Kabanata XII

1465 Words
XII: Ignore Maganda ang naging gising ko nang sumunod na araw. Ramdam ko ang gaan ng pakiramdam na hindi ko naman alam kung saan nagmumula, kahit pa alam ko na may dapat akong asikasuhin ngayong araw. "May pupuntahan ka ba after natin magsimba?" Tanong ni mommy habang sumasakay kami ng van. "Meron, my." Sagot ko saka sumalampak sa likod. "Okay sige, may pupuntahan rin kami ng daddy mo," ani mommy na inaayos ang upo sa front seat. Nilingon ko si dad na pasakay na ng driver seat. "Okay na ba? Wala nang nakalimutan?" Tanong ni daddy. "Wala na dad," usal ko saka isinandal ang aking ulo sa head rest at ipinikit ang aking mga mata. Habang nasa biyahe naman ay naglalaro na sa utak ko ang ilang mga bagay at salitang dapat kong sabihin mamaya. Mabuti na nga lang at napapayag ko siyang makipag kita sa akin matapos ng simba. Natapos ang misa nang wala man lang akong naintindihan. Naroon sa pagkikita namin ni Erica ang utak ko. May kasalanan ako sa kaniya na dapat kong klaruhin, at dapat na linisin ko na ang kalat na sinimulan ko bago ako humakbang sa susunod na gagawin ko. Hindi ko magagawa ng mapayapa ang sunod na hakbang kung walang linaw kay Erica ang ginawa ko. "Ihahatid ka pa ba namin ng daddy mo?" Tanong ni Mommy. Umiling ako, "Hindi na my, diyan lang naman kami magkikita sa daño," agap ko. Lumawak ang ngiti ni Mommy, "Okay. Mukhang may date kayo ni Erica," ani Mommy. "That's my boy," ani dad saka tinapik ang aking balikat. Umiling na lamang ako. "Mauna na kami ng daddy mo. Mag-ingat kayo, i-text mo ako ha," bilin naman ni mommy. Tumango naman ako. Hinintay ko muna na makasakay sila ng sasakyan. Pinanood ko pa kung paano inalalayan ni dad si mommy sa pagsakay sa loob ng sasakyan. Kumaway pa sila sa akin bago tuluyan nang naglayag paalis. Ako naman ay nag-umpisa nang lakarin ang daan patungo sa Daño park kung saan kami nagtungo kagabi. At doon ko rin natagpuan ang kagaguhan ng lintik na ex-boyfriend ni Mian. Hindi naman kalayuan sa simbahan ang naturang park kaya nakarating agad ako. Sa bungad na bench ay nakita ko na kaagad si Erica. Nakasuot ito ng blue ball dress na pinaresan niya ng puting sandalyas at puting sling bag. Marahil galing din siya sa pagsisimba. Huminga ako ng malalim bago ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa kinaroroonan niya. Nilingon naman ako nito, her hawk eye immediately fall into me. Maikling ngiti ang pinakawalan ko saka ako naupo sa tabi niya. "Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin. "Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Rica. Ititigil ko na 'yung balak kong panliligaw sa'yo," diretso kong sinabi. Nagbuga ng malalim na hangin si Erica saka umirap at umiling. "Hindi ba sinabi ko na rin naman sa'yo kagabi na wag mo na lang ituloy?" Tumango naman ako. Alam ko na sinabi niya iyon, pero sa palagay ko kasi mas maganda kung sa akin iyon manggagaling. "Akala ko kasi nadala ka lang ng galit kagabi...so naisip ko na mas maganda kung sa akin mismo manggagaling," bulalas ko naman. Muli siyang bumuntong-hininga at tumango. "Okay na Matt, malinaw naman sa akin...I mean malinaw na sa akin ngayon. Wala ka namang dapat na ikabahala kasi alam ko naman na hindi ka rin sigurado sa ginawa mo. Pero pwede ko bang itanong kung bakit? Bakit mo ko binalak na ligawan ulit?" Umawang ang bibig ko at nilingon ko siya. Nagtama ang mga mata namin, nagtatanong ang mga paninitig niya sa akin. Hindi ko nagawang masagot kaagad ang katanungan niya. "I mean karapatan ko'ng malaman, Matt. Ako kasi yung biktima dito...so bakit mo binalak na ligawan ako ulit? Dahil ba kay Mian?" Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at lumunok bago ko nagawang magsalita. "Hindi ko rin alam, basta pinatulan ko na lang yung rason na 'yon...padalos-dalos ako. Kaya pasensiya kana talaga kung pati ikaw nadamay," sambit ko. "Rason?" Usisa pa niya. Tumango-tango ako, "Oo. Iyon lang kasi yung rason na meron ako noon para makalusot kay Mian," usal ko. Natigilan si Erica at pagak na natawa. May halong pait ang labas ng mga halakhak niya. Umiling-iling pa siya saka tumango rin kapagkuwan. "So tama nga ako...si Mian ang dahilan ng lahat ng ito?" Muli siyang pagak na natawa. "I'm really sorry, Rica. Hindi naman talaga ito yung balak ko...napilitan lang rin ako, kaya pasensiya kana talaga." Alam ko na nasasaktan ko siya. Ayokong maging assuming pero alam ko na may nararamdaman siya sa akin, at ang marinig ang mga salitang iyon sa akin alam kong nasasaktan ko siya. "Hayaan mo na, Matt. Tanggap ko naman...pero hindi ko lang inaasahan na tama pala yung mga hinala ko. Ginamit mo lang ako dahil kay Mian, tama ba?" Gusto ko'ng itanggi ang konklusyon na meron siya. Pero ano naman ang silbi kung itatanggi ko, wala rin. "I'm sorry," usal ko na lang dahil wala na rin naman akong magagawa at dapat pang sabihin. "Ayos lang, wag kang mag-alala hindi lang naman ikaw ang lalaki sa mundo. Makakalimutan rin kita," aniya saka tumayo sa kinauupuan, "Mauna na ako." "Ihatid na kita?" Suhestyon ko naman. Pampagaan man lang ng loob. Sinulyapan niya ako at nginitian, "Wag na Matt. Nakaya kong pumunta rito mag-isa. Makakaya ko ring umalis mag-isa." Tumango na lamang ako dahil mukhang magmamatigas naman talaga siya ngayon. "Wag kang mag-alala, Matt...walang magbabago sa turingan natin sa loob ng klase, ituturing pa rin naman kitang tao, hindi kita pag-iinitan kung 'yon ang inaalala mo, mauna na ako." Bitaw niya saka malalaki ang hakbang na nilisan ang harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin at lumunok na lang ako nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Hindi na muna ako umuwi kaagad. Nagkita-kita kami nina Mico, Jade at Arthur sa malapit lang na convenience store. Nang magkita-kita na kami ay bumili na muna kami ng makakain at maiinom, bago ko isinalaylay sa kanila ang nangyari. "Tang ina mo, Matt..." natatawa at naiiling na bulalas ni Jade matapos kong maikwento sa kanila ang lahat. "Paano 'yan, siraulo ka talaga." Sambit ni Mico na natatawa na lang rin. "Basta, ang mahalaga naman kasi sa akin ngayon malinaw na 'yung sa amin ni Erica," usal ko. "Pero malabo 'yung sa inyo ni Mian." Bigkas naman ni Arthur. Tumawa ang tatlo at inilingan ko lamang ang mga ito. "Seryoso pre, malabo yung inyo ni Mian. Sa palagay ko hindi ka rin papatusin no'n," ani Arthur. "Bakit Matt liligawan mo ba agad?" Tanong naman ni Jade. Umiling ako, "Hindi. Ayokong madaliin siya," sambit ko. "Ibig sabihin may balak ka?" Tanong ni Mico. "Ipagkakaila ko pa ba 'yon?" Asik ko naman. "Patay ka..." nasapo ni Arthur ang kaniyang noo at tuwirang tumingin sa akin, "Sigurado kana ba sa nararamdaman mo kay Mian? Hindi panandaliang girlfriend si Mian pre," ani Arthur. Tumango ako, "Alam ko." Alam ko ang bagay na iyon. Hindi basta-bastang babae si Mian. Kaya nga hindi ko siya mamadaliin, hindi ko siya pipiliting gustuhin ako. Dadahan-dahanin ko naman ang proseso ng lahat ng ikikilos ko. "Paano kung ipagtabuyan ka niya?" Tanong ni Mico. "Hindi ako aalis. Papatunayan kong totoo ang nararamdaman ko," saad ko ng buong loob. "Tang ina in love ka nga boy!" Bulalas ni Jade at tinapik ang balikat ko. "Lakas ng tama ni Mian sa'yo ah! Si Mian na ba talaga?" Si Arthur. Natatawang napailing naman ako, "Hindi natin masasabi...basta ang alam ko, itong nararamdaman ko kay Mian hindi ko naramdaman 'to kahit kanino...may ipinakita sa akin si Mian na kahit kailan hindi ko nakita sa mga naging girlfriend ko..." "Tang ina ang corny mo! Puta ayoko nang ma-in love nagiging corny!" Humahagalpak ng tawa si Mico napapatingin tuloy sa amin ang ilang nasa convenience store at ang gwardiya. "Bwisit ka Mico!" Asik ko at sinuntok ang balikat nito sabay tumawa na rin ako nang matanto ang kahihiyan sa sinabi ko. Puta kailan pa ako natutong mag bitaw ng mga ganoong kataga? Tinapik-tapik naman ni Arthur ang balikat ko. "Ingat pa rin, pre. Tulad nga ng sinabi ni Mian hindi siya pumapatol sa kaibigan, hindi siya pumapatos ng kaibigan... kaya naman masasabi ko sa'yo goodluck na lang," habilin naman ni Arthur. Tama. Iyon naman talaga ang kinatatakutan ko. I'm afraid that she might ignore my feelings for her. Yet I will try. Tanging pagsubok lang ang magagawa ko. Kahit pa baliwalain niya ang nararamdaman ko para sa kaniya papatunayan ko pa rin. Mananatili ako sa tabi niya, o kahit sa likuran na lang niya. She might ignore me but that doesn't mean I will took a step away from her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD