Kabanata VII

2202 Words
VII: Rason Hindi ko alam kung bakit halos lahat sila ay iniisip na pinoprotektahan ko si Mian. Pinagtatanggol ko lang naman yung tao dahil wala namang ginagawang masama sa kanila si Mian. Tapos itong si Mian walang kaalam-alam na ganoon na pala ang tingin sa kaniya ng iba, at nakakainis lang na dahil iyon sa akin. Hindi ko malaman kung saan nanggagaling yung mga ganoong bagay na ibinabato nila kay Mian. I mean bakit nila pagseselosan yung tao? Kaibigan ko lang si Mian at iniwasan ko na nga. At kung alam lang nila...may boyfriend yung tao tapos ay ganoon ang binabato nila sa babaeng nananahimik lang naman. Halata namang walang interes sa akin si Mian. "Hoy!" Nagulat ako nang bigla na lang tapikin ni Mico ang balikat ko. Napalingon tuloy ako sa likuran ko at kapapasok lang nilang tatlo sa room. Sa sobrang abala sa pag-iisip ay halos hindi ko na sila napansin pa. Naupo silang tatlo sa aking tabi, at tila mga usiserong naghihintay sa kuwento ko. Malamang ay alam na rin nila ang tungkol sa bagay na iyon. "May issue pala kayo ni Mian?" Diretsong tanong ni Jade. Napabuga ako ng hangin at umiling, "Anong issue? Hundi issue 'yon, sadyang makikitid lang utak ng mga taong nakapaligid sa amin." Totoo namang walang ka-isyu-isyu sa pagitan naming dalawa ni Mian. Ano naman ang issue doon? Pinagtatanggol ko siya, iyon ba? Maliit na bagay nilalagyan nila ng malisya. O baka naman may nakikita silang malisya na pilit ko lang itinatanggi. Minsan duda rin ako sa sarili ko e. "Alam ba ni Mian ang tungkol dito?" Tanong naman ni Arthur, mukhang mas nag-aalala pa ang kumag na ito. "Hindi ko alam," pabuga kong tugon at hindi sinasadya na guminda ang mga tingin ko sa pintuan. Kung saan naroon sina Mian kasama nina Janine, Hazel at Jaz. Kapwa nagtatawanan ang apat na mga babae habang papasok ng room. Hinampas pa ni Janine si Mian sa balikat na kaagad namang iniwasan ni Mian at bahagyang pinitik ang noo ni Janine. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at ang lalakas nilang tumawa pero masaya ako na makita siyang nakakatawa pa. Marahil ay hindi niya pa alam ang tungkol sa nalaman ko kanina. Mabuti na rin na wala siyang alam tungkol doon. "Ayan na pala sila," ngiting-ngiti na bulalas ni Arthur. Huminga ako ng malalim at hindi na pinanood pa ang pagpasok nila. Basta narinig ko na lang ang tawanan nila habang papalapit sa row na kaharap naman ng row na kinaroroonan namin. "Mukhang walang alam si Mian," bulong sa akin ni Mico. "Gagi, kung may alam yan sa tingin mo makakatawa pa yan?" Singit naman ni Jade. "Hayaan niyo na. Wag niyo na lang sabihin, baka mamaya pag-awayan pa nila ng boyfriend niya." Saad naman ni Arthur. Kaagad na kumunot ang aking noo. Kagabi ko lang nalaman na may boyfriend si Mian habang itong si Arthur, ibig sabihin matagal na niyang alam na may boyfriend si Mian tapos hindi man lang sinabi sa akin. "Alam mong may boyfriend si Mian?" Mahina ang tinig na tanong ko rito. Gulantang na napalingon sa akin sina Arthur, Jade at Mico. Then I guess, hindi lang si Arthur ang may alam. Silang tatlo. At ni isa wala man lang nagsabi sa akin. "Gago amputa!" Tawa ni Jade, sabay salikop sa kaniyang bibig. Napapikit ako ng mariin at ramdam ko ang pagkuyom ng aking panga. "Hindi mo ba alam?" Tumatawang tanong naman sa akin ni Mico. Nilingon ko ito ng may matatalim na tingin, "At sa tingin niyo magugulat ako kagabi na boyfriend niya pala ang susundo sa kaniya kung alam ko na?" Asik ko. Tinawanan ako ng tatlo kong kaibigan. "Bobo, matagal na niyang sinabi sa amin yung tungkol sa boyfriend niya. Ang akala nga namin alam mo, dahil naging close kayo diba?" Bulalas naman ni Jade. "What?" Kumunot ang aking noo. Tang ina. Nakaka-irita naman na ako lang pala yung walang alam na may boyfriend na siya. Bwisit! Bigla ay kinalabit ni Arthur si Mian dahilan para mapalingon silang magkakaibigan sa gawi namin. Tumatawa si Arthur nang itinuro ako, ako naman ay labis na ang pagtitimping ginagawa para lang hindi ko masapak si Arthur. "Tanga amputa. Hindi pala niya alam na may boyfriend ka?" Tumatawa si Arthur habang tinuturo pa rin ako. Sige lang, kapag naubos talaga pasensiya ko babaling yang mukha mo sa likod. "Hindi mo ba sinabi sa kaniya?" Tanong naman ni Jade. "Hindi e," nakangiting sagot ni Mian, nag-peace sign pa ito sa akin. Ang cute, tang ina. Pinigilan ko ang pagkawala ng ngiti ko at iniiwas ang tingin ko sa kaniya. "Aw, ang Matt nagtatampo." Asar naman sa akin ni Jaz. "What? Nagtatampo your face!" Angal ko pa. "Sorry, Matt. Paano ko naman sasabihin sa'yo e iniiwasan mo ko," nakangusong sambit ni Mian. My jaw dropped. What the f**k, pati ba naman ang pag-iwas ko ay sinabi ng mga kaibigan kosa kaniya. Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga kaibigan ko at lahat sila natigilan, tiyak ko na wala rin silang alam kung paano nalaman ni Mian. "A-Ano? Iniiwasan?" Maang-maangan kong tanong sabay lunok. "Oo, bakit hindi ba? Don't tell me na hindi mo lang talaga ako napapansin these past few days?" Aniya. Kumunot ang aking noo. Tang ina paano niya nalaman? Ang buong akala ko wala siyang alam, akala ko hindi niya napapansin ang pag-iwas ko. "O baka naman ayaw mo sa aming apat kasi kami ang sinasamahan ng mga kaibigan mo?" Bulalas naman ni Hazel. Kung alam lang nila kung gaano ko kagustong kasama silang apat, dahil napaka boring kasama ng mga tropa ni Erica. Sila-sila lang ang nagkakaintindihan sa pinag-uusapan nila, hindi tulad ng grupo nina Mian na masasabayan namin ang trip. "Gagi, hindi. Hindi ako umiiwas, kasi..." tang ina Matt, ano? Mag-isip ka ng magandang reason. "Kasi liligawan niya ulit si Erica," biglang buga ni Arthur sabay kindat sa akin. Tang ina magandang reason ang hanap ko hindi worst reason. Kahit ako nagulat sa sinabing iyon ni Arthur. Hindi lang ako, pati sina Jade at Mico. Namilog ang mga mata nina Janine, Jaz at Hazel. Si Mian naman ay namilog rin ang kaniyang bibig tapos ay sinapo iyon napara bang kinikilig. "Puta..." Mahinang bulong ko. "Wag kanang mahiya, Matt. Okay lang 'yan! Kaya mo yan!" Cheer pa sa akin ni Mian habang malawak ang pagkakangiti. Tang ina, gusto kong sapukin si Arthur. "Wait, kaya ba nag-uusap kayo kanina sa labas ng shake house?" Tanong naman ni Janine. "Nakita mo 'yun?" tanong ko nalang. "Oum," tango naman ni Janine. "Ikaw Matt ah, share naman ng mga moves mo diyan. Baka sakaling mapa-oo ko si crush," nakangiting pahayag naman ni Jaz. "Tang ina. Gago," usal ko na lang at ikinuyom ang kamao ng palihim. Sa dami ng dahilan na puwedeng sabihin, bakit iyon pa? Bwisit na Arthur ito, kahit kailan talaga. Tapos ay nakakatawa pa siya ngayon matapos niya akong ipahamak. Dumating na ang subject ng Science. Lahat kami ay bumaba ng building para magtungo sa Science Lab, doon kami nagka-klase eh. Magkakasabay na lumabas sina Mian at mga kaibigan niya ng room. Kaming apat ang nagpahuli, kanina pa ako walang imik dahil nga sa naging resulta ng pakikipag-usap ko sa kanila. "Gago ka, Arthur!" Pabirong bulalas ni Mico sabay sinapak sa balikat si Arthur. "Bakit naman ganon yung reason na sinabi mo?" Tanong ni Jade. "E ano ba dapat?" Tanong ni Arthur sabay tawa. "Dapat tumahimik kana lang," hindi maitatago ang iritasyon sa aking tinig. "What? I'm just saving your ass man." Katuwiran pa ni Arthur. "Saving my ass! Your face, tss." Asik ko saka ako naglakad palabas ng room. "Teka nga," pinigilan ako nito sa pamamagitan ng paghila sa balikat ko. Matalim ang tinging ibinigay ko sa kaniya. "Oh, teka. Tama na yan," umawat na si Mico, hinawakan ako nito at si Jade naman ang humawak kay Mico. "Sana kasi hinayaan mo na lang ako, kupal ka." Singhal ko rito. "Pre tama na 'yan," awat sa akin ni Mico. "What? Kung hinayaan ba kita may maganda kang rason na sasabihin kay Mian?" Singhal pabalik ni Arthur. "Tss, at sa tingin mo maganda yung rasong sinabi mo? Pinalala mo lang yung rason tanga!" Asik ko naman. "Ano bang problema mo? Tinutulungan na kita ikaw pa galit!" Sikmat ni Arthur. "Hindi mo ko tinulungan bobo!" "Ikaw ang bobo! Hindi mo alam kung ilang beses nagtatanong si Mian sa akin kung bakit ka umiiwas sa kaniya, sa tuwing kinakausap ka niya nilalayasan mo siya!" "Ewan ko sayo," sikmat ko rin saka kumalas sa pagkakahawak ni Mico at nagpatiuna nang bumaba. Habang naglalakad patungo ng Science Lab ay hindi naman nawawala sa isip ko iyong sinabi sa akin ni Arthur na ilang beses raw nagtanong si Mian tungkol sa pag-iwas ko sa kaniya. Tang ina, hindi ko naman alam na napansin niya. Buong akala ko kasi ay okay lang sa kaniya o normal lang yung bagay na ginagawa ko. At bakit ba big deal sa akin yung nararamdaman ni Mian sa pag-iwas ko? Pagdating ng Science Lab ay late ako. Nag-uusap-usap na ang magkaka-grupo. At ka-grupo ko pa si Mian roon. Ngunit lutang ako at walang alam sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Hanggang sa mag-uwian ay hindi ako makausap ng maayos. Nakabusangot na ako buong maghapon. Hanggang mag-uwian ay hindi rin kami nagka-usap ni Arthur. Maski sina Mico at Jade at iniwasan ko. Napipikon talaga ako, sa hindi malamang dahilan. Pasakay na ako ng motorsiklo ko nang bigla na lang may mga kamay na pumigil sa akin. Medyo madilim dito sa parteng ito ng parking lot kaya hindi ko agad nakumpirma kung sino ang pumigil sa akin. Nang masilayan ang mga mata niya ay unti-unting kumalma ang sistema ko. Ang lahat ng pagka-badtrip na nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho. "Matt," hinihingal na ani Mian. "B-Bakit?" Nasamid pa ako. "Uh, ngayon ko lang naalala. Sabi pala ni Sarah, sa inyo daw gagawin 'yung cell model." Bulalas niya. "Sige," sambit ko. "Pinasabi lang sa akin yon kasi mukhang wala ka sa mood kanina...so sinabi ko para hindi magkakagulatan bukas..." mahina ang tinig na aniya. I can't stop myself from staring at her. Kahit pa gabi na ay kita ko pa rin ang liwanag ng mukha niya na tinatamaan naman ng ilaw na dala ng buwan. "May problema ka ba kanina? Okay lang na magsabi ka," aniya. Tang ina. Stop tempting me, Mian. Stop it. Stop it. Please...but don't stop right now. "May sundo ka ngayon?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin saka kinagat ang kaniyang labi. "Nag-text ako kay dad na kasama ko sina Janine...so wala," usal niya. Papatulan ko na 'to. Dinakma ko ang pulsuhan niya at inilalayan siyang sumakay sa motor ko. Hindi naman siya nagulat sa ginagawa ko, isinuot ko sa kaniya ang helmet na dapat ay para sa akin. Sumakay rin ako at pinaandar palayo ang motor ko. Dinala ko siya sa hindi mataong lugar, sa isang theme park na hindi naman kalayuan sa school namin. Ilang kilometro lang ang layo nito. Ngunit payapa kasi rito. "Nasabi sa akin ni Arthur na nagtatanong ka tungkol sa pag-iwas ko sayo," bulalas ko habang iniaabot sa kaniya ang kwek-kwek na nasa plastic cups. "Ah, thank you," aniya at tinanggap iyon. Naupo ako sa tabi niya. "Uhm, napansin ko lang kasi noon na naging cold yung pagka-usap mo sa akin...minsan," aniya. Huminga ako ng malalim at sinulyapan siya. Ngayon ay nginunguya na niya ang isa sa mga kwek-kwek. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga nakatanim na bulaklak sa tapat ng bench na inuupuan namin. "Siguro nanibago lang ako noon, kasi nasanay ako na sa tuwing papasok ako, sinasalubong mo ako, tapos nakangiti ka sa akin tsaka interesado ka sa mga kwento ko," patuloy naman niya. Hindi ko napansin na nasanay ko na pala siya sa mga bagay na iyon. "I accepted you on f*******:, chinat pa nga kita pero...wala akong natanggap na reply so I just unsent my message, kasi ilang araw na mukhang wala kang balak na i-seen." Kumunot ang aking noo. Tang ina, hindi ko alam na nag-chat siya. At kung nag-chat man siya sa akin, tiyak ko na rereplyan ko siya. Hindi dahil iniiwasan ko siya sa personal ay hindi ko siya rereplyan. "Sorry," sambit ko. But I know that sorry isn't enough. "Ayos lang. Ikaw ano nga palang problema mo kanina?" tanong niya. Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam paano ko sasabihin sa kaniya. "Nag-away ba kayo ni Erica? Mukhang hindi kayo nagpapansinan," aniya. Siguro nga dapat ko na lang rin patulan ang rason na ibinigay ni Arthur. Nang sa gayon, mapigilan ko pa ang sarili ko. Kung hindi ko papatulan ang rason na iyon, tiyak ko na hindi ako makakapag pigik kay Mian. Kahitn na may boyfriend siya. At ayoko namang mangyari yon. "Oo," tugon ko. Kinagat ko ang labi ko para makapag dugtong ng sasabihin. "Nagselos si Erica..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD