Kabanata V

1673 Words
V: Boyfriend Isang linggo na ang lumipas simula nang magpasiya ako na huwag na munang lapitan si Mian, dahil nga gusto kong makumpirma ang totoo kong nararamdaman sa kaniya. Sa classroom ay sa grupo ako nina Erica sumasama, habang sina Mico, Arthur at Jade naman ay palaging kasama ng grupo nina Janine. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapasulyap sa kanila minsan, lalo na kapag naririnig ko ang kanilang tawanan. Hindi ko naman maitatanggi na masaya talagang kasama sina Mian at ang mga kaibigan niya, hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng inggit sa mga kaibigan ko. Lalo na at nakikita ko na komportable sa kanila ang grupo nina Mian. "Bakit hindi ka yata sumasama kina Mico?" Tanong sa akin ni Ella. Napabaling ako sa kaniya mula sa pagkakatitig ko sa mga kaibigan ko sa likod. "Wala," sagot ko saka dinukot ang aking cellphone. "Baka may away sila," sambit naman ni Erica. Sa kaniya naman ako tumingin at umiling. "Wala kaming away," na lamang ang sinabi ko saka ibinalik ang aking atensyon sa cellphone. Wala naman talaga kaming away na magbabarkada. Sadyang magkaiba lang ang sinasamahan namin at nagkataon na ako ang napahiwalay. Hindi ko rin naman masisisi ang mga kaibigan ko kung bakit kina Mian sila sumasama. Alam naman nila kung bakit hindi rin ako sumasama sa kanila, kaya naman kuha na nila 'yon. Saka kapag uwian naman ay kami naman ang magkakasama. Kahit pa tutok na ang atensyon ko sa aking cellphone ay hindi ko pa rin mapigilan ang mga mata ko na tumingin sa kanila. Sa bawat naririnig kong salita o boses nila ay napapalingon talaga ako, lalo na kapag humalakhak na ng tawa si Mian. Ang sabi ko iiwasan ko siya, pero heto ako at hindi mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kaniya. "May groupings daw tayo, ako ang mag-a-announce, hindi makakapunta si Ma'am," anunsyo naman ni Erica na nakatayo sa harapan at nakatuon ang kamay sa teachers table tapos hawak ang isang piraso ng papel. Nakaupo ako sa pinakalikod habang nakikinig sa ingay na nililikha ng mga kaklase ko. Aktwal na ingay lalo na at wala si Ma'am ngayon. "Exodus!" Sumigaw na si Erica dahil lumalala na ang ingay. Salubong na ang kilay nito at kunot na ang noo, "Puwede ba mamaya na yang ibang inaasikaso niyo? Kayo diyan sa likod, yang grupo nina Mico, hindi ba talaga kayo titigil? Suking-suki kayo sa sawayan ah," singhal pa ni Erica. Napasulyap ako sa kinaroroonan nina Mico. Natawa na lang ako nang makitang nang-aasar na nginusuhan ni Mico si Erica. Ngunit napawi ang ngiti ko nang makita kung paano tampalin ni Mian ang balikat ni Mico, habang nakangiti siya rito. Alam ko na sinasaway niya lang si Mico pero bakit ako nakaramdam ng init ng ulo sa nakita ko. At hindi lang iyon ang nasaksihan ko, ang tang inang si Arthur. Inilapit ang bibig sa tainga ni Mian habang bumubulong rito, matapos naman niyang bulungan si Mian ay bahagya itong natawa. Ang sarap manapak ng tropa. "Gallardo!" Binulyawan na ito ni Erica na kahit ako ay nagulat. Maagap na napalingon sa kaniya si Mian sa kinaroroonan ni Erica. "Bakit?" Kaswal na tanong ni Mian. "Pwede bang lumipat ka muna ng upuan? Ikaw pala pinagmumulan ng ingay diyan eh!" Singhal ni Erica kay Mian. Ngayon lang ako natuwa sa ideyang iyon ni Erica. Napangiti ako ng malawak at bigla ay parang gusto kong pumalakpak. Sinulyapan ko si Mian na nakangusong tumayo habang nagpapaalam pa sa mga kaibigan niya. Umalis ito sa row nila at umikot, sa likod siya naupo kung saan malapit sa akin. Naupo siyang mag-isa sa last row, at nanahimik roon. Mas okay na rin na mag-isa siya at tahimik kaysa naroon at tampulan naman siya ng ingay na nililikha ng mga kaibigan ko, tuloy ay siya ang napapag-initan ni Erica ng ulo. Natapos ang group announcement nang hindi payapa ang room. Panay ang pang-aasar ng iba kay Erica. Pero ang hindi ko matanggap ay naging ka-grupo ko si Mian sa project na gagawin. Apat kaming magkaka-grupo, ako, si Erwin, si Sarah at si Mian. Iniiwasan ko na nga pero talagang pinipilit ng panahon na paglapitin pa kami. Nakakainis. "Susunduin mo pa ba si Wendy?" Tanong sa akin ni Mico na ang tinutukoy naman ay ang girlfriend ko sa kabilang building. "Oo," simpleng sagot ko. Uwian na at magkakasama nanaman kami. Kasama rin namin ang grupo nina Mian ngunit nauuna silang maglakad. Si Mian naman ay abala sa pagtitipa sa kaniyang cellphone habang naglalakad. "Samahan kana namin," ani Arthur. Umiling ako, "Wag na. Sina Mian na lang ang samahan niyo," sambit ko naman. "Sige. Hintayin na lang namin kayo sa labas," sabi ni Jade saka mabilis na sumabay ng lakad sa grupo nina Janine. Napailing na lang ako. Pinuntahan ko si Wendy sa classroom nila tulad ng gusto niyang gawin ko. Isa si Wendy sa mga babaeng nagcha-chat sa akin na shinota ko. Wala, para lang may maging libangan ako. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang gumamit ng iba para lang ma-distract ako sa kaniya. "Hi babe," salubong nito sa akin paglabas ng room saka inilingkis kaagad sa braso ko ang mga kamay niya. "Uhm," tinanguan ko lang siya at bahagyang nginitian. "Bye Wendy," paalam sa kaniya ng mga kaibigan niya, na nilingon naman niya at kaagad na kinawayan. "Nasaan ang mga kasama mo?" Tanong ni Wendy sa akin. "Nasa labas naghihintay sa atin," utas ko naman. "Oh, ganoon ba?" Aniya. Pagdating sa labas ay nahanap ko kaagad sina Mico. Ngunit kumunot ang noo ko at agad na nagtaka nang makitang kumpleto pa rin ang grupo nina Janine at nagtatawanan pa sila. Lumapit kami ni Wendy sa kinaroroonan ng mga ito. "Oh yan na pala sila. Tara na," excited na bulalas ni Mian. "Hindi pa pala kayo umuuwi?" Tanong ko sa mga ito. Umiling si Janine. "May pupuntahan pa kasi tayo," saad naman ni Jaz. Kaagad na nangunot ang noo ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat. "Nagkayayaan kasi kami kanina na mag-Inasal ngayon. Nagpaalam si Mian sa dad niya so dapat hindi ka rin mawawala," sabi ni Hazel sa akin. "Puwede ba akong sumama?" Tanong naman ni Wendy. "Hindi," nakangiting tugon ni Jade, "Hindi ka naman belong." Kaagad kong binatukan ang kaibigan ko. "Tara na," aya pa ni Mian. Wala naman kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa mga ito. Nagpapahuli kami ni Wendy ng lakad, habang nangunguna silang lahat at ini-enjoy ang kwentuhan at tawanan sa gitna ng daan. Napapaisip tuloy ako, napapansin kaya ni Mian na iniiwasan ko siya? Bakit parang hindi man lang siya naapektuhan ng pag-iwas ko? Para ngang wala lang sa kaniya eh. Pagdating naman sa Mang Inasal ay nagkaniya-kaniya kami ng order ngunit iisang table ang kinuha namin, iyong magkakasya kami. Hanggang sa pagkain ay panay ang kwentuhan nila. "Grabe ang init ng dugo ni Erica kay Mian," umpisa naman ni Mico. "Hayaan niyo na, totoo naman kasing ang ingay natin sa likod," bulalas pa ni Mian. "Baka naman nagseselos lang sayo 'yon," singit naman ni Arthur. Kaagad na kumunot ang noo ko. Ang tang inang si Arthur kanina pa 'to e. Pikon na ako sa isang to. "Bakit naman siya magseselos sa akin, as if naman na may inagaw ako sa kaniya?" Siyang turan naman ni Mian. "Wait, the Erica that you guys are pertaining to is Matt's ex right?" Bigla pang sumingit sa usapan si Wendy. Kaya ayokong magsasama ng girlfriend sa lakad ng tropa eh. "Oo," sagot naman ni Jade. Napapikit na lang ako ng mariin. Akala ko naman ay mai-enjoy ko ang dinner na ito. Tang ina hindi pala. "Then bakit siya magseselos kay Mian?" Tanong naman ni Wendy. "Nako hindi niya naman ako pinagseselosan," agap ni Mian, "Sadyang maiingay kami kapag magkakasama kaya siguro suki kami sa sawayan," aniya. "Eh bakit laging ikaw?" Bigla namang singit ni Janine. Natawa si Mian, "Syempre, ang lakas kong tumawa." "Tss," napahuni na lang ako niyon at ipinagpatuloy ang pagkain. "Bye babe," paalam sa akin ni Wendy saka sumakay sa tricycle. Kinawayan ko naman ito. Bumaling ako pabalik sa mga kasama ko. Nagkakapaaalaman na rin ang mga ito. "Maiwan kana namin, bye Mian!" Bumeso pa si Jaz sa kaibigan. "Bye, ingat kayo ah." Bilin ni Mian sa mga ito. "Ikaw? Dito kana lang talaga? Sure ka?" Tanong naman ni Arthur dito na para bang nag-aalala. Kumunot ang noo ko at huminga ng malalim. Ngumiti at tumango naman si Mian sa kaniya. "Ayos lang, mauna na kayo." Sabi pa ni Mian. Kumunot lalo ang noo ko. Ibig sabihin ay dito siya susunduin ng daddy niya? Kung iiwan namin siya mag-isa rito, masyadong delikado. Nasa labas siya ng fast-food chain kaya naman delikado rin para sa kaniya. Tapos ay babae pa siya at ang... Ganda pa. Tang ina Matt! "Sure ka?" Paninigurado ni Jade. "Oo nga," tango ni Mian. "Okay," sambit naman ni Mico saka tumingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko at humugot ng malalim na hangin, saka naglakas loob na balingan siya. "Sigurado ka ba na may susundo sayo?" Tanong ko. Nakangiti siyang naglapat ng tingin sa akin saka tumango. Tama ako, baliwala sa kaniya ang pag-iwas na ginagawa ko. Tila ba normal lang iyon. Para bang hindi man lang niya napansin na umiiwas ako. "Oo." Tugon niya. "Hintayin na natin ang daddy mo. Mauna na kayo," inutusan ko pa ang mga kaibigan ko. "Actually...." "Ayos lang, Mian." Putol ko rito at binalingan ang mga kaibigan ko, "Mauna na kayo." Tumango sa akin ang mga ito saka naglakad na palayo habang kumakaway kay Mian. Kumaway si Mian pabalik sa kanila. Tapos ay bumaling sa akin. "Hindi si dad ang magsusundo sa akin, siguro mauna kana sa akin." Aniya. Kumunot ang noo ko. There's something strange here. "Bakit?" Tanong ko. "Boyfriend ko kasi ang susundo sa akin..." aniya. Umawang ang bibig ko sa gulat. Tama naman ang dinig ko diba? May boyfriend siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD