Kabanata II

2067 Words
II: Mahal Lumipas ang halos dalawang linggo ng aming klase. Wala pa rin akong kilos na nagagawa para man lang magkalapit kami ni Mian. Habang sina Mico, Arthur at Jade ay unti-unti nang nakakalapit sa kanila. Close na nga ng mga ito ang mga kaibigan ni Mian na sina Janine. Nakikipagtawanan na rin si Mian sa mga ito, at tang ina napipikon ako. Bakit wala man lang akong lakas ng loob na lapitan si Mian, kahit kay Janine ay nahihiya ako bigla. Nakakainis namang nararamdaman 'to, Matt. Kaya naman para sa unang hakbang ko ay kinausap ko ang nasa fifth row na sina Erwin, nakipagpalit ako ng upuan sa kanila para ako naman ang nasa likuran ni Mian. Habang tinitingnan siya mula sa likuran at hindi man lang ako nililingon ay isa na ring magandang pangyayari sa akin. Ang mahalaga malapit na ako sa kaniya. Pinapanood ko siyang nagbabasa ng notes, marahil ay may quiz kami ngayon. Iginewang ko ang aking ulo upang silipin ang kaniyang notes. Ang ganda ng sulat kamay niya. Organisado, at naka-higlight ang mga importanteng detalye. Bahagya akong napangiti. Ibinalik ko ang mga tingin ko sa kaniyang maikli at itim na buhok. Hindi ito ganoon kabagsak, ngunit tuwid naman ito, at kahit pa maikli ang kaniyang buhok ay nakatali ito sa mga sandaling ito. "Gallardo," mahinang tawag ko sa kaniyang apelyido. Sinubukan ko lang kung lilingunin niya ako. At hindi ko naman inaasahang gagawin niya nga iyon, bahagyang nakaukit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi habang medyo namimilog pa ang mga mata. Wala akong nagawa kung hindi ang napangiti na lang at kaagad siyang inilingan. "Wala," sabi ko na lang. Tumango lang ito at muling ibinalik ang kaniyang tingin sa kaniyang notebook. Napatungo ako habang pinapakawalan ang malalapad na ngiti, hindi ko malaman kung saan nanggaling ang mga kiliting nararamdaman ko ngayon. Tang ina mo Matt. Hindi ikaw 'to. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito sa mga naging girlfriend ko, at hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman kay Mian samantala hindi naman siya ang tipo kong babae. Sa mga nagustuhan kong babae nitong mga nakaraan, diretsahan akong nakakapagsabi ng nararamdaman ko. Diretsahan kong naipapahayag ang gusto ko at ang pakay ko. Diretsahan kong nasasabing gusto ko sila. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit pagdating kay Mian ay urong ang buong tapang ko? Nawawala ang pagka-lalaki ko sa tuwing siya ang kaharap ko. Nagiging corny pa akong tao. Nang matapos naman ang quiz ay nagpalitan na ng papel at bigla akong nahiya nang sinabi ng teacher na sa kaharap at nasa likod ang palitan ng papel. Ibig sabihin mapupunta kay Mian ang papel ko, at mapupunta sa akin ang papel niya. "Akin na ang iyo," dinig kong utas niya habang iinaabot sa akin ang papel niya. Napangiti ako at nagdalawang isip kung iaabot ko ba sa kaniya ang papel ko. "Bakit mo pa che-check-kan wala namang sagot?" Biro ko naman dito. "Kahit na. Akin na nga," natatawang usal niya. Huminga ako ng malalim at iniabot sa kaniya ang papel ko. May sagot naman ako kaya lang hindi kumpleto baka nga bagsak pa ang maging score ko. Kinuha ko rin ang kaniya at nang mag-umpisa na ang checking, halos lumuwa ang mata ko dahil ni wala siya kahit isang mali. Matapos ng checking ay ibinalik rin namin sa isa't isa ang kaniya-kaniyang mga papel. Tiningnan ko ang score ko at nakakuha naman ako ng ten over twenty-five. Not bad. Habang inire-record naman ng teacher ang mga score ay nilapitan naman ako nina Jade, Arthur at Mico. Tumabi ang mga ito sa upuan. "Ilan nakuha mo?" Tanong sa akin ni Mico. "Wala," sagot ko. "Patingin nga ako," sabay kuha sa papel ko ni Arthur. "Naka-ten. Sana all," bulalas naman ni Jade. "Ilan ba nakuha niyo?" Tanong ko sa mga ito. "Five," sabay-sabay nilang utas. Tumawa kaming lahat at hindi namin akalain na tumawa rin ang magkakaibigan sa harap na row namin. Grupo nina Janine, Jaz, Hazel at Mian. "Girls and boys at the back!" Saway sa amin ng President namin na si Erica. "Luh? Tumawa lang kami eh," katuwiran naman ni Mico. "Tumawa nga kayo, e nagre-record si Ma'am." Umirap pa si Erica. "May masama ba sa pagtawa?" Bulalas naman ni Jade. "Jade, sasabat pa! Puwede namang tumahik na lang," singit naman ng VP na si Ella. "Nyeee! Vice President pabibo!" Sigaw ni Arthur. Umirap si Ella at gusto ko na lang matawa sa palitan nila ng mga asaran. "Mico! Score mo," tumatawang tawag ni Ma'am rito. "Twenty-six ma'am," bulalas ni Mico sabay tawa. "Saan ka sumobra?" Sabay naman ni Ma'am sa trip ni Mico. "Sa pagmamahal sa kaniya," sigaw ni Mico. "Ouch," sambit ng buong klase. Lumingon pa si Mian sa amin habang malawak ang pagkakangiti kaya naman nagtama ang mga mata namin, ngunit mabilis din niyang ibinalik sa unahan ang kaniyang mga tingin. "Joke lang ma'am, five lang po." Tawa naman ni Mico. "Sa sobrang pagmamahal mo sa kaniya, score mo ang pinabayaan mo," iiling-iling na utas ni ma'am. "Guys bumaba na daw sa comlab!" Anunsyo ni Erica. "Lahat na lang may lab! Tang ina, nabi-bitter ako," si Arthur. "Napapagod na ako," reklamo rin ni Jade. "Tang ina, kagagaling lang natin ng science lab, comlab naman!" Reklamo ng gagong si Mico. Nakakapagod naman kasi talaga. Bumaba kami ng Science Laboratory kanina, after science ay break time naman. Tapos ngayong kapapahinga pa lang namin ay pinabababa naman kami sa comlab. Bwisit! "Kung ayaw mong sumunod kay Sir Vids ka mag-reklamo!" Singhal naman ni Erica rito sabay irap. "Sige sasabihin ko inutusan mo 'ko," biro naman ni Mico. "Shut up!" Inirapan itong muli ni Erica. "Sus, papansin ka lang kay Matt eh. Matt pansinin mo nga!" Bulalas ni Mico. "Oh? Nadawit pangalan ko diyan? Nanahimik ako ah," sambit ko. "Papansin kay Matt. Samantala si Matt ang papansin sa akin," buga naman ni Erica. Kaagad akong nagpakawala ng malakas na tawa. "Papansin? Ako? Sayo? Bakit naman ako magpapapansin sa'yo?" Itinaas ko ang mga kilay ko. "Bakit hindi ba totoo?" Singhal sa akin ni Erica. "Isipin mo gusto mong isipin," sambit ko na lang at napipikong tumayo sa upuan para lumabas na ng room. Eksakto namang labas ko ay nasalubong ko si Mian, nagmamadali itong pumasok sa room at nilapitan ang bag niya saka iyon dinampot. Hindi ko na hinintay na makalabas siya kaya naman nauna na akong maglakad pero binagalan ko lang. Ilang saglit pa nga ay lumitaw na lang bigla sa harap ko si Mian habang madaling-madali na ang mga hakbang. Kumunot ang noo ko at mas binilisan ko rin ang lakad ko. Kaagad akong nakaramdam ng pag-aalala nang hanggang sa pagbaba ng hagdan ay nagmamadali pa rin siya. "Mian," tawag ko upang maagaw ko ang atensyon niya. Mabilis naman itong tumigil at nilingon ako, "Bakit?" tanong niya. "Bakit nagmamadali ka?" Tanong ko naman sa kaniya. Bahagya siyang natawa, ipinagpatuloy namin ang pagbaba sa hagdan, sa pagkakataong ito magkasabay na kaming dalawa. "Hinihintay kasi ako nila Janine sa baba," aniya. Napangiti naman ako, "Akala ko naman mali-late kana," sambit ko. "Hala, hindi ah." Aniya habang tumatawa. Ang sarap pagmasdan ng mga ngiti niya. Magsasalita na sana ako ngunit bigla ko na lang narinig ang boses nina Janine. "Bilisan mo!" Utos nito kay Mian habang sinesenyasan sa baba. Nilingon naman ako ni Mian at kaagad ko siyang tinanguan saka nginitian. "Kasabay mo pala si Matt, sabay na natin." Ani Hazel. Napangiti ako sa suhestyon na iyon ni Hazel. Wala na rin naman akong nagawa kung hindi ang sumabay sa kanila. "Hindi mo yata kasama sina Mico?" Tanong sa akin ni Jaz. "Nakikipagtalo pa sila kay Erica," sagot ko. "Ang ganda no'n no?" Biglang usal naman ni Mian. Kumunot ang noo ko, sino naman kaya ang tinutukoy niyang maganda. "Nino?" Tanong ni Janine. "Si Erica, nagagandahan talaga ako sa kaniya," aniya. "Maganda ka rin naman ah?" Bulalas ko. Nilingon naman ako nito saka pinagkunutan ng noo. "Saan banda?" Nakangiwing aniya. "Ito si Matt pati yata kaibigan ko gustong puntiryahin!" Sikmat naman sa akin ni Janine. "Hoy! Wala naman akong sinabi ah? Ang sabi ko lang maganda din siya," katuwiran ko. "Ulol! Alam kong sa paganiyan-ganiyan mo rin nakuha mga ex mo? Ano ang ending, pinaiyak mo lahat," supalpal naman sa akin ni Janine. "Wow, heartbreaker." Tawa naman ni Mian. Parang wala lang naman sa kaniya yung narinig niya. Para namang wala siyang pakialam kung marami man akong pinaiyak na babae, para namang hindi siya naapektuhan. "Hindi naman. Sadyang di lang talaga kami nagtatagal," sambit ko naman. Nilingon niya ako saka nagkibit-balikat. "Alam mo Matt, kung mahal mo ang isang tao hindi dahilan 'yan. Hindi dahil hindi kana masaya o wala ng excitement iiwan mo na," saad niya. "Tanong may minahal kaba sa mga ex mo? O infatuation lang lahat 'yon?" Tanong sa akin ni Hazel. Napaisip naman ako. May minahal nga ba ako? O lahat ng iyon ay bunga lang ng paghanga? O baka naman puppy love? "See? Hindi makasagot, ibig sabihin wala pang minahal 'to," bulalas naman ni Jaz. "Ang sama niyo naman sa akin," sambit ko na lang. "Wag niyo na ngang pag-usapan yang bagay na 'yan." Saway sa amin ni Mian. Pagdating naman namin ng comlab, sumunod ako sa grupo nila at kung saang row sila naupo ay doon rin ako naupo. Naupo ako sa tabi ni Mian, wala naman siyang reklamo dahil hinayaan naman niya ako, nasa kabilang tabi niya naman si Janine at kaagad silang nagdaldalan na magkakaibigan. Maya-maya pa ay pumasok na rin sina Mico, Jade at Arthur. Tumakbo ang tatlo patungo sa tabi ko. Tumabi ng upo sa akin si Jade. "Bakit nang-iwan ka?" Nakangising tanong ni Jade sa akin. "Napikon ako kay Erica," sagot ko naman. "Para namang di mo kilala si Erica, ganoon lang 'yon. Pero mahal ka noon," biro naman sa akin ni Mico. "Gago!" Sikmat ko rito saka umiling, "Nakakainis eh, ako pa sinabihang papansin, nanahimik na nga ako." Tumawa silang tatlo, "Baka naman kasi gusto ka pa ni Erica," ani Arthur. "Tss, wala na akong gusto sa kaniya." Diin ko naman. "Ex mo pala si Erica?" Biglang nagtanong ang katabi kong si Mian. Dali-dali akong napalingon sa kaniya. "Hindi mo alam?" Naunahan ako ni Mico sa pagtatanong. Papansin talaga. "Hindi e," ani Mian na kay Mico na nakatingin ngayon. "Mag-ex sila. Ito namang si Matt ayaw pang umamin na gusto pa rin niya si Erica," daldal naman ni Jade. "What?" Marahas kong naipilig ang ulo sa gawi ni Jade, "Wala naman na talaga akong nararamdaman kay Erica." "Sus? Kung talagang wala kang nararamdaman kay Erica e'di sana ngayon may panibago ka nang nilalandi, kilalang-kilala ka namin Matt." Asik naman sa akin ni Arthur sabay tawa. Tang ina. Kung hindi ako nakakapagtimpi nasuntok ko na mukha ng mga ito. Dito pa talaga nila sinasabi ang mga bagay na 'yan. Napapahiya ako. "Hindi ba pwedeng nagasasawa na ako sa landian?" Utas ko naman. "Ulol! Ikaw magsasawa sa landian? Pustahan tayo ilang buwan lang sila nanaman ni Erica," bulalas naman ni Mico. "Ewan ko sa inyo. Tulad ng sabi ko hindi pa ako kailanman bumalik sa mga ex ko," singhal ko sa kanila. Kaunting-kaunti na lang may masasapak na talaga ako. "Bakit naman?" Biglang sumingit ang tinig ni Mian, kaya napalingon ako sa kaniya. "Anong bakit naman?" Tanong ko rito. "Hmmm, bakit naman ayaw mong balikan 'yung mga naging ex mo? I mean paano kung mahal ka talaga nila and they want another chance? Hindi mo pa rin sila babalikan?" Aniya. Ang lalim naman noon. "Mahal? Ako nga hindi ko sigurado kung may minahal ba ako sa mga naging ex ko o infatuation lang lahat 'yon, sila pa?" Sambit ko naman. "Hindi mo pa rin alam, hindi naman lahat ng nararamdaman kailangang ipahayag para malaman. Ikaw ba ni minsan ba sa mga naging karelasyon mo naramdaman mo na minahal ka?" Anito habang nakatingin sa mga mata ko. Umiling ako. Hindi ako sigurado sa sinasabi niya ngayon. "O baka naman minahal ka pero, hindi mo ramdam kasi ang alam mo lang noon, makipagrelasyon, pinili mo na hindi intindihin ang nararamdaman nila," dugtong pa niya. "Anong sinasabi mo?" Natatawa kong tanong. "Wala, ang sa akin lang, hindi iiyak ang mga nakarelasyon mo kung hindi ka minahal." Sambit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD