yon," usal ko naman. Tumawa naman kaagad si Mico at si Jade. "Ulol, pero pinapatanong mo pangalan? f**k you," itinaas pa ni Arthur sa akin ang gitnang daliri niya. Tumawa ako at umiling, "Sinabing hindi ko nga tipo 'yon," bulalas ko naman. "Sige itanggi mo pa," sinuntok ni Mico ang balikat ko. Totoo namang hindi ko tipo ang babaeng 'yon. Ang gusto ko sa babae, maputi, makinis at maganda. Yung babaeng tinutukoy nila ay morena at maganda naman siya kaya lang alam ko sa sarili ko na hindi siya ang tipo ko. Naglalaro kami ng mobile games nang maagaw niya ang pansin ko. Kapapasok lang niya ng room at may kasama siyang tatlong babae, nagtatawanan sila habang isinusuot ang kanilang foot socks sa labas ng pinto. Kilala ko iyong tatlong babae na kasama niya. Ang isa doon ay si Janine na naging kaklase ko noong grade nine ang isa pa ay si Hazel na dati ay katabing room namin ang section nila, at ang isa pa ay si Jaz na nanalong Miss Intramurals noong grade 8. Kung gayong magkakakilala sila, bakit hindi ko man lang kilala ang babaeng iyon. Ayon kay Cheska ay dito siya nag-grade seven. Pero bakit ni hindi ko man lang siya nakasalamuha. Bakit ngayon ko lang siya nakilala? Siguro nga ay ganoon talaga, marami pa yata akong hindi kilala rito sa DU. Tinitigan ko sila hanggang sa makaupo sila sa fourth row. Magkakatabi silang magkakaibigan, nagtatawanan silang lahat habang may pinagke-kwentuhan na hindi ko naman alam kung ano. Hindi ko naman namalayan na napapatagal na ang titig ko sa kaniya. Nang matanto ang bagay na iyon ay iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya, sa halip ay ibinalik ko ang atensyon sa aking nilalaro. Ngunit kahit na anong abala ko sa aking sarili ay hindi ko naman mapigilan ang sarili ko, napapasulyap pa rin ako sa kaniya. "Bakit mo tinitingnan si Gallardo?" Tanong sa akin ng katabi ko namang lalaki na si Erwin. "Gallardo? Siya ba iyong maikli ang buhok?" Paninigurado ko naman. "Oo, hindi mo ba siya kilala?" Tanong uli sa akin ni Erwin. Umiling ako, "Hindi eh. Transferee ba siya?" Tanong ko rin, dahil baka mamaya ay ini-indian lang ako ni Cheska na dito nag-aral si Gallardo. "Naging kaklase ko 'yan nung grade eight," ani Erwin. Kumunot ang noo ko at bumaling ng tingin sa kaniya. "Ah, hindi kasi siya pamilyar sa akin." Sambit ko na lang. "Hindi naman kasi pala-labas ng room 'yan noon e. Tsaka madalang yang makisalamuha, si Janine lang ang kausap niyan noon. Bestfriend niya yan eh," saad pa ni Erwin. Lalong kumunot ang noo ko, ibig sabihin ay matagal nang magkakilala si Janine at si Gallardo. Ibig bang sabihin niyon ay talagang hindi kami nagkasalamuha ni minsan? "Mag-bestfriend sila? Kailan pa sila magkakilala?" Tanong ko naman kay Erwin. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naging interesado sa babaeng ito. Marahil ay talagang nakuryoso lang ako sa kaniya. Kakaiba kasi siya sa paningin ko. Siguro ay dahil na rin ni hindi ko man lang siya namataan noon, kahit na madalas akong maglibot dati sa iba't ibang room at nakikipaglandian sa ibang babae. "Sa pagkaka-alam ko grade seven sila nagkakilala," kibit-balikat naman ni Erwin, "Interesado ka sa kaniya?" Kaagad akong umiling. "Hindi," maagap kong sagot, "Nanibago lang ako. Bagong mukha para sa akin e," dugtong ko pa. Hindi na umimik muli si Erwin. Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko na busy sa paglalaro sa kanilang cellphone. Tumayo ako sa kinauupuan ko, hindi ko alam kung bakit gusto kong maupo sa unahan at doon titigan si Gallardo. Sa unahan kasi mas tanaw ko ng maayos ang mukha niya. Nagpanggap ako na naupo sa tabi ng white board at inilabas ang aking cellphone at kin-lick ang camera icon. Ni-check ko muna kung naka-on ang flash, mahirap nang mahuli. Iniangat ko ito nang makitang naka-off naman ang flash, tapos ay saka ako kumuha ng tyempo para kuhaan siya ng picture. Bad trip lang dahil napapasama ang mga kaibigan niya. Kaya naman ang ginawa ko ay ni-zoom ko at sinugurado na siya lang ang masasakop ng camera. Matapos kong makunan siya ng tatlong picture ay bumalik ako sa likod, upang tingnan ang mga kinuha kong picture niya. Napangiti ako nang makitang kahit ang laki ng ngiti niya ay ang cute pa rin niyang tingnan sa anggulong iyon. "Sino yan?!" Nagulat ako nang bigla na lang may magsalita. Mabilis kong pinatay ang cellphone ko at aligagang naisilid ito sa bulsa ko. Si Erica lang pala, puta halos atakihin ako sa gulat. "Nanonood ka ng p**n no?" Ngising tanong sa akin ni Erica. "H-Hindi no," mabilis kong tanggi rito. "Bakit?" Dumating na ang tatlong ugok, si Mico, Jade at Arthur. "Si Matt, nanonood yata ng porn." Tumatawang pahayag ni Erica. "Tanga! Sinabing hindi nga," pikon kong usal. "Bakit nagagalit ka?" Asik sa akin ni Erica. "Mapilit ka e," sambit ko naman. "Bakit ba?" Nang-uusisang tanong naman ni Mico habang nagce-cellphone. "Nahuli ko'ng may tinitingnang nude photo," bulalas naman ni Erica. Ang ilang kaklase ko ay napatingin na sa gawi namin. Tumawa na lamang ako at umiling. "Tanga ka ne? Sinabing hindi nga p**n yon o nude," bulalas ko habang tumatawa. "We? Patingin nga?" Si Jade na malawak ang pagkakangisi. "Mga ulol," bulalas ko na lang saka ako umiling. "Oh bakit ayaw mong pakita?" Pamimilit pa ni Erica. "Bakit ba napaka pilit mo? Sabi nang wala nga 'yon," usal ko pa. "Ano ba kasing tinitingnan mo at inisip ni Erica na p**n 'yon?" Tumatawang nagtanong si Arthur. "Wala. Picture lang 'yon sa f*******:," sambit ko na lang. "Picture. Mukha mo," irap sa akin ni Erica saka umalis na sa kinaroroonan namin. Nanunuri ang mga tingin nina Mico, Jade at Arthur sa akin pag-alis ni Erica. Kaagad akong natawa at umiling. "Wala nga 'yon," sabi ko sa mga ito. "Eh bakit ganoon maka-react 'yong ex mo?" Usisa pa ni Mico. "Malay ko ro'n. Gano'n talaga kapag malaswa utak," sambit ko saka umiling. "Patingin nga ako, ano ba 'yon?" Si Jade na nakaabang na ang kamay. "Wag na." Ano ka sinuswerte? "Bakit ba ayaw mong patingnan?" Si Mico. "Basta. Sa akin lang 'yon," pangungumbinsi ko sa mga ito. Tang ina hindi ko akalain na ganito kalayo ang aabutin ng picture niyang iyon. Pasimple akong nagnakaw ng sandali upang matingnan ko siya, at ganoon pa rin. Nakaupo pa rin siya at katabi si Janine habang sila ay nagku-kwentuhan. Nang iiwas ko na ang tingin ko ay nahagilap ng aking mga mata si Cheska. Malawak ang pagkakangiti nito sa akin. "Si Matt may bago nanamang bibiktimahin!" Bigla nitong isinigaw ang bagay na iyon. Namilog ang mga mata ko sa gulat. Napatingin na kaagad sa akin ang mga kaklase ko pati na rin sina Mico, Jade at Arthur. "Sino ba kasi 'yan?" Nang-aasar na tanong naman ni Ella, isa sa kaklase kong babae na masasabing close ko rin naman. "Mga tanga! Maniwala kayo diyan kay Cheska," bulalas ko habang kinakabahan dahil baka may lumabas na kung ano sa bibig ng babaeng 'to. Pasimple kong sinulyapan ang kinaroroonan ni Gallardo and the heck! Ni hindi man lang sila naapektuhan ng sigawan na nangyayari. "Oh, sinusulyapan pa ni Matt oh!" Palahaw nanaman ni Cheska. "Sino ba?" Maang-maangan kong tanong, sunod-sunod na ang kabog ng dibdib ko dahil baka mamaya ay may masabi na talaga siya. "Sino ba 'yan, Matt? Si Erica ba ulit?" Tanong naman ni Mico. "Mga gago," asik ko sa mga ito. "Oh di makapagsalita, baka si Erica nanaman." Tawa naman ni Jade. "Ulol, tigilan niyo ko. Di ko na babalikan 'yan," sambit ko saka umiling. "As if namang gusto kitang balikan, Matt." Ganti naman sa akin ni Erica. "Ikaw pa lugi?" Singhal ko rito habang tumatawa. "Walang kabalik-balik sayo, f**k boy ka eh." Sambit pa ni Erica. Kaagad akong naalarma dahil nakuha na niyon ang atensyon ng mga kaibigan ni Gallardo. Nakikiusyoso na ang mga ito habang nananatiling unbothered si Gallardo. Tang ina, paano ba mapalingon 'tong babae na 'to? Tumayo ako at nilapitan si Erica. "Anong sabi mo?" Tanong ko rito habang nanginginig ang ilang kalamnan. "Oh bakit diba totoo? f**k boy ka naman talaga," asar pa sa akin ni Erica. "Mukha mo!" Asik ko na lang rito saka ako bumalik sa upuan ko at sinulyapan ulit si Gallardo. Damn it! Ni hindi man lang ito natitinag sa kinauupuan niya. "Uy, magbabalikan na yan." Tukso naman sa amin ni Janine. "Huh? Balikan amputa!" Palahaw ko. "Hindi si Erica," biglang bulalas ni Cheska. Nanlaki ang mga mata ko, ang lahat ay natigilan sa sinabi niyang iyon. Ngumisi si Cheska sa akin at nang-aasar na bumulong-bulong ng walang tinig. "Sino ba talaga?" Singhal naman ni Erica. "Selos ka?" Tanong naman ni Mico rito. "Yuck, ba't naman ako magseselos?" Tumaas ang isang kilay ni Erica. "Tumigil na kayo, nandiyan na si Ma'am." Anunsyo naman ni Jade. Dumating naman ang last subject, gusto ng adviser namin na maglinis na muna bago magsimula ang klase. Math ang last subject kaya mas lalo akong nagkukumahog na umuwi. Habang lumilipat naman ako ng upuan at buhat ko ang bag, hindi ko halos napansin ang babaeng nasa harap ko dahil sa sobrang pokus sa cellphone ko. "Excuse me," malalim ang boses niya. Napalingon ako ng agaran sa kaniya nagtutulak siya ng upuan upang maiayos ito. Napansin ko rin na medyo nahihirapan siya dahil bitbit din niya ang bag niya. "Cleaners ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Nahihiya siyang umiling habang itinutuloy pa rin ang pagtulak sa upuan. Mas napagmasdan ko ang kabuuan niya ngayong nasa harapan ko siya. Hanggang dibdib ko lamang ito, at mas maganda siyang tingnan ng malapitan. Mas magandang pakinggan ang boses niya nang harapan. Ninenerbyos ako sa epekto ng babaeng ito sa akin. Pati ang sarili ko ay hindi ko na rin maintindihan. "Hayaan mo sa cleaners yan," sambit ko na lang. "Hindi okay lang," aniya. "Tulungan na kita," I offered. "Hindi na," agarang tanggi niya. Nilampasan niya lang ako. Napapahiyang lumunok ako at kaagad na nagtungo sa aking upuan ngunit sinulyapan ko pa rin siya. Natapos na ang pag-aayos niya ng upuan at nagtungo na sa kaniyang silya sa subject na Math. And goddamn it! Sandali lang kami nag-usap pero bakit halos manginig ang buong kalamnan ko? Wala namang naganap na ganoong mabigat na diskasyon. Dahil nagbotohan lang naman para sa class officer. President si Erica, Vice President naman si Ella, escort si Mico at muse si Jaz. Ngunit ang hindi ko maintindihan dito ay hindi lumulubay ang mga mata ko kay Gallardo. Naiinis ako na apelyido pa lang ang alam ko sa kaniya, ayoko namang maglakas loob na magtanong pa sa iba, ayokong lumaki yung simpleng pagtatanong ko lang. Hanggang sa mag-uwian ay hindi nalubay ang mga tingin ko sa kaniya. Nasaksihan ko pang bumeso ito sa kaniyang mga kaibigan. And damn! I wish I was one of her friends. For the first time in my entire life, I had a wish. Wish that is impossible to happen. Pero hinihiling ko pa rin, na sana matupad kahit na imposible. "Bye Mian!" Kinawayan ito ni Janine. And finally have known her name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD