IV: Distance
Dumating ang sundo ni Mian. Sakay ng isang kotse ang daddy niya na bumaba naman upang salubungin ang kaniyang anak.
"Halika, pakilala kita kay dad," aniya at hinila ang pala-pulsuhan ko.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang magpadala na lang din. Mas matangkad ako ng kaunti sa kaniyang daddy, ngunit kapansin-pansin ang maskulado pa rin nitong pangangatawan. Wala pang puting buhok at hindi naman maipagkakaila na gwapo ang kaniyang ama.
"Dad si Matt po, kaibigan ko." Ani Mian habang nakangiti sa kaniyang ama.
Nakangiting nag-angat sa akin ng tingin ang daddy niya. Kaagad naman akong yumuko upang magbigay-galang.
"Magandang gabi ho," bati ko rito pinilit kong pakalmahin ang boses ko nang sa gayon ay hindi ako magmukhang kabado.
"Magandang gabi rin, hijo." Bati naman nito pabalik sa akin, "May susundo ba sa'yo? Sumabay kana sa amin ni Mian, ihahatid na kita," he offered.
Maagap naman akong umiling, "Hindi naman ho kailangan. May motorsiklo naman po ako, sinamahan ko lang po si Mian na maghintay sa inyo," usal ko.
"Oh ganoon ba? Sige, mag-iingat ka," tinapik pa nito ang balikat ko.
Sinulyapan ko naman si Mian at ngumiti siya sa akin. Kaya ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.
Pinagbuksan na siya ng dad niya, nakangiti siyang kumaway sa akin, bago pumasok sa loob ng kotse. Tumango naman ako bilang pagpapaalam, tapos ay hinarap akong muli ng daddy niya nang makapasok na siya sa loob.
"Mauna na kami sa'yo. Salamat sa malasakit sa anak ko," aniya habang malawak ang ngiti sa akin.
Pagkauwi sa bahay ay lutang akong nakahiga sa kama at isip nang isip ng kung ano-anong bagay. Ngunit sa bawat bagay na naiisip ko, nakakapanibagong ni hindi man lang nawala roon si Mian.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagtungo sa f*******:, then I searched her.
Misty Gianna Gallardo.
I scrolled on her timeline, walang gaanong post, kundi mga tagged picture lang sa kaniya ng mga relatives niya. I tapped on the add friend button. Saka bumuntong-hininga ako na nagtungo sa convo namin nina Mico, Jade, at Arthur.
Matt David:
Ligawan ko kaya si Mian?
Kaagad nilang na-seen ang message ko, na gusto ko na sanang burahin ngunit nakita na nila. Tang ina, hindi nanaman ako titigilan ng mga ito.
Arthur Dion:
Si Mian naman pala ang nais. Hahahaha.
Mico James:
Ulol. HAHAHAHA, manligaw ka kung papatusin ka ba e.
Jade Andrew:
La? Akala naming lahat si Erica ang gusto mo? Si Mian pala, tang ina away na! HAHAHAHA.
Tang ina mukha namang wala akong mapapalang payo sa mga ito, ano pa nga ba? E katulad ko naman silang wala ring naging permanenteng relasyon.
Nag-type naman ako ng reply ko para sa kanilang lahat.
Matt David:
Akala ko pa naman may mapapala ako.
Mico James:
Pre, ligawan mo na lahat wag lang si Mian.
Arthur Dion:
Oo nga, tropa natin 'yon.
Jade Andrew:
Seryosohan ba? Akala ko nagbibiro lang si Matt. HAHAHAHAHAHA.
Huminga ako ng malalim at sinubukan ko pa ring pahabain ang pasensiya ko.
Nag-reply naman ako sa chat ni Mico.
Matt David:
Ano namang masama kung ligawan ko siya?
Arthur Dion:
Matutulad lang si Mian sa mga past girlfriends mo, kaya pre wag si Mian. Kapag oras na nasaktan mo siya, lalayo sa atin yung tao.
Jade Andrew:
Hala seryoso talaga kayo diyan? Hahahahaha, tang ina Matt.
Pinatay ko na lang ang cellphone ko at sinubsob ang aking mukha sa malambot na unan. Blangko nanaman ang isip ko ngayon, hindi ko alam ang patutunguhan. Kaya naman minabuti ko na lang na matulog.
Maaga akong gumising dahil gusto kong pumasok ng maaga. Ipinagtaka ko pang naroon si Mommy nang magising ako, usually weekend lang siya nag-i-stay dito sa bahay eh.
"Ang aga mo, wala namang pasok." Puna nito sa akin.
Kaagad na kumunot ang noo ko, "Wala? Holiday ba?" tila dismayado kong tanong.
Kumunot ang noo ni mommy at kapagkuwan ay napangiti rin.
"Son, it's weekend. Saturday." Ani Mommy.
Kaagad kong sinulyapan ang aming digital calendar sa dingding ng sala. And what the f**k? It is really Saturday. Tang ina.
"Hindi ko namalayan," dismayado kong usal saka umiling na lang.
"Oh, sinisipag kang pumasok ah?" Nakangiting puna ni Mommy sa akin.
"Hindi ko lang talaga namalayan, my." Usal ko na lang.
"I don't believe you. Ikaw ang laging naghihintay ng Friday dahil nga weekend kinabukasan kaya imposible naman na nakalimutan mo," nguso pa ni Mommy sa akin at tinundo pa ang aking dibdib.
What the f**k is happening? Ni hindi ko talaga namalayan na Sabado pala ngayon. Tama si Mommy, noon ay ako ang pinaka masaya kapag araw na ng Biyernes dahil kinabukasan ay walang pasok, kaya naman paano ko nakalimutan na Sabado ngayon.
Tang ina, dahil ba to sa sobrang pag-iisip ko sa kaniya? O nasanay lang talaga ako na sa buong araw na may pasok ay kami ang magkakasama at hindi ko na halos namalayan ang pagdaloy ng oras.
At bakit mo ba naman kasi naisip na ligawan siya Matt? Una sa lahat ay kabaliktaran siya ng babaeng tipo ko. Maganda naman siya kaya lang marami sa trait niya ang hindi ko talaga gusto sa isang babae. Paano ko naman naisip na ligawan siya? Paano yun pumasok sa utak ko? Bwisit.
It's boring being in the house for almost a day. Tanghali na ngunit wala pa rin akong maisip gawin. Kahit ang paglalaro ng cellphone ay kinatamaran ko na ring gawin. Ano ba itong nangyayari sa akin? Napa-praning na ba ako?
Dinampot ko na lang ang cellphone ko at nagtingin sa messages na tambak na ngayon. Napansin ko na may ilang babaeng nagcha-chat sa akin. Mga kilala rin sila sa DU. Kaya lang wala ako sa mood na replyan sila.
Binuksan ko naman ang convo naming magkakaibigan.
Mico James:
Tara gala daw. Nag-aaya sina Madison.
Kaysa naman mamatay sa pagka-boring sa bahay ay pinasya ko na lang na magtungo sa gala na sinasabi nila. Nagkita-kita kami sa food court ng mall, at malayo pa nga lang ay tanaw ko na sina Madison, Diana, Jade, Arthur, Mico at si Erica.
Huminga ang ng malalim, hindi ko akalain na nandito si Erica. Sa halip na kung ano-ano pa ang isipin ko, nilakihan ko na lang ang mga hakbang ko patungo sa kinaroroonan nila.
"Ang tagal mo tang ina ka!" Asik sa akin ni Jade nang nakaupo na ako sa mesa.
"Traffic," sambit ko na lang.
"Hindi mo ba dinala motor mo?" Tanong ni Diana.
"Hindi," sagot ko.
"Tutal huli kang dumating ilibre mo kami." Nakangiting bulalas ni Erica.
Namimilog ang mga mata at kunot noo akong napasulyap sa kaniya.
"Ano ka sinuswerte?" Asik ko rito.
"Aba! Ikaw na nga itong huling dumating ikaw pa magrereklamo," singhal naman nito sa akin.
Siningahalan ko rin siya ng tingin.
"Walang manlilibre, ambagan tayo dito." Bulalas naman ni Madison.
"What? Siya ang huling dumating dapat siya ang manlibre," sulsol pa ni Erica.
"Nye, hanggang dito pabibo talaga 'to." Asik ni Mico saka naglabas na rin ng pera.
"Oo nga. Pabibo kamo ni Erica sa room. Papansin masyado kay Matt," bulalas naman ni Jade.
"Oh, nadawit nanaman pangalan ko. Tang ina niyo," asik ko sa mga ito saka umiling.
Kumain na muna kami sa fast food at habang kumakain kami, hindi naman ako makapag-pokus. Boring na boring na ako, hindi ko alam basta. Hindi ako na-e-excite sa galang nangyari ngayon. Palinga-linga nga ako sa mga taong dumadaan, ewan ko ba parang may gusto akong makita.
"Matt bangag ka ba?" Tanong sa akin ni Madison habang naglalakad kami papuntang arcade.
"Huh? Bakit?" Turan ko rito.
"Kanina kapa linga nang linga," asik sa akon ni Diana.
"Naghahanap ng chics," bulalas ni Erica.
"Kaysa naman ikaw daw ulit ligawan niya," bulalas naman ni Mico.
Kaagad na tinaliman ni Erica ang tingin rito, ngunit tumawa lang ang tatlo kong kaibigang lalaki.
"Funny," asar na bulalas ni Erica.
"Asar-talo talaga," bulalas ni Jade sabay sulyap sa akin.
Pinauna namin silang maglakad, sumabay naman sa akin si Jade sa paglalakad.
"Tang ina pre, seryoso kaba talaga sa sinabi mo kagabi?" Alam ko na kung ano ang tinutukoy nito.
Napailing ako at huminga ng malalim.
"Nakakapagtaka diba? Kahit ako nagtaka sa sarili ko e. Hindi ko tipo si Mian..." natigilan ako sa pagsasalita nang may masidlawan ang mga mata ko.
Namamalikmata lang kaya ako? Si Mian ba talaga yung nakita ko na pumasok sa kung saang stall? s**t!
"Bakit?" Tanong ni Jade na nagtaka rin sa biglang pagtigil ko sa pagsasalita.
Umiling ako at huminga ng malalim.
"Wala," tugon ko at sumunod na lang sa kanilang pumapasok na sa arcade.
Sa loob naman ng arcade ay lalo lang akong naboring. Sayang-saya na sa paglalaro ang mga kaibigan ko, habang ako ay nakatunganga at nanonood na lamang sa kanila. Sadyang tinatamad akong maglaro ngayon nakakainis.
Tapos hindi pa mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Baka nga siguro namamalikmata lang ako na si Mian yung nakita ko.
Tanda ko pa nga kung ano yung suot niya. She's wearing yellow crop top and black high waist jeans. Pero hindi ako sigurado kung siya talaga iyong nakita kong babae. Ganoon na ba siya katagal na nasa isip ko para lang bigla-bigla ko na lang siyang makita sa kung saan?
Tang ina Matt.
"Parang ang tamlay ni Matt ngayon," puna naman ni Madison.
"Hayaan niyo na. May iniiisip lang 'yan," depensa sa akin ni Mico
Alam kong alam nila kung bakit ako nagkakaganito. Pero minamabuti nilang pagtakpan ako sa mga ito. Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito.
Ni minsan hindi ko ito naramdaman sa mga naging ex ko. Kaya naninibago ako kung bakit ito nangyayari sa akin ngayon. Ang malala pa roon doon pa talaga sa babaeng hindi ko namab tipo.
"Mauna na kami, kayo ba?" Si Diana.
"Paiwan na kami." Sabi ni Jade.
"Sus, may kikitain lang kayo dito e." Ani Erica.
"Si Erica akala mo naman may jowa sa mga 'to," ani Madison.
"Oo nga. Nagseselos kaba?" Ani Arthur.
"Tss, bye."
Nagpaiwan kami sa loob ng mall at pumunta ulit ng food court para bumili ng banana shake. Habang nasa mesa kami ay panay pa rin ang linga ko sa bawat taong nakikita ko.
"Seryoso kaba talaga kay Mian?" Tanong ni Jade sa akin.
Umiling ako, "Hindi."
"Gago ka pala e," asik sa akin ni Arthur.
"Hindi ko nga alam. Kahit ako naguguluhan," sambit ko.
"Pre, wag si Mian. Paano kung masaktan mo siya?" Tanong naman ni Mico.
"Sasaktan kaagad?" Tanong ko.
"She's precious and pure bro. Wag siya," ani Mico.
"Nalilito rin ako e," sambit ko.
"Mga gago tayo, at hindi tayo karapat-dapat sa mga babaeng katulad niya." Wika naman ni Arthur.
"Alam mo, mas mabuti siguro na klaruhin mo muna yang nararamdaman mo para sa kaibigan natin, kasi kami kahit gago kami, ayaw naming masaktan si Mian," bulalas naman ni Jade.
Siguro nga iyon ang dapat kong gawin. Gusto ko na klaruhin na muna ang nararamdaman ko sa kaniya.
Naiwan ako sa mall ng mag-isa kaya naman mag-isa rin akong uuwi. Naglalakad na ako sa parking lot nang may masidlawan nanaman ako.
At first I thought I am just hallucinating again. I blinked my eyes twice, at totoo nga ang nakikita ko. Si Mian nga ang babaeng nakita ko kanina.
She's wearing a yellow crop top and high waist black jeans with white shoes. Nakatayo siya sa parking lot habang nag-se-cellphone.
Palapit na sana ako ngunit natigilan ako. Pinili ko na umatras. Pinili ko na tumalikod na muna sa kaniya sa pagkakataong ito. Lito ako sa nararamdaman ko para sa kaniya, lito rin ako sa kung ano ang nangyayari sa akin.
Gusto ko na klaruhin na muna ang nararamdaman ko. Gusto ko na matanto ang tunay na nararamdaman nang wala siya sa tabi ko. Gusto ko'ng lapitan siya ngunit alam kong hindi tama, hindi akma para sa nararamdaman ko. Baka maabuso ko lang ang sarili ko. Ni hindi ako sigurado sa aking nararamdaman. Kaya paano ko naman masisiguro na siya nga talaga?
Maaari kasi na masyado lang akong nadadala. At tama ang mga kaibigan ko, hindi ko siya pwedeng saktan.
And best thing to do is to keep distance.