Kabanata VI

2161 Words
VI: Protect Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Parehas kaming nakatitig sa isa't isa. Hindi ko naman nagawang magsalita kaagad dahil nagulat rin ako. Well, what's surprising anyway? It's normal that she had a boyfriend right? I mean, well she's quite pretty and nice. Ano naman kung may boyfriend siya? Ano naman 'yon sa akin ngayon? Bakit ko ba poproblemahin? Ang sa akin lang, bakit kailangan niya akong paalisin kaagad dahil lang boyfriend niya ang susundo sa kaniya? Ako na nga itong nag-aalala sa kaniya ako pa ang pinapaalis niya. "Hmmm," tumikhim ako at bumawi, "Ano naman kung boyfriend mo susundo sa'yo?" pagtatanong ko pa rito. Huminga siya ng malalim. Mabigat ang buga at pinikit pa ang kaniyang mga mata. Kinagat niya ang ibabang labi at sinubukang mag paliwanag sa akin. "Hindi mo alam kung gaano ka-seloso 'yon..." umiiling na sambit niya. Kaselos-selos na ba ako kung ganoon? "Tss, ano naman ang pagseselosan niya? Wala naman tayong relasyon," katuwiran ko pa saka pasiring na nag-iwas ng aking tingin. "Kahit na, Matt. Hindi mo alam kung gaano ka-sarado ang utak niya lalo na kapag nagseselos," utas pa niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa mukha ni Mian. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Iwan kita rito kahit delikado?" Pasinghal ko namang buga. Kung alam naman pala niyang sarado ang utak ng boyfriend niya, bakit hindi pa niya hiwalayan? Siya lang din ang mahihirapan sa ginagawa niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya saka umiling. Umiling lang din ako. "Matt, please nakikiusap ako sa'yo? Iwan mo na ako dito," nakikiusap ang tinig na aniya. Hindi. "No Mian. Hindi ako ganoon ka iresponsable, lalaki ako at babae ka, dapat lang na pangalagaan kita." Patuloy na pagmamatigas ko. "Matt, I really appreciate your concern and thank you for that. But you can't understand me," nangangapang aniya. "Kung gusto mo ako na ang magpapaliwanag sa boyfriend mo kung bakit tayo magkasama, tsaka ano ba kita? Hindi naman kita girlfriend ah?" Asik ko rito. Nagbuga siyang muli ng mabigat na hangin. Tila ba nauubusan na ito ng pasensiya sa akin. Wala akong pakialam, ang mahalaga sa akin ay makita ko siyang safe na sumama sa boyfriend niya. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nasisiguro ang kaligtasan niya. Hindi ko siya pwedeng iwan dito, marami na ang loko-loko ngayon, saka isa pa pasado alas-otso na ng gabi kaya delikado dito sa kalye. Paano ko siya maiiwan? Kaysa naman umuwi nga ako pero yung pag-aalala ko sa kaniya ay nasa utak ko pa rin. At bakit ka naman mag-aalala, Matt? Okay classmate ko siya. Iyon 'yon, kaya ako nag-aalala. Dahil mag-kaklase kami. Nothing more. Okay, nothing more Matt. "Iyon na nga Matt e, hindi mo ako girlfriend." Bulalas niya kaya naman napabaling akong muli ng tingin sa kaniya, "Pero yung sarili mong girlfriend hinayaan mong umuwi mag-isa," dagdag pa nito. Kumunot ang aking noo. "Well, Wendy is safe. Hinintay ko siyang makasakay ng tricycle," utas ko naman. "Matt, please? Pagbigyan mo na ako, iwan mo na ako dito." Patuloy pang pagmamakaawa niya. Umiling ako, "Hindi kita iiwan." Nawalan na nga siya ng pag-asa dahil hindi na ito nagsalita pang muli. Ngunit ang ginawa naman niya ay lumayo ng kaunti sa akin. Dahil makulit ako, nilapitan ko pa rin siya. "Matt naman!" she exclaimed. Natawa ako dahil naiirita ko na siya. "Ano?" maang-maangan kong tanong. "Ang laki-laki naman ng kalye dito ka sisiksik sa tabi ko," reklamo niya, salubong na ang kilay. Ang cute. "Para namang may nakakahawa ako'ng sakit kung maka-react ka," nguso ko. "Misty," sabay pa kaming nag-angat ng tingin sa lalaking tumawag sa kaniya. Naroon na ang boyfriend niya. Matangkad ito at masasabi ko namang gwapo, pero mas gwapo pa rin ako. Kunot ang noo niyang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Mian. Tumikhim si Mian at kaagad na humakbang upang lapitan ang boyfriend niya. Hindi ko alam pero gusto ko siyang pigilan sa ginawa niya, ngunit ano naman ang magagawa ko? Boyfriend niya yon. "Ahm, uh...Babe. Si ano nga pala," halatang kinakabahan siya habang kinakausap ang boyfriend niya, "Hmm si Matt, classmate ko. Matt, si Timothy, boyfriend ko." Matalim ang titig sa akin ni Timothy at kalaunan ay unti-unti ring kumalma ang titig nito sa akin. Tinanguan ko naman ito. "Nice meeting you. Gusto ko lang ipaalam sayo na, wala kang dapat ika-selos. Kaibigan lang ang turing ko kay Mian," bulalas ko. Kumunot ang noo nito at sinulyapan si Mian. Kaagad na nag-iwas ng tingin si Mian at mukhang kinakabahan sa boyfriend niya. Ano, natatakot ba siya? Tang ina kung ako sa kaniya iiwan ko yang ganiyang klase ng lalaki. "M-Matt, mauna na kami." Pagpapaalam ni Mian sa akin. Tinanguan ko naman siya kaagad. Tinanguan lang din ako ni Timothy at mabilis na inakay si Mian palayo. Kumunot ang noo ko dahil doon. Tang ina, ano naman kaya ang gagawin niya kay Mian. At dahil dakilang makulit ako, patago ko silang sinunandan. Hindi sila nag-uusap na dalawa hanggang sa nakarating na lang sila ng sakayan ng jeep ay wala pa ring imik ang dalawa. Si Mian halatang kabado, habang si Timothy naman ay halatang malalim rin ang iniisip. Hindi ko na sila nasundan pa nang parehas na silang sumakay ng jeep. Saka lang ako lumabas sa posteng pinagtataguan ko at nag-abang na lang din ng jeep para makauwi na rin ako. Pagdating sa bahay ay tamad kong ibinagsak ang sarili sa kama. Tinitigan ko ang kulay gatas na kisame ng aking boring na kwarto. Habang nakatitig doon ay hindi naman mawala ang pag-aalala ko kay Mia. Buwisit na ito, akala ko kapag nakita kong safe na siya ay matatahimik na ang utak ko, pero ngayon mas nag-aalala ako sa kalagayan niya dahil sa boyfriend niyang iyon. I wonder, alam kaya ng daddy ni Mian ang tungkol sa lalaking iyon? Alam kaya ng mga magulang ni Mian ang trato ng lalaking iyon sa kaniya? Sobrang manipulative. Nagkaka-girlfriend din ako at nagseselos pero inilalagay ko sa lugar. Hindi ako yung tipo ng boyfriend na kapag nag-selos ay sasaktan na 'yung girlfriend o kaya ay sisigawan. Ayoko sa lahat yung nakakaramdam ng takot sa akin yung girlfriend ko. Kaya naman kahit na nagseselos ako, kahit na galit na galit ako pinipili kong tumahimik muna para mapakalma ang sarili ko, nang sa gayon kapag kinausap ko na ang girlfriend ko kalmado na ako at nakakapag-isip na ng tama. Dinukot ko ang cellphone ko na kanina pa vibrate nang vibrate siguro ay may nagte-text. Napabuga ako ng hangin nang makitang pulos kay Wendy galing ang texts. Wendy: Nakauwi na ako. Wendy: Nakauwi kana ba? Wendy: Bakit hindi ka nagre-reply? Wendy: Matt! Ano ba, may pinuntahan pa ba kayo? Wendy: Sige wag mo kong replyan, bukas wala ka ng girlfriend. Tang ina sino ang tinakot ng babaeng 'to? Hindi ako takot mawalan ng girlfriend. Kung babae lang ang pag-uusapan, ang dami sa tabi-tabi. Ang daming nagkakandarapa sa akin. Ayoko pa naman sa lahat iyong kino-kontrol ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Bakit hindi niya maintindihan na hindi ko magagawang mag-reply kaagad. I mean, hindi lang siya ang aasikasuhin ko. May mga bagay rin akong inaalala na ginagawa ko na kahit noong hindi pa kami. Ang gusto kasi ng mga babae kapag naging boyfriend kana nila, sa kanila na lang iikot ang mundo mo. Hindi nila alam na may mga bagay kang nakasanayang gawin bago mo pa sila nakilala at kakaunti na lang sa babae ang nakakaintindi ng bagay na iyon. Ipinarada ko ang motor ko sa parking lot ang aming school. Naghubad ako ng helmet at isinabit iyon. Maglalakad na sana ako ngunit may babaeng humarang sa akin. Si Wendy. Magka-krus ang dalawang kamay nito sa kaniyang dibdib at nakatingin sa akin ang matatalim niyang mga mata. "Buong gabi walang paramdam Matt!" Kaagad na sita nito sa akin. Nagtaas ito ng boses at may ilang estudyante ang nakarinig. Napatingin ang ilan sa kinaroroonan namin. Napapikit ako ng mariin dahil sa labis na iritasyon sa asal ng babaeng ito. Sa halip na kausapin ay nilampasan ko siya. "Matt!" Sinigaw pa niya ang pangalan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad, gusto ko siyang kausapin doon sa hindi mataong lugar. Napapahiya ako sa ginagawa niya. "Matt, ano ba? Nakikipag-hiwalay kana ba?" Muling sigaw niya. Sa pagkakataong ito ay dinakma ko na ang pulsuhan niya at hinila siya sa ilalim ng punong mangga sa harap ng gate ng school. Hindi ganoon kadami ang tao roon. "Ano bang problema mo? Ikaw ang nagsabi na kapag hindi ako nag-reply break na tayo diba? I just gave what you want!" I complained. "Sinabi ko 'yon para takutin ka!" Singhal niya. "Hindi ako takot mawalan ng girlfriend, Wendy." Malumanay kong sinabi. Natigilan siya at nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata. "Bakit ba kasi hindi ka nagre-reply kagabi? Nag-aalala lang naman ako," bigkas niya habang namumuo ang luha sa mga mata. Huminga ako ng malalim. "Hindi ako nakapag-reply kaagad dahil hinintay ko pang dumating yung sundo ni Mian," bulalas ko. Napatunganga sa akin si Wendy. Pinahiran niya ang kaniyang mga mata. "Ano?" Kumunot pa ang kaniyang noo, "Si Mian? Ah, si Mian...yun bang pinagseselosan ni Erica?" What the f**k? Bakit naman nadawit ang bagay na yan dito? Ang problema dito yung pagiging immature niya bakit niya dinadawit ang bagay na iyon? "Don't even go there, Wendy. At isa pa, para sabihin ko sa'yo, hindi pinagseselosan ni Erica si Mian," utas ko. "Sinabi sa akin ni Erica ang lahat kagabi. Nakausap ko siya," singhal sa akin ni Wendy. Kumunot na ang noo ko at marahang ibinaling ang ulo sa gawi ni Wendy. "Inamin sa akin ni Erica na mahal ka pa niya, inamin din niya na pinagseselosan niya nga yang punyetang si Mian---" "Don't even curse at her!" I cut her off, hindi ko napigilan nakapag taas ako ng boses. "Okay. Now I know kung bakit selos na selos yang ex mo diyan kay Mian. I regretted that I defended you on Erica. Ngayon alam ko na, kasi naramdaman ko na yung nararamdaman niya." Bulalas ni Wendy. "Walang ginagawang masama sa inyo yung tao," saad ko sa nagtitimping tinig. "Yeah. Pero she can hurt us without her knowing because you're protecting her more than us!" She exclaimed. Hindi na ako umimik. Kapag umimik pa ako baka kung anong masakit na salita pa ang lumabas sa bibig ko. "You're speechless right? Because it's the truth. You like her, you like her more than you like me. Or are you in love with her?" Pagdidiin pa sa akin ni Wendy. Huminga lang ako ng malalim. Blangko ang laman ng utak ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam paano ipapahayag ang nararamdaman ko. "Let's break up, Matt." Tapos ni Wendy saka nilisan ang harapan ko. Naiwan ako na nakatunganga lang doon. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Basta ang alam ko lang walang masamang ginawa sa kanila si Mian para itrato nila ng ganoon at pagselosan. Nananahimik 'yung tao. Napaka bait nung tao sa kanila at pinakikisamahan sila ng maayos, bakit ganoon ang sinusukli nila? Nadatnan ko na lang ang sarili ko sa Shake House kung saan madalas na tumambay sina Erica, at hindi naman ako nabigo sa pagpunta ko roon dahil natagpuan ko siyang kasama sa iisang mesa sina Madison at Diana. Mabilis ang mga hakbang kong nilapitan siya at dinakma ang pulsuhan. Hinila ko ito patayo, syempre naka-agaw kami ng atensyon pero wala akong pakialam. "Matt, bakit?" Si Diana. "Matt, ano ba!" Reklamo ni Erica. Hinila ko ito palabas ng Shake House at doon lang binitawan saka kinausap. "Ano'ng ginawang masama ni Mian sayo?" nag-iigting ang panga na pagtatanong ko. Natigilan siya at kapagkuwan ay nakabawi rin naman. Pagak siyang tumawa saka sarkastiko akong nginitian. "Wala," sagot niya. "Wala naman pala. Bakit sinisiraan mo siya sa ibang tao?" Singhal ko rito. Humalukipkip ito at hinarap ako. "Ano bang masama sa ginawa ko? Nagbigay lang naman ako ng nararamdaman ko sa kaniya ah," katuwiran pa niya. "Nararamdaman? Bakit kailangan mong siraan siya sa iba? Iniintindi at pinakikisamahan ka niya ng maayos tapos ay ganiyan ang iginaganti mo?" Singhal ko ulit. Pinagtaasan ako ni Erica ng kilay at inirapan. "So kasalanan ko pa pala? Sorry, Matt ha. Kasi umasa ako na puwede pa tayo. Kasi umasa ako na gusto mo pa ako, pero deputa, nakasama mo lang ang lintik na babaeng yon nawala na atensyon mo sa akin?" Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. Kailan ko naman siya binigyan ng pag-asa? "Wag mong malilintik si Mian. Hindi ka pinapatulan ng tao," sambit ko. "You're really protecting her against us. You are protecting her more than you protected me," bitaw niya saka ako nilampasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD